Sumunod si Salem kay Noah at tumabi dito. “‘Wag ka na magalit, okay? Tatakpan ko na ang sarili ko... mamaya!” Tumawa siya bago pumunta sa kinaroroonan ng mag-pinsan at saka siya nag-dive sa talon. Sumunod naman ang magpinsan at ang iba. Naiwan si Noah na last na tumalon. Lumangoy siya sa ilalim at nakitang lumalangoy pababa ang dalaga. Sobrang puti nito dahil sa tubig. Hinawakan niya ito sa paa na nakapagpagulat kay Salem. Sumigaw pa ito at lumabas ang bula na agad din namang tinakpan ng dalaga dahil baka pumasok ang tubig. Ngumiti lang si Noah at hinawakan ito sa braso palangoy sa taas. Pagdating nila sa ibabaw ay huminga si Salem at tinampal ang braso ni Noah. “Muntik na ako kanina. Bakit mo ba ginawa ‘yon?” “Sorry. Iyan ang resulta ng pang-iinis mo sa akin.” “What? Dahil lang sa s