Danica At bago nga niya ako maturuan lumangoy ay alaga muna niya ang lumangoy sa akin sa ilalim mismo ng tubig. Kaya naman bago kami magsimula sa totoong turuan nang paglalangoy ay medyo nabawasan na ang lakas ko! Dalawang oras kaming nagbabad sa tubig hanggang sa nakalimutan ko nang dalhan ng mirienda si Lance sa silid niya. Nag-enjoy na rin kasi ako at kaagad ko ring natutunan kung paano ang mag-float. Pagkatapos naming mananghalian ay si Lance naman ang sinamahan namin sa pool, dahil nainggit bigla ang bata. Kawawa naman kung hindi namin pagbibigyan. Matagal na niyang gustong maligo sa pool. Tinuruan din siya ni Dave kung paano ang tamang paglangoy. *** LUMIPAS PA ang mga araw at linggo. Ini-enroll din ako ni Dave sa isang online class para sa college. Gusto niya raw na makatapos