ANASTACIA’S POV Pinilit kong mag concentrate sa buong lesson ni Ravi sa Math10 pero hirap na hirap talaga akong intindihin! Sa lahat ng subject ay nakakasunod ako at bukod tangi lang na sa subject niya ako mahina. Siguro ay distracted din ako dahil alam ko na alam na ng mga kaklase ko at kalat na kalat na sa buong school ang tungkol sa aming dalawa. Mas dumami pa ang iba’t-ibang speculations nang sabihin ni Ravi sa mga co-teachers niya na sa darating na linggo na ang kasal naming dalawa. Kanya-kanya tuloy ng opinyon ang mga tao sa school. Tsaka ko lang napatunayan kung gaano kasikat si Ravi sa buong university dahil maghapon yata na walang ibang bukambibig ang mga estudyante kundi ang balitang ikakasal na kami ni Ravi. “Magkakilala na pala silang dalawa dati. Sa Maynila pa lang ay nagki