Kabanata 12

1321 Words

“Ano’ng gusto mong malaman sa kanya? Bakit ka ba sa akin nagtatanong niyan? Hindi ba’t ikaw ang pinsan niya at mas kilala siya.” “That’s precisely I’m her cousin that’s why I’m asking you, Noah. Napapansin ko kasi ang pagka-close niyo ni Salem. One time hindi ka naman gano’n at pihikan ka sa mga babae tapos biglang isang araw close agad kayo.” “Ano bang nakakapagtaka doon?” tanong ni Noah. Walang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha nito bagkus ay napakakalmado nito na tipong wala lang dito ang nangyayari. “Ikaw ang nakapagtataka, Noah,” sagot ni Markus. Huminga ng malalim si Noah. “Masama ba na maging magkaibigan kami? Siguro ay nanibago lang kayo. Hindi naman mahirap maging kaibigan ng pinsan niyo. Sa katunayan napakakulit niya lalo na sa akin,” may makahulugang sambit ng binata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD