ALDRICH:
HINDI ako makapag-focuu sa mga inaaral kong proposal ng ibang kumpanya na nililigawan ang ADC tower na mag-invest sa kanilang kumpanya.
Hindi maalis-alis sa isipan. ko ang naging bangayan ni Monica at Cielo kanina dito. Mabuti na lang at nasa labas lang ang mga bodyguard ko. Isang salita ko lang ay papasok na sila.
Abala naman ito sa laptop na nag-aaral sa tabi ko. Nagsusungit na naman na hindi ako pinapansin. Napapailing na lamang ako sa isip-isip kung gaano ito ka-attitude na Yaya ko. Madalas nga niyan ay parang siya na ang boss sa aming dalawa.
Minsanan nga lang ako nitong tawaging Sir e. Madalas ay Aldrich lang ang tawag sa akin. Hindi rin niya ako tinatawag na Kuya. At aminado akong nagugustuhan ko ang ugali niyang iyon.
"Hoy," untag nito na bahagyang sinipa ang binti ko.
"Ouch, ano ka ba. Para kang hindi babae," ingos ko na napabusangot.
Napahagikhik naman itong lalong ikinabusangot ko.
"Bili ka ng pagkain. Nagugutom na ako dito," utos nito.
Napataas ako ng kilay na pinapaikot-ikot ang pen na hawak ko. Hindi rin naman ito nagpatalo na tinaasan din ako ng kilay. Napapakurap na tila boss ko kung makaasta!
"Bakit ako?"
"Alangan namang ako?" baliktanong nito.
Napakamot ako sa ulo na iiling-iling na dinampot ang wireless telephone ko sa mesa. Ngiting tagumpay naman itong matiim na nakatitig.
"Yes, Sir?" bungad ni Mis Dahlia. Ang secretary ko.
"Um, Dahlia, pabili naman ng lunch good for two, here in my office," utos ko.
"Yes, Sir! Right away po," masiglang saad nito.
Pagkababa ko ng telephone ay bumaling na ako dito.
"Happy?"
"Yeah. . . sobra," nangingiting sagot nito na ikinailing ko.
Magkasama na kami ni Monica mula pagkabata. Kaya naman kumportable na ito sa akin na hindi boss o amo ang tingin at trato kundi parang kabarkada niya lang ako.
Hindi naman 'yon issue sa akin. Masaya ako sa kung anong relationship na meron kami. Na tipong hindi kami nagkakailangan kahit saang anggulo. Kilalang-kilala na namin ang isa't-isa at aminado akong nasanay na rin akong kasa-kasama ko siya sa tanang buhay ko. Hindi ko yata ma-imagine ang buhay ko na wala ito sa tabi ko.
"Aldrich," panggugulo na naman nito.
"Ano?" ingos ko na sa papeles na pinipirmahan ko nakabaling ang paningin.
"Magpapaalam sana ako eh. Sa weekend," saad nito.
Natigilan ako na nabitawan ang pen na hawak. Dahan-dahan akong napalingon dito na nakakunotnoo. Kimi itong ngumiti na matamang ding nakatitig sa akin.
"Bakit? Saan ka na naman pupunta?" medyo masungit kong tanong.
"May lakad kami ng kaibigan ko eh," balewalang sagot nito.
Mas lalo namang nagsalubong ang mga kilay ko sa sinagot nito.
Naalala ko naman ang lalakeng ka-holding hands nito kanina sa classroom nila. Ang saya nilang nagku-kwentuhan na parang sila lang ang tao sa paligid.
Naningkit ang mga mata kong nakatitig dito. Napataas ito ng kilay na humalukipkip.
"At bakit parang tinitiris mo na naman ako sa isipan mo, hmm?" masungit nitong tanong.
"May boyfriend ka na ba?" wala sa sariling tanong ko.
Namilog ang mga mata namin sa sinaad ko.
"Fvck" mahinang mura ko na naisatinig ang nasa isipan! Nakakainis!
"Boyfriend?"
"Um, yeah. Nagbo-boyfriend ka na, noh?"
Naipilig nito ang ulo. Maya pa'y napahagalpak ito ng tawa na napailing. Napabusangot akong nalulukot ang mukha sa pagtawa nito.
"Ano naman, hmm? Ikaw nga kung magpalit ka ng babae mo eh para ka lang nagpapalit ng brief mo araw-araw," ingos nito.
Napatikhim ako na nagseryoso sa pangungumpirma nitong may kasintahan na nga ito. May kung anong parte sa puso ko ang hindi natuwa.
Ay mali. Buong puso ko pala. Hindi natutuwa.
"Magkaiba naman kasi tayo, Nics. Lalake ako, okay? Walang mawawala sa akin. Pero ikaw, babae ka. Kapag nakuha ka ng isang lalake at napagsawaan? Itatapon ka na lang sa isang tabi," panenermon ko dito.
"Katulad ng ginagawa mo sa mga babae mo, gano'n ba? Na para silang basahan. Matapos mong pakinabangan ay itatapon mo na lang kung saan. Parang 'yong mga condom mo lang na minsanan mo lang gamitin at itatapon na lang sa gilid," pabalang sagot nito na ikinalunok ko.
Para kasing may iba pa itong ibig sabihin sa sinaad. Na para siyang. . . nanunumbat?
"Exactly, Nics. Kaya ikaw, hwag ka nga kung kani-kanino makikipaglapit lalo na kung lalake," panenermon ko.
Napanguso ito na pinapakibot-kibot. Parang batang nagtatampo ang itsura. Napapairap na naman sa akin na akala mo naman masama ang sinabi ko dito.
"Hindi lahat ng lalake katulad mong babaero. Marami pa rin dyan ang matitino," ismid nito.
Napahinga ako ng malalim na napahilamos ng palad sa mukha.
Hindi ko naman siya masisisi kung ganon ang tingin niya sa akin. Pero nag-aalala lang naman ako sa kanya. Ayoko lang na danasin niya ang masaktan at gawing parausan ng kung sino mang ponchopilato ang magtatangka. Makakapatay ako kapag nagkataon.
KAPWA kami natahimik. Hanggang sa pagdating ng tanghalian namin na binili ni Mis Dahlia ay hindi kami nag-iimikan. Magkasalo pa rin naman kaming kumain. Napapailing na lamang ako sa isipan ko. Para kasi kaming magkasintahan na nagkakatampuhan.
Maghapon itong abala sa laptop nito. Inabala ko rin ang sarili sa trabaho. Hindi naman ito umiimik kaya tahimik lang din ako.
Napaangat ako ng mukha ng mag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa na unregistered number ang caller.
Bigla akong nakadama ng kakaibang kaba sa dibdib. Napatayo ako na nagtungo ng glass wall at nagpamulsa ng isang kamay na sinagot ang caller. Dama ko naman na nakamata sa likuran ko si Monica at kita sa kaharap kong salamin na nakatitig ito sa akin.
"Yes?" pormal kong tanong sa caller.
"Mr Aldrich Di Caprio, right?" sagot ng baritonong boses sa kabilang linya.
Napalunok ako. Pilit pina-normal ang boses at mukha kahit na sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko.
"Speaking,"
"This is my first and last warning to you, young man. Stay. Away. From. My. Wife," may kadiinang pagbabanta nito.
Naipilig ko ang ulo na inaalisa sa isipan ang sinaad nito. Natahimik ako at hindi makaapuhap ng isasagot.
"Is that clear? I'm watching you, Mr Di Caprio. One wrong move, and you'll face my bullet," muling pagbabanta nito bago ibinaba ang linya.
Tulala ako na naipilig ang ulo. Inaalisa sa isipan ang mga sinaad nito. Sa uri ng pananali niya ay parang kilalang-kilala niya ako at hindi manlang natatakot banggahin ang isang katulad ko. Fvck!
Sino naman kaya ang caller na 'yon? Ang lakas ng loob pagbantaan ako. Pero ang tanong. . . sino ba ang asawang tinutukoy Niya!?