Tulog pa silang lahat. 6:15 am pa pala. Makapag jogging nga muna! Nagbihis ako sa simpleng pang-exercise na damit ko. Starting today, isa na akong 17 years old! Kailangan mag-matured na ako. Dapat yung tipong katulad ng mga Heroines na nababasa ko sa libro. "Adventure! Adventure! Magha-hiking kaming lahat mamaya! Bundok, bundok aakyat kaming bundok .. trololololo." kanta ko habang nagii-stretching. Pero teka, tutal kilala ko na kung sino yung nakabaril sa mommy ko siguro dapat lagpasan ko na din yung takot ko para sa mga baril. Eh kaso, baka naman makapatay ako ng wala sa oras. "Yo!" sabi bigla ng isang boses sakin. "Ay palaka!" napasigaw ko agad sa gulat sabay atras. "Tao ako!" sigaw naman nya. Si Ciel lang pala at naglalakad sya papunta sakin na may hawak ng dalawang tasang kape. "