UNANG PAGKIKITA NG MAGKAKAPATID

1183 Words
CHAPTER 38 GIOVANNI POV Nagising siya sa isang ingay na nagwawala tao kinabukasan. Nagmamadale siyang pumasok ng banyo at nag-imis ng katawan. Pagkatapos ay dali dali naman siyang lumabas ng kanyang kuwarto at pupuntahan ang kanyang Papa. Sa isang kuwarto sa loob ng basement matatagpuan ang nakakulong na si Ricky Brynt kausap ang Ama ni Giovanni. "Sino ka bakit "Nakakatawa kang matanda ka paano ko mapaniwalaan ang mga sinasabi mo na anak mo ako!", saad nitong galit galit sa kausap "Maniwala ka sa akin ,anak.. Ninanakaw ka lang sa amin ng Mama mo ng tunay mo'ng Mama ng kinikilala mo na mga pamilya dahil sa isang paghihiganti sa akin," paliwanag ng Papa ni Alessandro "Hindi ako naninawala sa iyo, ang sabi ng lolo pinatay mo ang mga magulang ko noong sanggol pa lang kami!", natigilan siya sa akmang paglapit sa kinaroroonan ng kwarto kung saan galing ang ingay kanina. "Kung ayaw mo 'ko paniwalaan, tatanggapin ko ..alam kong nabigla kita. Pero sana maisip mo, anak..Naghirap kami ng iyong ina mas higit lalo ang iyong ina..Ilang taon siyang nagdurusa sa inyong pagkawala. Laging tulala at umiiyak palagi .Sana bigyan mo kami ng pagkakataon na ipakita at mapatunayan namin sa iyo na kami ang pamilya at hindi ang iyong kinikilala pamilya mo ngayon. Anak, ito ang tandaan mo walang pamilya o magulang ang magdadala sa kanilang mga anak sa kaguluhan lalo sa anumanng kasamaan." madamdamin pahayag ng Ama na lubos na nagpighati ang kalooban Natahimik naman ang anak sa narinig mula sa paliwanag ng hindi nakikilalang kaharap na Ama "Ito tanggapin po ang envelope, DNA test yan nating dalawa , patunay na anak kita.",pahayag ng Ama Hindi ito tinanggap ng anak kaya inilapag na lang ito ng Ama sa kama katabi ng inuupuan nito Siyang bukas naman ng pinto at iniluwa si Alessandro na kanina pa nakatayo sa likod ng pintuan. "Anak , Alessandro pumasok ka dito.. ito ang kuya mo na matagal ng akala natin ay patay na", Tumingin naman si Alessandro sa sinasabi ng Ama na kapatid. Nakita niyang nakaupo ito sa kama na naroon at sapo sapo nito ng dalawang palad ang ulo na tila ba naguguluhan ito. Lumapit si Alessandro dito at lumuhod ito sa harapan nang sinasabi ng Ama na kuya niya ito "Ku-Kuya ,ma-masaya akong nalalaman na buhay pa kayo. Alam mo bang gustong gusto ko na magkaroon ng kuya?", pahayag niya sa kapatid na dahan dahan naman nag-alis ng palad sa ulo Tumingin ito kay Alessandro "Hindi ko kayo pamilya at hindi kita kapatid", saad nito sa seryosong anyo "Bakit ku-kuya hindi mo ba naramdaman sa amin ang lukso ng dugo ?", nalulungkot niyang tanong . Hindi naman ito nakaimik, Nakatingin lang ang Ama sa naging pag-uusap ng magkakapatid. "Alam mo bang hindi madali sa mga magulang natin ang pagkawala niyo lalo na sa Mamà natin,", saad niya na hindi naiwasan ang pagpatak ng luha sa mga mata. "Hindi ko alam ang mga pinagsasabi mo, lumaki kami ng kambal ko na walang pinagkatiwalaan kundi ang sarili namin.", pahayag nito na bitbit ang seryosong mukha "Kung nagdusa man sila ,wala akong alam.. kaya 'wag na 'wag mong sabihin sa akin ang mga 'yan... mag-aama nga kayo ng matandang 'yon..Poro niyo sinasabi at sinisisi ang walang alam. ", pagkasabi nito napatingin naman siya sa Ama na nakatayo lang sa hindi kalayuan sa kanila. "Alessandro, 'wag mo na muna kulitin ang kuya mo.. Nabigla lang siya sa nangyari. ", pahayag ng Ama na hindi na natiis ang narinig mula sa kuya na ayaw silang tanggapin. "Sige po Papà, Kuya hindi ka namin pinagkaisahan lalo hindi namin sa iyo ang pagdurusa, ang gusto ko lang iparating sa sinasabi ko na, hindi kagustuhan nang mga magulang natin ang mawalay kayo sa amin..Pag-iisipan mo yang mabuti", "Tara Papà ", pahayag niya sa Ama nauuna na siyang lumabas "Ipapadala ko ang pagkain mo dito, at Pasensya ka na ,anak kung nakukulong sa silid na ito. ",narinig niya pang sabi ng Papa sa kuya niya bago siya tuluyang umalis sa kuwarto na iyon ng basement. Pero kompleto naman sa gamit, 'yon nga lang computerized ang buong basement. Authorised lang ang nakakapasok sa lugar. Umakyat na siya sa itaas at iniisip pa rin ang naging pag-uusap nila ng kapatid. Pilit niyang iwaglit at naisipang tawagan ang nobya. Nakailang ring din bago ito sinagot ang kanyang tawag "Hello, " tamad nitong sagot nahalatang tulog pa ito at nagising lang sa tawag niya Umupo siya sa pasimano "Good morning, mahal.. hinaluan niya ng lambing ang boses. "Good morning, too baby!", narinig niyang sabi na natuwa siyang masigla na ito "Did I wake you up?", tanong niya "Not really, pagising na talaga ako at nakaramdam ako ng gutom", paliwanag nito sa "Kakain na rin ako,kaso mas masarap 'yata ang kainin ka, mahal ko", biro niya dito na may kasamang katotohanan "Ang halay mo ,baby, porke't naka 3rd base ka na ..ganyan ka na magsalita sa akin.", pahayag nito "Pero namimiss mo naman ako diba, mahal?", anas niya na akala mo katabi niya lang ito. "Ewan ko sa iyo, kakain na ako..kumain ka na rin baka gutom lang 'yan at kung ano ano ang iniisip mo", pahayag nito "Bakit hindi mo ko namimiss?", kunwari tampo niyang sabi Hindi niya ito narinig nagsasalita "Mahal?", pangungulit niya "Namimiss syempre!", saad nito na ikinangiti niya sa narinig "Ang cute mo mahal ko", saad niya dito "Kumusta nga pala ang pakiramdam mo, nahihilo ka pa rin ba?", tanong niya sa pagbabago ng kanilang topic "Hindi na, mababa daw ang hemoglobin ko sabi ng doctor..Uminom na ako ng resita na gamot sa akin", pahayag nito "Mabuti naman kung ganun, siya nga pala andito sa Pinas ngayon ang Papà", pahayag niya dito "Masaya 'yan, Baby kung andito siya ngayon e di may makakasama ka na sa bagay mo at makalasalo ka na sa pagkain. ", malambing nitong sabi "Yon nga mahal, hmm baka puwede na rin kitang ipakilala sa Papà total naman naipakilala mo na rin ako sa mommy at ate mo", pahayag niya "Baby, hindi ba nakakatakot ang Papà mo?", narinig niyang tanong nito "Mukha lang masungit ang Papa pero mabait.. parang older version ko lang mahal... Your taming me right?", na ikinahalakhak nito at natutuwa naman siya sa narinig nitong tawa. Nagulat pa siya sa nagsasalitang tauhan na nasa gilid niya lang pala. Pinatatawag na raw siya ng Papà sa dining na tinanguan niya lang ito. "Mahal seryoso ako sa aking sinasabi,"kausap niya sa nobya "Seryoso din naman ako baby, nakakakaba kasi ang Papa mo." saad nito "Mabait ang Papa, Pinay ang Mama ko kaya panigurado mabait ang Papa.. iiwanan ng Mama yan kung hindi okay,mahal.. sabihin ko lang sa iyo kung kailan.", paliwanag niya "Okay baby, kasama naman kita at I'm sure hindi mo 'ko pababayaan", narinig niyang sabi nito "Of course mahal ko... hindi kita pabayaan kahit anong mangyari, mahal na mahal kita", madamdamin niyang pahayag "Kumain kana mahal, kakain na rin ako, dagdag niya "Okay baby!", saad nito at off niya na ang tawag saka bumaba sa pagkakaupo sa pasimano at naglalakad papunta ng dining room kung saan inaantay siya ng Papà.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD