Nalagyan na ba ng marinade yung steak Wei ? " " Si Hannah ang gumagawa nun Te Cherry. Sabi nya kaya nya na daw eh. " " Sge sge titingnan ko na lang kung tama ba ang ginagawa ng batang yun. " " Kaylangan mo ng tulong ? " tanong naman ni Louise. " Ah, pakitusok na lang sa stick yung mga nandyan sa Tupperware. Salamat. " nakangiti kong sabi. " Hmm.. " " Bakit ? " tiningnan maigi ni Louise ang mukha ko. " Nagagandahan ka sakin no ? " pagbibiro ko. " Actually yes. " natawa naman ako sa sinabi nya. " Salamat ! " kapal ko talaga eh mas maganda nga tong kaharap ko ngayon XD " You're blooming. I wonder why. " nag isip ng malalim si Louise habang nakatingin parin sakin. " Ha-ha-ha.. eh.. H-Hala nasusunog na ! " naramdaman ko ang pag init ng mga pisngi ko kaya nagpanggap na lang ako