Sofia’s Pov I wonder what they were doing. Binilisan ko na lamang ang paghakbang at pumasok sa kwarto ko. Pagkatapos kong maligo at magbihis ng pantulog ay bumaba ako upang kumain. Hindi ko na hinintay si Renz dahil busy nga siya. Ayoko na siyang abalahin pa. Kaya ko namang kumain kahit wala siya. But I can’t deny the fact na merong kurot sa puso ko. I don’t have any reason to be jealous, dahil walang kami. Pero kusa ko na lang siyang naramdaman, and I hate the feeling. Saktong pagbaba ko ay naabutan kong kumakain sina manang, Kuya Carlito at Ate Isabel kaya nakisabay na ako sa kanila. Tahimik akong kumain at nakikinig sa pinag uusapan nila. “Kuya alam mo ba kung kailan ang alis ni Ma’am Helen?” Usisa ni Ate Isabel. “Naku hindi ko alam. Lalo pa’t nandito si Sir. Hindi yun basta-basta