Ito na ang araw na hinihintay ng mga estudyante. Ang 1st day ng school fest. Punong puno ng mga tao ang school at sobrang ingay. Lahat busy para sa mga booths. Pero buti nalang at pili lang ang klase na magtatayo ng mga booths kasi panigurado wala ng bibili at lahat ay magtitinda na lang. After naming magpakalat ng mga informations about sa café namin eh dumami kaagad ang nagpa-reserve at syempre biglang dami din naman ng trabaho ko. Pero nag-pass muna ako dahil dun sa letcheng pauso ng club namin. "Sino sa tingin mo ang makakakuha ng kiss mo Louise?" tanong bigla sakin ni coach habang pina-panuod yung mga naglalaban laban. Siniko ko muna sya ng malakas bago sumagot. "Shut up coach! Bakit naman kasi ako pa? Ang dami dami namang babae dyan." "Eh ikaw lang ang sikat at maganda dito eh."