Alam ni Anemone na nagsususpetsa na ang mga magulang niya na may nangyayari sa kanila ni Nazaron. Kahit na si Luther ay ramdam niyang lumayo na rin sa kanya. Hindi rin nito kinakausap si Nazaron. Manhid at bulag lang siguro ang hindi makakapansin na may ginagawa silang milagro ng binata. She didn’t warn Nazaron though. She didn’t want to. Because if truth be told, she wanted his and her parents to know. Natatakot siya. Nakakasama na lamang niya ang binata kapag nagtatabi sila sa kama. Pero sa ibang aspeto ay halos estranghero na ang pakikitungo nito sa kanya. Kasalanan niya. Sinasakal niya ito. Nangako siyang walang may makakaalam pero sa ginagawa niya ay napansin na ng lahat na may kakaiba silang ugnayan nito. “I don’t want to do this anymore, Anemone…” sabi nito sa kanya. They just ha