"So? Well hindi ko ba naikwento sayo na bukod sa pagiging artist ay pianist din ang mommy ko. So anong aasahan mo, malamang pianista din ang anak niya stupid." sabi ko sakaniya nung kinukulit niya ako dahil sa pagtugtog ko dun sa kuya niya. Baliw na lalaki! Parang yun lang eh! Eh siya nga 'tong.. "Louise.." sabi ni Ciel na paawa yung boses. "Okay fine. Next time okay?" sagot ko lang sakaniya. Maya maya may lumapit saming magandang babae. Medyo matured na yung itsura niya pero maganda talaga. Elegante at mukhang mayaman. "Hello.." sabi niya samin. "Ikaw pala Lalaine. Kamusta long time no see ah." Sabi naman ni Ciel sakaniya. "Sino siya?" tanong ko naman. "Sorry, meron pala kayong bagong kasama." sabi niya sabay tabi kay Jerome. "Ako nga pala ang asawa ni Jerome. It's nice to meet you