Kabanata 8 Truth hurts Bumalik ako sa bulwagan na basa ng luha ang mga mata, alam kong napansin ito nang ilan kaya minabuti kong umakyat nalang sa aking silid at wag nang harapin ang mga bisita. Sa pag higa ko ay doon ko na binuhos ang masagana kong luha, napakasakit lang kasi.. Bakit ganon? kung sino pa yung pinili mong mahalin, ay siya pa iyong ayaw sa iyo. "Audrey!" Audrey, ayos ka lang ba?" Sumulyap ako sa nakabinbing pinto at marahang suminghot. "Audrey, hinahanap ka ng mga ka eskwela mo, bumaba kana." Tawag pang muli ni ate Nikka. "Aah sige ate susunod ako." Mahina kong sagot. "Ayos ka lang ba? Open this door." Patuloy niyang pangungulit saakin. "Yes, I'm okay just a minute." Sigaw ko na inumpisahan nang bumangon at nagpunas ng luha, humarap ako sa full sized mirror at sinipa