ANASTACIA’S POV Sa mga sumunod na araw ay halos hindi ko nakikita si Ravi dito sa mansyon. Kapag nagtatanong ako sa mga kasambahay ay sinasabi nilang maaga daw itong umaalis at doon na sa planta nagpapalipas ng maghapon. Kapag gabi naman ay hindi ko rin siya nakikita kaya pakiramdam ko talaga ay umiiwas siya sa akin! “Tomorrow is the start of your class, right, Anya?” Napatingin ako kay Heather nang magtanong siya sa akin tungkol sa simula ng pasukan bukas. Nandito ulit kaming tatlo sa balcony sa second floor dahil masarap sa balat ang simoy ng hangin dito kapag tanghali. Tumango ako at napatingin sa phone ko para maghintay sa reply ni Jackie. Hindi ako mapakali dahil sa ginagawang pag-iwas ni Ravi sa akin kaya kanina ko pa kinukulit si Jackie at nagtatanong sa kung ano ang reaksyon ni