“B-Blair! Tama na! N-Nasasaktan na ako!” Sabu-sabunot ko ang buhok ng kabit ng papa ko. “P-Parang awa mo na! ‘W-Wag mo na akong saktan! Pangako, bukas bibigyan kita! Magkakapera ako!” Mas lalo ko pang diniinan ang pagkakagapos sa hibla ng kan’yang buhok na ikinangiwi n’ya ng husto. Parang gusto ko nang ihiwalay ang anit sa bungo n’ya.
“Iyan din ang sinabi mo sa ‘kin kahapon. Sa susunod, ‘wag kang mangangako kung hindi mo naman kayang tuparin, naiintindihan mo ba ako?” Mabilis n’ya akong tinanguan habang naghahabol s’ya ng sarili n’yang hininga.
“O-Oo… kaya bitawan mo na ako—“ Hindi ko pinatapos ang kan’yang sinasabi dahil pabagsak ko s’yang tinulak sa sahig. Napa-tihaya s’ya roon habang mangiyak-ngiyak na sa sakit.
Pagod na pagod ako galing sa ulingan, sa bukid pero pagdating ko, wala s’yang inabot sa ‘kin na pera kagaya ng binilin n’ya.
Pambili ko pa sana iyon ng yosi.
Naka-tikim tuloy s’ya ng blackeye ngayon.
“Elenor, kapag wala ka pang binigay sa ‘kin bukas, aahitin ko na ‘yang buhok mo.” Iyan ang matigas na tugon ko bago ko s’ya tinalikuran.
Palaging bugbog sarado sa ‘kin ‘yang kabit ng papa ko. S’ya lang naman ang dahilan kung bakit namatay ang mama ko. Nahuli n’yang nagsisiping ang dalawa kaya tuluyan nang naputukan ng ugat sa ulo at hindi na naisalba pa.
Lumabas ako ng bahay. Sinuot ko ang sapatos ko at lumakad na palayo. Mangangahoy pa ako ngayon pero parang sa gubat na lang yata ako magpapalipas ng gabi. Kapag nalaman ni papa na sinaktan ko ang kabit n’ya, baka kami naman nag magrambulan pero lagi naman s'yang natatalo.
Malabo ang mga mata ‘e. Sa ganoong paraan lang ako nakakaganti dahil hindi hamak ang pinagdaanan ng mama ko sa mga kamay n’ya, simula noong bata pa ako. Ngayon lang ako nakakabawi para alipustahin sila pareho.
Umakyat ako sa bundok kung saan ako nangangahoy. Bago ang lahat, kinuha ko sa loob ng aking bulsa ang isang pakete ng sigarilyo. Isang stick na lang ang natira kaya mainit ang ulo ko kanina pa. Sinindihan ko iyon gamit ang dala kong posoro. Humugot ako ng maraming hangin para mahithit ko na ang sigarilyong naka-ipit sa hintuturo at hinlalaki ng aking kamay.
Paulit-ulit kong hinithit hanggang sa filter na lang ang natira. Marahas kong binuga ang usok sa ere at pabagsak na tinapon iyon sa damuhan. Mariin ko pang inapakan para masigurado kong mamamatay ang baga. Nagpatuloy na ako sa paglalakbay para makuha ko na ang mga pinatuyo kong mga kahoy.
Alas tres pa lang ng hapon pero mas gusto kong dito na lang ako matutulog dahil nakakatamad umuwi ng bahay.
“H-Help… H-H-Help… M-Me… H…H…Help…” Sa kalagitnaan ng aking paglalakad, may biglang humawak sa sakong ko. Nang binabaan ko iyon ng tingin, hindi ko namalayang may naka-handusay palang isang lalakeng duguan at naka caumofladge uniform na tila miyembro ng isang hukbong sandatahan.
Tinitigan ko lang ang lalake na parang naghihingalo na. May dugo na ngang lumalabas sa kan’yang bibig at halos naka-pikit na s’ya. “H-Help… me…” Kung maalala ko, may narinig akong balita kaninang umaga sa radyo na may helicopter crash daw dito sa bundok pero hindi ko alam kung saan banda iyon.
Tinitigan ko lang na walang emosyon itong nagaagaw buhay. Ang malas n’ya dahil ilang kilometro pa ang layo ng hospital dito. Hindi ko s’ya matutulungan at wala akong pake kung mamamatay ang taong ‘to na hindi ko naman kaano-ano. “H-Help—“
Winaksi ko ang aking paa kung saan s’ya naka-hawak. Natanggal ang pagkakapit n’ya.
Wala akong inusal na kahit anong salita at pinagpatuloy ko lang ang aking pag-hakbang. Naririnig kong tinatawag pa ako ng lalake pero hindi ko s’ya sinubukang lingunin at dumura na lang ako. “Mga walang kwentang salot na mga sundalo. Walang ginawa ‘kun ‘di mag amok ng giyera kahit hindi naman mga terorista ang mga naka-tira sa lugar na ‘to.”
Matapos ang araw na iyon, nakalimutan ko na ang tungkol sa lalake na nakita ko sa gubat. Hanggang sa, isang araw, habang pababa na ako sa bundok, ginulantang ako ng mga kalalakihan na hindi ko naman sila kilala. “Ikaw ba si Blair Viper Toro?” Lima silang humarang sa ‘kin at alam kong may naka-tago na mga armas sa tagiliran nila.
Doon ko binagsak sa damuhan ang pasan-pasan kong troso. “Sino kayo?”
“Sumama ka sa amin.” Kahina-hinala ang mga ‘to. Hindi ko pinalagpas para kapahin ang patalim na naka-sabit lang din sa aking tagiliran pero bago ko pa mahawakan ang handle ng taga ko, nabigla ako nang naramdaman kong may tumusok sa batok ko.
Nanginginig ang mga kamay kong kinapa iyon at parang syringe yata. Naka-tusok na ang karayom sa balat ko roon at ilang segundo lang, nandilim na ang aking paningin at ako na itong napa-dapa sa damuhan.
PAG-MULAT ng aking mga mata, halos wala pa kong makita pero malakas ang kutob kong wala na ako sa gubat. “She’s awake.” May humatak sa kuwelyo ko para mapa-tayo ako. Med’yo malabo pa rin talaga ang paningin ko pero napagtanto kong nasa loob pala ako ng magarang silid.
“Ikaw pala ang hampas lupang nakikitira sa aking lupain…” Napa-baling ang buo kong atens’yon sa nag-salita..
“Sino kang putang inang hambog ka?” Habang lumilinaw na ang paningin ko, unti-unting nanlaki ang aking mga mata nang mapa-dako ang atensyon ko sa lalakeng naka-upo sa wheel chair habang pinapaligiran s’ya ng mga tauhan n'ya.
“I am Regis Demorgon... The owner of this manor.”
Huminto ang pag-hinga ko dahil s’ya ‘yong sugatan na lalakeng hindi ko tinulungan!