Nasa bahay pa din ako't hindi pa tapos magbihis. Mga ilang araw na din ang nakakalipas pero medyo kumikirot pa din ang balikat ko. Hindi ako pwedeng mag sleeveless gown kasi makikita yung sugat ko kaya naglagay na lang ako ng Poncho coat na parang winter sa lugar namin. No choice eh. Nagtataka ba kayo kung bakit kailangan kong mag ayos ng ganto? Yun ay dahil, birthday ni Ciel ngayon. Syempre madaming bisita't ngayon na din niya ako ipapakilala sa Mommy't Daddy nya kaya medyo kinakabahan din ako. Woh! Late na pala ako! Lagot na naman tayo dyan! **** Thank god nakarating naman ako ng ligtas. Ang daming bisita, yung party para ding pang fairytale. Grabe! Ngayon ko lang talaga naramdaman yung gap naming dalawa. "Louise!" sigaw ni Micah sakin. Mabilis akong tumakbo at lumapit naman sakaniya