MONICA: ILANG oras akong naghihintay sa pagbalik ni Aldrich pero tila wala itong planong umuwi! Kinakabahan na rin ako na hindi ko maipaliwanag. Hindi ako mapakali. Palakad-lakad ako dito sa labas ng unit namin na inaabangan ang pagdating nito. Bawat tunog at pagbukas ng elevator ay napapalingon ako at umaasang lalabas doon ang mahal ko. Pero inabot na ng gabi ay wala pa rin ito! Mangiyak-ngiyak ako na hindi na alam ang gagawin! Iniwan naman kasi nito ang cellphone at wala akong idea kung saan siya naroon! PARANG lulukso sa tuwa ang puso ko nang sa wakas ay lumabas mula sa elevator ang lalakeng nagpapabaliw ng puso ko! Napatuwid ako ng tayo mula sa pagkakasandal ko sa pintuan ng unit namin. Kunot ang noo nito na parang hari kung maglakad. Naka-white long sleeve polo at black slacks n