Muling napabuntong-hininga si Nazaron. Hindi na niya mabilang kung pang-ilang beses na iyon basta nakakarami na siya. Sa tuwing pagmamasdan niya ang asawang alumpihit na nakaupo sa dulo ng kama ay napapahugot siya ng hangin. Suot nito ang luma at kupasing pantulog. Akala ba nito ay nakabawas iyon sa tensyong nararamdaman niya ngayon? Tensyong dala ng hindi maitanggi niyang pagnanasa para rito? It had been ten years. Ten long years since the last time he was inside her. Pero ramdam niya pa rin ang init ng katawan nito. Malinaw pa rin sa kanya ang higpit ng mga yakap nito sa katawan niya. Tumikhim siya at umisod sa kaliwang bahagi ng kama. “Mahiga ka na rito, Anemone.” “Mas pipiliin kong sa couch na lang matulog kaysa makatabi ka.” Matigas ang pagkakasambit nito sa bawat kataga. Ramdam