ANASTACIA’S POV Habang nasa sasakyan kami ni Ravi papunta sa school ay hindi mawala sa isip ko ang ginawa niyang paghalik sa akin kanina! Parang sirang plaka rin na paulit-ulit kong naririnig sa isip ko ang mga babala niya sa akin kanina! At alam kong hindi talaga siya nagbibiro dahil isang beses ko nang napatunayan kung gaano siya ka-agresibo pagdating sa pag angkin sa akin! Mukhang tama nga ang sinabi nila Leil na sa akin ibabaling ni Ravi ang init ng katawan na hindi niya mailabas dahil pinagbawalan siya ni Daddy na mambabae! Isa pa ay wala namang ibang dahilan para halikan niya ako kung kailan niya gusto! Hindi tuloy ako mapakali habang nasa byahe. Kung magpapatuloy si Ravi sa pagnanakaw ng halik sa akin kung kailan niya gusto ay hindi ko kayang ipangako sa sarili ko na mapipigilan