CHAPTER 22: I Miss You!

1833 Words

Danica LUMIPAS ang tatlong araw na hindi umuuwi si Dave. Ayon sa mga tao niya ay nagkukulong lang ito sa loob ng office nito. Gusto ko sana siyang puntahan ngunit bantay-sarado naman kami dito. Ayaw din nila akong samahan dahil naghabilin daw ang boss nila sa kanila na huwag na huwag kaming aalis ng bahay. Sa kanila lang ito nakikipag-usap. Ayaw niyang sagutin ang mga tawag ko, kahit buong maghapon ko na 'yong ginagawa sa kanya. Hindi ko na tuloy alam ang iisipin ko. Baka galit siya sa akin dahil sa huli naming pag-uusap bago siya umalis. Hindi ko naman sinasadya 'yon pero kasalanan ko pa rin, alam ko. Nahihirapan akong mag-concentrate sa pag-aaral. Nakaharap ako ngayon dito sa laptop ko. Ngunit wala naman dito ang isipan ko. Nakadagdag pa ang kakaiba kong nararamdaman sa sarili ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD