GIOVANNI FIRST MOVE

2787 Words
CHAPTER 21 GIOVANNI POV "Young Master nawawala po si Miss Amaya, nailigaw niya po kami..ang galing po niya sa pasikot sikot at galing po niyang driver.. kaya niya po niya mag-over take sa mga sasakyan po kahit sa maliit na espasyo lang", report nito sa kanya ni Thaddeus habang kausap sa telepono "Basta bantayan niyo lang , sa malayo lang kayo, wag kayong magpakita sa kanya", utos niya "Masusunod po Young Master", at ibinaba niya na ang tawag Kagigising niya lang niya kaya ang balak niyang pagbaba ay hindi natuloy sa dahil sa tawag ni Thaddeus kahit kumakalam ang kanyang tiyan pinagliban muna niya ito. Pagkatapos ng tawag tumuloy na siya sa pagbaba at nasa hagdanan pa lang siya ng marinig ang usapan ng dalawa niyang kaibigan na himalang naabutan niya ngayon dito sa bahay nila. "Anong merun?", bungad niya sa dining at sabay sabay pa itong lumingon sa kanya. "Ito kasing si Radlicliff, nakipag one night stand at virgin daw iyong babae na nagkataon na Pinay daw , Ayan parang hilong talilong...", paliwanag nito sa kanya na lumingon naman din siya kay Radli "Rad...! Rad..!", wala nga ito sa sarili kaya binato niya ng tissue "Ano ba?!", saad nito "Ano natamaan kana ng karma mo?!", sabi niya rito na kukuha ng plato para kakain "Himala atang andito kayo ngayon ,at wala kayong mga lakad. ", pahayag niya na kumuha na ng kanyang pagkain at inumpisahan niya na ang pagkain "Iyan lang naman ang lagi akong niyayayang lumabas ", sabi ni Taemon na tinuturo pa nito si Radli na sinamaan naman ng isa nang tingin. "Tang*nang hapon na ito, makapag hugas ng kamay, Ang linis mo ulol!", sabay bato ng buto ng watermelon, na naiwasan naman ni Taemon "Ulitin mo pa, yari ka kay mother jan", pahayag ko kay Radli at tumigil naman ito "Bukas nga pala babalik na tayo ng Pilipinas ", pahayag niya sa dalawa na nasa pagkain ang kanyang atensyon. dahil namimiss niya na si Amaya . "Kaya sulitin niyo na ang paglilibot dito sa Milan ngayong araw na ito.", dugtong pa niya. "Wala ako sa mood maglilibot", sabat naman ni Radli sabay tayo nito mula sa kinauupuan nito Kakaiba nga ang kinikilos nitong si Radli ngayon, mukhang tama ang sinasabi ni Taemon na nahook na nga ito sa naka one night stand nito noong nagdaang gabi. "Kaya ako never ako magpapana sa batang may lampin na may pakpak, ayoko matulad sa inyo na nawawala sa mga sarili ", saad ni Taemon na dumampot ng isang slice ng pepperoni pizza at nilagyan ng hot sauce saka isinubo. "Nasasabi mo lang 'yan dahil hindi mo pa nakikita ang babaeng magpapabaliw sa iyo, kung makikita mo na pagtatawanan ka rin namin ", pahayag niya na sumubo rin ng kanyang lasagna "Ang sarap talaga ng lasagna ni Mama ", sabi niya "Never akong mainlove, over my 6 pack abs ko.", pagmayabang nitong sabi "Tignan lang natin, dude!", saad niya ulit dito na sarap na sarap sa kinakain "Magkanong pusta mo?!.. ako ipupusta ko 'yung latest model ko na electric jaguar F-Type R na metallic green ko", napalingon siya dito na dahil sa ayaw nitong mainlove kailangan pang makipag pustahan pa sa kanya . "Seryosong- seryoso ka talaga ha?!", pahayag ko rito na sumulyap pa sa akin bago sumubo "Naman...dude!," mapagmalaki nitong sabi "Tignan natin 'yang one hundred percent mong confident, magkano ba 'yang jaguar mo?", kalmado kong tanong rito "7 million!", ikinagulat ko at ikinalaki ng mata ko "7 million?!... call ako", pahayag ko "Deal!", saad naman nito, at nakipag kamay pa sa kanya. Natapos sila sa pagkain na ganun ang nangyari. Nagpasya siyang lumabas para makabili ng kanyang ibibigay kay Amaya.. Pagkatapos niyang naligo saka siya bumaba at deretso sa garahi ng kotse niyang Seneca Blue 2022 Lotus Emira V6. Pupunta siya sa pinakasikat na shopping center dito sa Milan ang Galleria Vittorio Emanuele II. Gumugol rin ako ng ilang oras sa mall bago umuwi. Pagdating sa bahay ay dumeretso siyang umakyat papunta sa kanyang kuwarto at inaayos ang kanyang pasalubong sa mga kamag-anak ng Mama niya. Sinubukan niyang tawagan si Amaya sa messenger pero pagtingin niya sa inbox niya naka block na siya dito, tinignan niya ang number nito at try din tawagan pero unreachable na ito. Galit ba ito sa kanya, nagpanic na siya.. Parang gusto niya nang umuwi ngayon din. Kaya bumaba siya sa left wings ng mansion nila para puntahan ang mga kuwarto ng mga kaibigan para sabihin na uuwi na sila ngayon din. Hindi niya na puwede pang ipagpabukas pa. Pagdating niya sa mga kuwarto ng mga kaibigan ,unang kinatok si Radlicliff.. pasalamat siyang andoon lang ito sa loob kaya pumasok na siya kaagad. "Dude , mag-empaki kana at uuwi na tayo ngayon sa Pinas ,emergency lang ", saad niya dito. "Oh sige dude kung emergency 'yan.. nakaready na ako kanina pa,maligo lang ako", sagot nito sa kanya "Salamat dude!", tinapik niya pa ito sa balikat nito at lumabas na.. ito naman ay papasok na sa banyo. Naglalakad siya sa kuwarto na ginagamit ni Taemon at kinatok ito , pero nakailang katok na siya walang nagbubukas ng pinto kaya pinihit niya na ang seradora ng pinto nito at salamat naman at hindi ito nakalock. Pagpasok niya nakarinig siya ng lagaslas ng tubig nanggaling sa banyo. Naliligo pala ito. Lumapit siya sa pinto at kumatok. "Dude, bilisan mo jan!, uuwi tayo ngayon ng Pinas l!", sabay katok niyang sabi dito "Okay dude!", sagot nito sa loob Kaya lumabas na siya ng kuwarto nito at pinuntahan ang Pilot na si Martin Morales at binalita niya dito na kailangan na nilang umuwi na ng Pinas. Pagkatapos niya masabi pinuntahan niya ang mommy at ang Papa niya na nasa lanai ng kanilang bahay. "Hi Mama, Papà ", lumapit siya sa mga ito at pinaupo naman siya ng Mama niya sa bakante na upuan katapat ng inupuan ng mga ito. "Mama were going back to Philippines later tonight", paalam niya sa mga ito "Kala ko ba bukas pa ang alis niyo", saad ng Papa in italian accent way "No , Papa.. nagkaroon lang po ng emergency sa Pinas ", nagkatinginan naman ang Mama at Papa niya. "Sige ,anak.. baka makapag bakasyon din kami ng Papa mo doon...susunod kami", pahayag ng Mama "Did you bought some pasalubong?", tanong ng Papa "Oo nga anak, nakabili ka ba.. alam mo naman sa pinas , mga kamag-anakan natin doon.. kasayahan na nila ang pasalubong ", ang mommy niya "Tapos na po Mama ", pahayag ko "O siya ,sige ikumusta mo na lang ako sa lola mo doon.. pero wag mo muna sabihin na uuwi kami para surprise", bilin ng Mama niya "Yes po Mama..kelan po ba ang balak niyong umuwi?", tanong niya habang dumadampot ng slice ng pizza. "Sa bagong taon siguro.. Sana free ang Papa mo at that time", Pagkatapos sabihin ay tumingin ito kay Papa na niyakap naman ng Papa ang Mama niya. "Oo naman Myla, kapag ikaw ang magsalita talagang ginagawan ko naman ng paraan.. malakas ka sa akin e.", pahayag ng Papa niya na nakita niya naman ang Mama na kinilig sa pahayag ng Papa sa kanya. Ang sarap tignan ang Papa at Mama niya na sa kabila ng may mga edad na ito.. heto pa rin ang pagpapakita ng affection sa bawat isa na akala mo walang nakatingin sa kanila. "Sinasabi mo lang 'yan Francesco..bakit noong birthday ko hindi mo ko kaagad binati..", natatawa naman ako sa kanilang dalawa "Pero bumawi naman ako kaagad , nagkataon lang na nasa conference ako at inaasikaso ang factory natin sa Morocco.", paliwanag ng Papa kay Mamà "Mauna na ako sa inyo...Mama at Papa..mukhang outside the room ka matulog mamaya niyan, Papà.. marami naman guest room, marami kang pagpipilian kapag nagkataon", pahabol niyang sabi bago umalis na natatawa siya sa mga ito. "Salbahing bata 'to oh.. mahal naman!", narinig pa niyang sabi ng Papa bago makapasok sa loob ng kanilang bahay Dumeretso siya sa kanyang kuwarto sa ikalawang palapag ng bahay nila.. pagkapasok pumasok siya sa banyo para makaligo at makapag ready para sa pag- alis nila mamaya. Pagkatapos niyang naligo at nakabihis na.. ay nilabas niya ang kanyang maleta na pasalubong lang ang laman... dinala niya ito papunta sa kanilang elevator... at bumaba na sa kanilang living area. Pagkatapos tinawag niya ang kanilang butler para mailagay na sa kotse na gagamitin nila para maihatid sila sa airport kung saan naghihintay sa kanila ang private jet na magdadala sa kanila sa Pilipinas. May dalawa siyang pilot si Martin at si Radli na kaibigan niya, Sana hindi na sila makararanas ng turbulence habang nasa ire. Sana maayos silang bumibiyahe mamaya. Mahaba haba pa ang biyahe nila pauwi ng Pinas. "Young master, ito lang po ba ang dadalhin niyo?", tanong nito sa salitang Italian translate sa tagalog na. "Merun pa sa mga kaibigan ko", sagot ko rito "May pagkain ba na nakahain sa lamesa?", tanong ko dito "Yes Young Master!.. nakahanda na po ,ang inyong presensya na lang po ang kulang at ang mga kaibigan niyo.", paliwanag nito sa kanya "Pakisuyo na tawagin sila sa kanilang mga silid tulugan ", Pakisuyo ko dito "Masusunod po Young Master!", tumalikod na ito at pumunta sa left wings ng mansion kung saan ang mga kuwarto ng mga kaibigan niya. Tumuloy naman siya sa dining at balak doon na siya maghintay sa tatlo niyang kasama. Pagdating ay umupo na siya sa kabisirang upuan na may apat na katulong na magsisilbi sa kanila. Sasalinan sana siya ng juice ng isa sa mga kasambahay pero inaawat niya ito at sininyasan ito na magpahinga na lang sila at kaya naman nila ang mga sarili nila. Yumuko muna ang mga ito bago lumabas ng dining room. Mga ilang minuto pumasok na ang tatlong kasama niya sa dining room.. nauna na siyang kumain, nauna na ring natapos "Ang tagal niyong dalawa," reklamo niya sa dalawa na walang kibuan , nilingon ni Taemon si Radli " Yan kasi ang tagal, parang ayaw umuwi, naalala siguro ang ka one night stand", napatingin naman siya kaagad kay Radli "Tinamaan ka talaga sa babaeng hindi mo naman nakikilala pa?", nagtatakang tanong ko "Naniwala ka naman sa kumag na 'yan.. na kung magsalita akala mo basang basa na ang utak ko.", pahayag ni Radli na tinapunan pa si Taemon ng masamang tingin bago nagpatuloy sa pagsubo. "Tita, tito kain na po kayo ", Napalingon naman siya sa likuran kung saan nakatingin si Taemon, "How's the taste of the food?", tanong ng Mama na pinaghila pa ng upuan ng Papa "Nako tita superb po ang sasarap ng luto ng chef niyo, lalo na itong salmon,", saad oa ni Taemon "Ahh Honey Garlic Glazed Salmon , 'yan!", sagot ng Mama "Masarap din po 'yung grill chicken.", pahayag ulit ni Taemon "Tomato - Butter Roast Chicken", sagot ng Mama. Pinigilan lang ni Martin na matawa. "Paano niyo alam ang pangalan ng menu, Tita?", na ikina ngiti lang ng Mama niya "Kasi si Mama ang nagluluto ng lahat ng ito ", singit ko sa usapan na ikinanganga nito "Itikom mo kaya 'yang bibig mo.. makanganga ka naman jan ", nairitang pahayag ni Radli "Hindi kasi ako makapaniwala na ang kasing ganda ni Tita Myla.. magaling rin pala sa kusina", papuri nito kay Mama "Hmmm hmmm...", tawa pansin naman ng Papa na alam na dis talaga na may pagka territorial ang Papa. Kaya sinipa ko ang paa ni Taemon sininyasan ko naman na tama na, kung ayaw niyang umuwi ng Pinas na hindi pilay. Sinandukan ng pagkain ni Papa ang plato ng Mama niya. Pagkatapos nilang kumain, nagsalin naman ng wine ang kanilang butler sa mga goblet na nasa harapan nila. At uminom silang lahat... pagkatapos nilang kumain ay nauna na silang apat na tumayo mula sa lamesa. Humalik siya sa Mama niya at nagpaalam naman siya sa Papa niya "Adios, Papa!", paalam niya saka tumalikod na s'ya sa mga ito. Sumakay na sila sa sasakyan na magpahatid sa kanila sa airport. Kasunod ang dalawang kaibigan at si Martin na pilot nila Ilang minuto sila sa biyahe at nakarating na sila sa pinakamalaking international Airport sa Milan ang Malpensa Airport. Dumeretso na sila sa private jet na sasakyan nila pauwi ng Pinas. Habang sa hide out naman ni Brandon sa Bulacan, dumating siya doon upang personal niyang makita ang nangyari sa lugar. Nanlumo siya sa sinapit ng kanilang warehouse na tiyak ikagagalit na naman ng kuya niya. Napahilamos siya ng kanyang mukha, may sa pusa ata itong si Allisio. Ang hirap patumbahin. "Boss, nailibing na po ang mga bangkay sa likod po ng warehouse natin." "Ipa- semento po ang itaas noon para hindi aamoy ang baho." "Yes po boss!" umalis na ito Kelangan ipaayos ang buong lugar para once dumalaw ang kuya. Maayos na at lights siya sa galit nito. Dito ginagawa ang mga troso para sa paggawa ng mga bahay na iyon ang negosyo nila ng kuya niya. "Boss aalis na po kayo?", tanong ng tauhan nila "Ikaw na ang bahala rito, at ipaayos mo ang mga nasisira dito.. sa madaling panahon, mayayari ako ni Kuya kapag nagawi 'yon dito.", paliwanag niya "Okay po boss!", at umalis na siya sa lugar "Ayosin niyo ha,kapag ako nayare ng kuya.. kayo rin ang yayariin ko", pahabol kong sabi "Boss !.. paano po ang budgeting?", tanong nito "Magkano ba ang kailangan niyo?", tanong niya "500k po boss!", saad nito "Bakit ang laki naman ata?!", pahayag niya "Boss , kita mo naman ang lugar.. ang dami po na kailangan na ayosin", saad nito "Sige sige basta pulido ang gawa niyo!.. sumama ka sa akin sa sasakyan ", utos niya dito Binigay niya ang pera na kailangan nito. "Basta ang bilin ko sa iyo, Densio!", bilin niya dito "Ako na ang bahala ,Boss!", pahayag nito At umalis na siya sa lugar at balak niya magtuloy sa bar para marelax ang isip niya. Nang makatanggap siya ng long distance call galing sa lolo nila. Sinagot niya ito kaagad ayaw pa naman nito na pinaghihintay "Come stai nelle Filippine?( kumusta kayo jan sa Pilipinas?", pahayag nito sa kanya ""Cosa hai bisogno di me nonno?"( Ano ang kailangan niyo sa akin Lolo) pahayag niya "I tuoi cervelli sono davvero, conosci il mio bisogno.(Ang talino mo talagang bata, alam mo ang aking kailangan.) "Perché abbiamo conosciuto ilno", ( Kilala na po kita) "Cosa ne hai bisogno, non ti prendi in giro, non è un nonno? Quindi dici di aver bisogno."(Ano ang kailangan niyo sa akin, hindi naman kayo makipagkumustahan lang sa akin, hindi ba lolo?) "C'è una spedizione in arrivo nelle Filippine, voglio che tu stia tornino. E voglio che tu consegni ai nostri fornitori",.(Mayroong shipment paparating diyan sa Pilipinas, gusto ko ikaw ang mamahala. Gusto ko ikaw ang maghahatid sa ating mga suppliers.") "Nessun problema è un nonno, dammi i dettagli dei dettagli dove e quando la spedizione della spedizione come se il molo fosse sconfitto".(" Walang problema po Lolo, ibigay niyo na lang sa email ko ang mga detalye kung saan at kailan ang dating ng shipment pati saang pier ang bagsak nito.) "Nessun problema, è importante che nessun palmo si verifichi. Questo è tutto ciò che ho chiamato." (Walang problema , ang mahalaga walang palpak na mangyari. Iyan lang ang tinawag ko.) At pinatayan na siya nito ng tawag ng matandang hukluban. Samantalang palapag na ang eroplanong sinasakyan nila Giovanni sa paliparan ng Naia na may permit siya to land anytime. Bumaba siya kaagad hindi niya Inintindi ang dalawa niyang kasama at naglalakad bitbit ang kanyang luggage na puno ng pasalubong. Lumabas siya ng arrival area, humahangos namang sumunod ang dalawang ungas , "Grabe dude, ang bilis mo naman lumakad ", reklamo ni Radli na ikinalingon niya rito "Sino ba ang may sabi na sumunod kayo sa akin, may sarili akong lakad na bawal kayo roon", nagpatuloy siya sa paglalakad at hindi na nga ito sumunod pa Balak niyang puntahan si Amaya sa school nito pero bago siya pupunta bibili muna siya ng bulaklak sa flower shop na madadaanan niya. Bumili siya para magsorry and represents his true love for her, inorder niya lily of the valley, pink roses, pink carnations, peonies, hydrangeas, hyacinth, and white orchids. Habang inihanda ng florist ang kanyang order ay naupo siya sa upuan na nasa tabi ng bintana. "Namimiss niya na si Amaya ,kinuha niya ang cellphone at tinignan niya ang kanyang gallery, nakita niya ang mga pictures nila noong birthday pa ni Taemon walong buwan na ang lumipas. "Sir ito na po ang order niyong bulaklak ", na tinanggap naman niya ang bulaklak Binigay naman niya ang kanyang black card, Pagkatapos ay lumabas na siya at lumapit na kaagad sa kanyang kotse na iniwan niya ito sa airport. Nagmaneho na siya papuntang Diliman, sa school ng kanyang mahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD