ANASTACIA’S POV Kanina pa ako napapa buntong hininga habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. Dalawang outfit ang binigay ni Jackie sa akin para suotin sa photoshoot namin ni Ravi ngayong araw. Pero hindi ko alam kung paano kong maisusuot ng maayos ang mga dress na dala niya! “Geez! Raoul Vittorio! I’m gonna kill you!” Gigil na bulalas ko habang nakatingin sa maliit na kulay pulang marka malapit sa cleavage ko. Ang sabi ko sa kanya kanina ay ‘wag siyang masyadong humalik sa dibdib ko dahil alam ko kung paanong pumili ng damit si Jackie para sa akin. Hindi siya namimili ng dress na hindi nakikita ang asset ko kaya in-e-expect ko nang mababa ang neckline ng mga dress na ipapasuot niya sa akin para sa photoshoot. Pero paano ko namang itatago ang mga kissmark na iniwan ni Ravi kung di