Sofia’s Pov Mabilis kong isinuot ang damit na suot ko kanina sa pag aakala na bumalik siya saka ko pinagbuksan ang pinto. Ngunit pagbukas ko ay si Ate Isabel pala. “Ate Isabel ikaw pala,” Ani ko. “Oo nagbilin kasi si Sir na tulungan kita mag salansan ng mga gamit mo.” Aniya. “Ganun ba heto nga at nagsusukat ako. Ang dami nito, kung gusto mo pumili ka baka may magustuhan ka.” Saad ko sabay turo sa mga damit na nakalatag sa higaan. “Naku hindi na, para sayo yan at meron din kaming amin. Thoughtful talaga yan si Sir. Sige nga patingin ano na mga naisukat mo?” tanong niya. “Heto pa lang,” saad ko sabay hubad ng damit at shorts. Wala naman problema kasi pareho naman kaming babae. ‘Woahh, grabe naman yan Sofie pang miss universe ang katawan mo. Kainggit ka bakla ka. Bagay na bagay sayo a