Sofia’s Pov Bumalik ako sa kwarto at nagmuni-muni saglit. Iniisip ko ang mga sinabi kanina ni Jenny. Alam kong sagad sa buto ang galit ng Kuya ko sa akin dahil sa pagkawasak ng pamilya nila. Pero paano niya nagagawang umanib sa mga sindikato? Hindi ko na alam ang gagawin ko kung sakaling makulong siya. Bibisitahin ko ba siya sa kulungan? Samu’t saring isipin ang pumapasok sa isip ko. Dumagdag pa tong puso ko. NANG makababa ako ay abala ang lahat. Sila siguro ang tinutukoy ni Benz na tutulong sa mga gawain dito. Nagsidatingan na din ang ibang bisita niya dahil pansin kong mga okupado na ang ibang rooms sa baba. Dumeretso ako sa kusina tulad ng ginagawa ko. Nadaanan ko si Benz na kumakain sa dining at may kasabay siyang isang lalaking gwapo at matikas ang dating. “Hey beautiful, good mo