ANASTACIA’S POV Bago kami pumunta sa waterfalls malapit sa hacienda nila Ravi ay kumain muna kami sa isang restaurant dahil naabutan na kami ng lunch. Unexpectedly, a woman approached us and asked something to Ravi. Hindi muna siya sumama sa loob ng restaurant para kausapin ang babae kaya si Jackie ay panay na naman ang kantyaw sa akin. Napapakunot ang noo ko dahil sa ginagawa niyang pagsiko sa akin lalo na nang nakaupo na kami sa isang table malapit lang sa pinto at sa pwesto namin ay natatanaw pa rin namin si Ravi na kausap ang babae. Mukhang kaedad lang ni Ravi ang babae. Maganda rin naman ito pero masyadong common ang itsura nito para sa akin kaya hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin ang detalye ng mukha nito. Kung hindi nga lang sa kakabulong sa akin ni Jackie ay hindi ko na