CAULI'S P.O.V Matapos kong sabihin ang katagang 'yon sa mukha ni Michael, tumalikod na kami habang nasa aking tabi si Kiely at nakaalalay sa'kin. "Ate, saan tayo dadaan?" Puno ng pangamba ang mukha niya habang palingun lingun siya. Tulad niya, naghahanap rin ako ng malulutusan namin. Kumalat nang kumalat ang mga 'yon at kung magtatagal pa kami, for sure hindi na kami makakalabas! Hindi ko na pinansin si Michael. Balak yata niyang mamatay kasabay ang sunog kaya mauna siya. Matusta siya kung gusto niya. "Dito tayo!" nagulat ako ng hawakan ni Michael ang kamay ko at mabilis na giniya sa isang direksyong hindi pa masyadong ginagapangan ng apoy. Painit nang painit ang paligid namin ngayon at masakit na 'yon sa balat. Ngunit bago pa kami masunog sa loob, nakalabas din kami ng ligtas. "O