Chapter 3

1383 Words
MIYA "Sorry, Miss, you're not hired..." Pangalawa na itong inapplayan ko pero 'di pa rin ako hired. Naghahanap sila ng may experience, e, fresh graduate ako. Seryoso ba sila? Nakakabwisit! Akala ko naman maha-hire agad ako dahil sa ganda ng mga grades ko. "CJL Company," ito ang next na pag-aaplayan ko, sana makapasa na ako rito. They need IT Expert, fresh graduate or may one year experience. Agad akong pumasok sa loob nito at binigay sa HR ang aking Curriculum vitae. Sana matanggap na ako. Pang-ilan na ba itong company na binigyan ko ng Curriculum Vitae? Halos maubos na nga itong mga photo copy ko. "Please, wait, umupo muna kayo d'yan." Sabi ng HR staff sa amin. Kinakabahan ako. Sana talaga makuha na ako. Sana matanggap na ako rito. Mukhang maganda naman ang company, pagkapasok ko pa nga lang dito ang bango na, e. "Ang ganda rito, nuh? Maganda rin daw ang pasahod sa Company and the benefits." Narinig kong sabi ng katabi ko. "Mayaman kasi sila. Ang mga Lazaro. Sabi-sabi nandito na rin ang triplets na anak ng may-ari." Sabay silang kinilig ng sabihin nilang dito rin nagta-trabaho ang mga anak ng may-ari. Gwapo siguro ang mga anak ng may-ari. Base pa lang sa mga mukha ng mga kasama ko ritong mga babae mga kinikilig na sila. "Nakita ko sila kanina. Ang gagwapo. Ang ganda genes. Sarap magpabuntis sa kanila." Umikot ang mga mata ko dahil sa sinabi ng isa. What? Maganda ang genes kaya gusto magpabuntis. Aba! Gago! "Totoo kaya ang sabi-sabi, dalawa raw ang tatay ng mga iyon?" Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ng isa. "Imposible naman iyon, may gano'n ba? Dalawa ang tatay? Hindi ko na lang sila pinansin at napatingin kami sa pinto ng lumabas ang HR staff na kaninang kumuha ng mga Curriculum vitae namin. "To those whom I will call stand up and follow me." Ani ng HR staff sa amin. "Ms. Tabuching, Ms. Romero, Ms. Apodar and Mr. Espeleta. Follow me. And those, na hindi tinawag p'wede na kayong umuwi." Sumunod kami sa babae at umakyat kami sa 17th floor. Iyong dalawang katabi ko na nag-uusap hindi sila parehong natanggap. "Please be quiet. The president of the CJL Company will interview you. Good luck." Pagkababa namin sa 17th floor, kinausap ng HR staff ang lalaki sa labas. Ito yata ang secretary ng President ng company. Tumayo ito at lumapit sa amin, "who is Ms. Miya Apodar?" Nagtaas ako ng kamay. "A-ako po, sir." Tumango siya sa akin. "Follow me. And, the rest, The HR staff will take you to your designated jobs. Congratulations! You three are hired." Pagkasabi niyang iyon ay agad siyang naglakad at sumunod ako sa kanya. Kinakabahan ako. Hindi ba ako hired? Lumingon ako sa likod ko ng sa iba silang gumawi. Sila lang ba tatlo ang na-hired? Hindi ba ako kasama? Bakit tinawag pa ako ng HR staff? "S-sir? Hindi po ba ako nakapasa?" Tanong ko rito. Umiling siya, "you're hired also, pero gusto kang kausapin ni Mr. Lazaro." Tumango ako rito. "You may come in. Alam na nila ang pagpasok mo." Kumatok ako at agad na may sumagot sa loob. "G-good afternoon po," bati ko sa kanila. Kinakabahan ako. Napakusot ako ng mata ko. Naduduleng ba ako dahil sa gutom na ako o talagang kambal sila? "We're twins, don't worry. Di ka nagmamalikmata." Sabi nu'ng isang lalaki at tumayo ito. "I'm Mr. Carl Lazaro, his twin brother." "Hello po," bati ko sa kanya at yumuko. "I'm Mr. Carlos Lazaro. You may seat down." Umupo ako sa bakanteng upuan na katapat ni Mr. Carl. "You're applying as IT Expert?" Tumango ako rito. "Your salary is 15,000 a month. but, I can offer you, be a maid of my three son and you get 100,000 per month." Seryosong sabi nito sa akin. Weh? Katulong ng tatlo niyang anak? "M-maid po? W-wala po akong alam bilang isang katulong po." Ani ko. Nagluluto ako, naglalaba ako sa amin at nagwawalis din ako pero katulong ng tatlo niyang anak? Wala pa akong experience roon. "Don't worry. You won't do any housework, just watch over our children. If you do not want my condition, you can become an IT Expert and be the maid of my children. 115,000 pesos per month and you should be stay at our home. Deal?" Napaisip ako sa sinabi ni Mr. Carlos. Sobrang nakakaakit pero bakit ako ang pinili niya? 115,000 pesos? Wow! Daig ko pa nag-artista! "O-okay po." Sabi ko sa kanya. Sabay silang napangisi ng kanyang kakambal. Hindi ko na alam pero sayang iyon. Two months lang mababawi ko na agad ang lupa namin at p'wede ko pang ipaayos ang bahay namin. Kaya sayang diba kung tatanggihan ko pa, grasya na ito. Sayang naman ang blessing. "Good. What you hear and see at our home you can't tell anyone. You will be just like us." Tumango ako sa kanila at hindi ko lang narinig ang huling sinabi niya. "You'll start now!" Tumayo ito pati ang kanyang twin. "Follow us," Nakababa na kami ng gusali at sumakay sa kotse nila. "Saan ang bahay mo?" Nagtatagalog naman pala siya. "Turo ko na lang po," ani ko sa kanila. Anong sasabihin ko sa pinsan ko? Siguro naman maiintindihan niya iyon saka uuwi naman ako kapag sunday. "Mang Nestor, pakisundan ang sinasabi niya." "Okay, sir!" Tinuro ko ang bahay namin, malapit lang naman dito iyon, e. Kaya wala pang isang oras at kalahati, nakarating na kami sa tinutuluyan ng pinsan ko. Tinignan nila ang labas ng apartment namin. Sobrang gulo sa labas, maraming tao na nakatambay at sobrang daming batang naglalaro sa lasangan. "Kukunin ko lang po gamit ko mga sir," tumango ang mga ito sa akin. Pagkapasok ko sa apartment nadatnan ko si Lotty na kumakain. "Oh, pinsan, nakahanap ka na ba ng work?" Tumango ako rito. "Oo, e, pero stay in ako, Lotty." Sumimangot siya, "ay? Bakit? Anong work mo?" Sasabihin ko ba pero naalala ko ang sinabi kanina ni Mr. Carlos. "IT Expert, lagi kasi need ang mga IT Expert doon." Pagsisinungaling ko. "Ah, sige, pinsan. Pero, dadalawin mo naman ako rito?" Tumango ako sa kanya. "Oo naman, sige na, Lotty. Thank you, pinsan ha. Dalawin kita sa Sunday at kapag sumahod na ako ililibre kita." "Wala iyon! Basta sa unang sahod mo, ha? Libre mo ko sabi mo iyan, ha?" Panigurado nito sa akin. "Oo naman!" Nagpaalam na ako rito at lumabas ng bahay. Matutulog pa raw kasi siya. Pagkalabas ko, kinuha ni Mang Nestor ang bagahe ko. "Thank you po," pagsasalamat ko rito. Naging mabilis ang byahe namin papunta sa kanila. Pumasok kami sa isang gate, village yata itong dinadaanan namin. Ang lalaki at ang gaganda ng mga bahay rito. Gusto ko rin ganito ang bahay namin kaya magsusumikap ako. Huminto kami sa isang palasyon. Bahay nila ito? Wow! Ang laki at ang lawak. "Good afternoon, sir!" Salubong sa amin ng isang may edad na babae. "Good afternoon din, manang." Wika ni Mr. Carl dito. "Nasa'n ang ma'am niyo?" Tanong ni Sir Carl. "Nasa taas po, sir, saka po si Jasmine." Tumango ito. Pumasok kami sa sala. Ang ganda ng sala. Ang aliwalas tignan. "Daddy! Dad!" Napatingin ako sa hagdanan ng bumaba ang cute na batang babae. Naalala ko si Nene. "How are you, my princess?" "I'm good, Dad!" Aniya, napatingin siya sa akin, "Who she is, Dad and Daddy?" "She's ate Miya." Sagot ni Sir Carl. "Siya na ba niyon, Carlos?" Tanong ng isang babae. Ang ganda niya. Para siyang anghel. Lumapit siya sa akin, "Hi, I'm Jewel, the mother of the three na aalagaan mo." Ngumiti ito sa akin kaya ngumiti rin ako. "H-hello po. I'm Miya Apodar po, Ma'am." Nahihiya kong sabi. "Drop that po and Ma'am." Sabi niya sa akin. "Can't wait na makita ka nila. Sinabi na ba nila kung sino ang babantayan mo?" Tumango ako. "Tatlong batang lalaki po?" Tumawa ito at umiling sa akin. "Mukhang magkasing-edad lang kayo, iha. 21 yrs of age." What? 21 yrs old? Tapos babantayan ko pa? "S-seryoso po?" Paninigurado ko. Tumango ito, "Yes, sakit sila sa ulo ko. Mukhang magiging matino na sila dahil sayo." Naguguluhan man pero di ko na pinansin. Nandito na ako, e. "Kahit anong gawin mo sa kanila, p'wedeng-pwede, bibigyan kita ng kalayaan." Ngumiti ako sa kanya. to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD