Kabanata 14 Hacienda "Good morning!" Masayang bati ko sa lahat ng maabutan ko sila sa hapag nitong umaga. "Good morning anak, halika na at magalmusal. Tumango lang ako at naupo malapit sa kabisera. "Kamusta ang tulog mo kagabi? Maayos naman ba?" Panimula ni daddy. "Ayos naman po, dad." Matapos ay bahayang umiwas ng tingin. Paano ba naman kasi hindi talaga ako pinatulog nang paghaharap namin ni Matteo. Pilit pa ring bumabalik sa isip ko ang mga binitiwan niyang salita. "Nagkita pala kami ni Maicy kahapon, nabangit kong nandirito ka na." Pukaw ni ate sa akin. "Hmm. Sinabi ko ngang pumunta rito ngayon." Inumpisahan ko na ring kumain. "Talaga? Dapat pala makapag paluto kay Perla." Si mommy. Tumango lang ako sa bagay na iyon at mas piniling manahimik nalang. Matapos kumain ay pinasya