Danica Isinalang muna nila ako sa isang full body massage. Halos makatulog ako habang nakahiga sa isang single bed na may kalambutan. Sobrang sarap sa pakiramdam habang minamasa-masahe nila ang buong katawan ko. Sinimulan nila ito mula ulo hanggang mga paa ko. Binalot ako ng hiya noong una dahil makikita nila ang buong katawan ko. Pero habang lumilipas ang sandali ay nasasanay na rin ako. Bakit pa ako mahihiya sa kanila? Kung si Dave nga na isang heartthrob ay nakita na ang buong katawan ko. Araw-araw at gabi-gabi niya akong sinasamba. Ni wala akong narinig na pamumula mula sa kanya. Maliban na lang 'yong sinabi niya sa akin noong una na ang payat-payat ko daw at parang walang kalaman-laman. Pero sa isang buwan kong pamamalagi sa bahay niya ay nagkaroon din ako ng laman kahit araw-ara