chapter 9

1006 Words
"Where have you been?" Saglit akong napahinto sa pag-akyat ng hagdan nang marinig ang kalmadong boses ni Mommy. Ipinaskil ko ang pinakanagandang ngiti sa'king mga labi bago ito hinarap. Sa loob ng pamamahay namin ay si Mommy ang batas. Kahit gaano kasiga ang mga daddy at kuya ko ay tiklop silang lahat kay Mommy. Pati nga ako eh, tiklop sa commander in chief namin. "Good morning Mommy," malambing kong bati sa kanya. Pinanatili ko ang inosenting ngiti habang pilit na sinasalubong ang mapanuri niyang tingin. Tinaasan niya lang ako ng kilay sabay tingin sa suot niyang mamahaling relo. Tsaka ko lang naalala na lampas tanghali na pala kaya mali iyong pagbati ko. " Iba iyong time zone ko," pacute kong palusot. I maybe a different person in front of other people but I am still my family's little Khaila. And, sometimes...I don't like it that they still treated me like a baby. "Anak, alam kong malaki ka na," malumanay na wika ni Mommy. "Pero di mo matanggal sa'kin ang mag-alala palagi sa inyo ng mga kuya mo... lalo na sa iyo kaya sana naman kapag di ka makakauwi ng bahay, tumawag ka naman," naghihimutok niya pang dagdag. Malambing ko siyang nilapitan at niyakap. Lihim akong nagpasalamat dahil naisipan kong mag-shower bago umuwi. Bahagyang lumukot ang dulo ng ilong ko habang iniisip kung ano kaya ang nagiging amoy ko kung sakaling dumiretso ako nang uwi. "Sorry, Mommy, di na po mauulit. I love you," naglalambing kong sabi habang isiniksik ang sarili sa pamilyar na seguridad na kayang ibigay ng mga bisig ng isang ina. Narinig ko ang buntong-hininga niya sabay ganti ng yakap sa'kin. "Teka, akala ko ba...out of town kayo nina Dad? Bakit nandito ka na?" naisipan kong itanong nang maalala ang dahilan kung bakit ako iyong humarap kay Mr. Shawn Quinn. Kampanti akong umuwi nang tanghali dahil hindi ko inaasahang nakaabang siya ngayon dahil nga huling alam ko ay umalis sila ni Dad. " 'Di kami natuloy dahil may emergency meeting na kailangang puntahan iyong mga Dad mo. Sa weekend na lang kami tutuloy," sagot niya bago ako pinakawalan. Magsasalita pa sana ako pero namataan ko si Dada Kevin at Daddy Kian kaya masaya ko silang binalingan. "Dada! Inaapi ako ni Dad sa office," agad kong sumbong. " I missed you," malambing kong yakap sa kanya nang makalapit na siya. One week ko itong di nakita dahil may importante siyang inasikaso sa Cebu branch ng kompanya. "I missed you too, sweetheart," masuyo nitong balik yakap sa'kin. " So, 'di mo na ako yayakapin niyan dahil si Dada mo lang ang na-miss mo?" masungit na tanong ni Daddy na kapwa nagpatawa samin nina Mommy. "Of course, love na love ko yata ang pinakamasungit pero pinakagwapo kong Daddy!" Si Daddy Kian naman ang nilambing ko. "Don't worry, pagsasabihan ko iying si Klaus na 'di ka utus-utusan dahil prinsesa ka namin," seryosong sabi ni Daddy Kian na lalong nagpatawa sa'kin. " I love you, parents!!" pasigaw kong pahayag matapos bumitaw sa yakap ni Daddy Kian. "And, we love you more," chorus naman nilang sagot. This is life! Ano pa ba ang kulang? Sobra-sobrang biyaya pa nga ang nasa akin. Ang dami ko kayang ama! Iyon nga lang kahit di ko hiniling ay binigyan ako ng mga kapatid na Carson-monsters. " See you sa office," paalam sakin nina Dada bago sabay na inilalayan nila ni Daddy si Mommy na nag-wave sa'kin at flying kiss bago tuluyang umalis. Nangingiti ko silang hinatid ng tanaw bago ako umakyat sa kwarto ko. Mabilis akong humakbang sa hagdanan at nawala sa isip ko ang sagupaang pinagdaanan ko sa ibabaw ng kama? Sofa? Table? O maging sa sahig kaya napangiwi ako nang biglang sumigid ang sakit sa gitna ko. Litse! Daig ko pa ang na-virgin-nan. Napuruhan yata ako ni Shawn Quinn... but still, some part of me is still craving for more... ================ May kasalukuyang executives meeting na nagaganap nang dumating ako sa office. Mula sa bahay ay dumiretso na ako rito at di na pinili pang ipagpahinga ang pagod kong katawan dahil kapag wala akong pagkaabalahan ay tiyak na iyong isip ko naman ang mapapagod sa kakaisip sa nangyari sa pagitan namin ni Shawn. Siguradong nandoon sa meeting ang mga magulang ko kaya di na lang ako dumalo at piniling tumuloy na lang sa sarili kong opisina. Agad kong sinimulan ang ilang mga nakabinbin kong trabaho pagkaupo na pagkaupo ko bago ko pa muling maalala ang dahilan kung bakit nahihirapan akong umupo nang maayos ngayon. Iyong malambot na unan na rati ay sinasandalan ko lang ay naisipan lung upuan upang maging komportable ako habang nagtatrabaho. Ilang beses ko nang namura sa isip si Shawn simula pa kanina tuwing natitigilan ako dahil sa pagsigid ng sakit sa pagitan ng mga hita ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng isang report nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko. I strictly forbid anyone to enter my office without prior notice except kong isang Carson ang bisita kaya napataas ang kilay ko nang ang seryosong abuhin na mga mata ni Shawn Quinn ang agad sumalubong sa'kin. Nakakagulat na nalampasan niya ang secretary ko sa sitwasyon niya at mas nakakagulat na dumating siyang mag-isa at walang alalay kahit isa gayong isa siyang bulag. Napakurap na lang ako nang bumagsak pasara ang pinto ng opisina ko kasabay nang pagtunog ng lock. "It's a surprise to see you here, Mr. Quinn," pormal kong bati sa kanya kahit biglang bumilis ang pintig ng pulso ko. "These coming days...you will see more of me, and I'm gonna claim all of you, over and over again," nakaangat ang isang sulok ng bibig niyang sabi na lalong nagpadagdag sa taglay niyang karisma. Di siya mapagkamalang bulag dahil sa segurado niyang mga hakbang palapit sa kinauupuan ko. Ako iyong nataranta at biglang napatayo nang nasa mismong harapan ko na siya. Bago pa ako makahuma ay walang sere-seremonyas niya akong hinapit sa beywang palapit sa matigas niyang katawan. Isang singhap ang kumawala sa mga labi ko habang kusang dumiin ang katawan ko palapit sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD