3rd person Pov
“H-hello.. D-dude. Napatawag ka?” Kinakabahang sagot ni Jarren. Lumalapot na ang pawis sa kanyang noo.
“Hey dude, why is your voice shaking? You okay?” Nakangising tanong ni Miguel sa kabilang linya.
Nagbitaw ng malalim na buntong hininga si Jarren at akmang sasagot na subalit naunahan siyang magsalita ni Miguel.
“I’m just making sure everything’s are settled, na tutupad ka sa usapan natin as an old friend at may pinagsamahan tayo noon, remember the old days? The money is prepared at may tubo ka pa.” Ani Miguel.
“A-ahm. O-oo di kita bibiguin, ako pa ba? Parang di mo naman ako kilala,” Pagsisinungaling niya.
“Okay, good. I’ll be back as early as planned.” Ani Miguel na ngumingisi pa rin. He knows that Jarren is lying.
Sa hindi inaasahan ay nagulat si Jarren sa narinig.
“H-ha, ah ganun ba? S-sige, magkita na lang tayo at balitaan mo ko kung saan ang meeting place natin.” Ani Jarren na mas lalong bumigat ang pakiramdam dahil sa kaba.
“Okay, No problem,” Sagot ni Miguel at binaba na ang tawag. He smirked pagkatapos niyang ibaba ang cell phone. Alam niyang nanginginig na sa kaba si Jarren dahil alam niyang nagsisinungaling ito at ang pinaka ayaw niya sa lahat ay ang magsinungaling sa kanya.
Hinayaan niyang huthutan siya ng pera ni Jarren hanggang sa malubog ito sa utang at kapag nangyari iyon magagamit niya itong sandata pagdating ng panahon at mukhang malapit na iyon. Hindi biro ang tatlong milyon niyang utang kaya naisipan nitong ipambayad ang kapatid. How dare he do that?
He will make him pay for making the girl he secretly loved suffer. Ipaparanas niya din ang mga paghihirap na dinanas ni Sofia sa kamay niya. And he can’t wait for that to happen.
Sa kabilang banda si Jarren naman ay hindi alam kung saan magsisimulang hanapin si Sofia. Ha-hunting-in niya ang kapatid at kailangan mahanap niya ito sa lalong madaling panahon. Sa galit niya at frustration ay pinagsisipa niya ang mga upuan at mesa hanggang sa magsitumbahan ang mga ito at nagkalat sa sahig ang mga nakapatong na baso at tasa.
Kumuha siya ng pagkain na galing sa ref. Hindi na niya ito ininit at basta na lang sinubo kahit malamig pa. Hirap man sa paglunok ay pinilit pa rin niya. Ang mahalaga magkalaman ang tiyan niya bago magsimulang mag-hunting. Mag aalas quatro na ng hapon at malapit ng gumabi ay wala pa ring Sofia ang umuuwi sa kanilang bahay.
Naisipang puntahan ni Jarren si Andrew sa bahay nito baka sakaling may alam ito tungkol kay Sofia. Hindi niya alintana ang oras basta ang focus niya ay mahanap si Sofia. Wala siyang oras na dapat aksayahin dahil kung hindi niya mahanap ang kapatid ay siguradong papatayin siya ni Miguel dahil sa laki ng atraso niya.
*****
Kakauwi lamang niya galing trabaho at kaka-park palang ng kanyang sasakyan sa garahe. Saktong pagkababa niya ay nakita niya si Jarren na prenteng nakasandal sa pader ng kanilang bahay at humihithit ng sigarilyo.
“Anong ginagawa mo dito, Jarren? Anong kailangan mo?” Seryoso at diretso niyang tanong. Wala siyang oras kausapin ito dahil alam niya ang kwento tungkol sa kanya at kung gaano ito ka siraulo.
“Hoy, nasaan ang magaling mong nobya at ang kapatid ko? Siguradong magkasama ang dalawa dahil kagabi pa hindi umuuwi si Sofia. Sila lang naman palagi ang magkasama.” Bungad agad ni Jarren na seryoso din ang mukha.
“Don’t talk to me that way Jarren kapag may kailangan ka. Saka hindi ko alam kung nasaan sila.” Ani Andrew dahil hindi naman talaga niya alam kung saan nagpunta si Jenny. Ang paalam lamang nito ay may gala sila ng mga kaibigan niya. Hindi siya yung tipo ng lalaki na pagbabawalan ang kanyang girlfriend lalo pa kung ikakasaya niya ito.
“Pare sabihin mo na ang totoo. Hindi ako naniniwala na hindi mo alam kung saan pumupunta ang nobya mo. Actually wala akong pakialam kung hinahayaan mo siyang maglakwatsa. Ang concern ko dito ay ang kapatid ko. Kaya ayaw kong sumama-sama yan kay Jenny eh. Bad influence.” Mahabang litanya ni Jarren.
Napangisi lamang si Andrew sa mga inusal ni Jarren.
“Coming from you, Bro? Bad influence? Kasi ako hindi ko nakikitaan ng pagka-bad influence si Jenny sa kapatid mo. You know what I’ve noticed? Sofia found a family from Jenny, a sister at masasandalan na hindi niya nahanap sayo. Kaya hindi na ako magtataka kung hindi kayo magkasundo. Saka pwede ba umalis ka na dahil wala akong impormasyon na maibibigay sayo. Hindi ako hanapan ng nawawalang bagay o tao. Malay mo, Oo magkasama sila pero hindi naman ako yung klase ng tao na bawat galaw ng girlfriend ko ay dapat alam ko. I’m giving her the freedom to do the things that can make her happy. Hindi ako para humadlang sa kaligayahan ng mahal ko dahil masaya ako kapag nakikitang masaya siya, unlike you.” Mahabang sagot ni Andrew na ikina badtrip naman ni Jarren.
“Pucha ang baduy mo! Napaka- corny. Siguraduhin mo lang na wala kang alam dahil kapag nalaman kong tinutulungan mo ang kapatid ko sa pagtatago ay pati ikaw madadamay sa galit ko.” Banta ni Jarren sabay buga ng usok sa mukha ni Andrew saka tumalikod.
Napangisi na lamang si Andrew sa huling binanggit ni Jarren, as if naman na matatakot siya. Wala lamang siyang oras para patulan ito dahil amoy alak pa ito at mukhang wala pang ligo dahil sa masangsang nitong amoy.
Pero napaisip na din si Andrew kung saan nga ba nagpunta sina Jenny at Sofia. Bakit hindi pa sila nakakauwi?
Pagkapasok ng bahay ay nagbihis muna siya at tinawagan ang nobya upang kumustahin ang naging lakad nito kasama ang mga kaibigan.
Nakailang ring pa ito bago sagutin ni Jenny. “Hello, love.How are you? Nakauwi na ba kayo? Kasama mo si Sofia? Galing dito ang siraulo niyang kuya at hinahanap siya. Mukhang galit na galit dahil hindi daw umuwi si Sofia mula kagabi.” Sunod-sunod na tanong ni Andrew.
“Ha? Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba niya? Anong sabi mo sa kanya? Pauwi na ako. Lagot talaga sakin ang Jarren na yan kapag may ginawang masama sayo.” pag aalalang tugon naman ni Sofia.
“Ssshh, relax, love! As if naman kaya akong saktan non. At anong sinasabi mong ikaw lang ang pauwi? Hindi mo ba kasama si Sofia? Where is she?” Pagtatakang tanong ni Andrew.
“Basta mahabang kwento, saka ko na lamang sabihin sayo kapag nakauwi na ako. Dyan na lang tayo mag usap dahil walang signal dito, nagkataon lang na nasa taas ako kaya nakahagilap ako ng signal.” Ani Jenny.
“Okay, mag ingat ka. I love you and I miss being inside you,” Banat naman ni Andrew.
“Hoy, grabe ka naman magpakilig love, pero the feeling is mutual. Wait for me, okay?” I love you and I miss you too. Sige na babay na, tatawagan na lang kita kapag nakauwi na ako.” Ani Jenny.
“Okay, bye,” Ani Andrew saka pinatay ang tawag. Napangiti siya sa tinuran ng nobya dahil pareho silang sabik pagdating sa kama.
*****
Pagkagaling ni Jarren sa bahay ni Andrew ay dumeretso siya sa bahay ni Aling Goring, ang tiyahin ni Sofia at kapatid ng kanyang ina. Magbabakasakali siya baka napadaan don ang kapatid dahil madalas bumisita si Sofia doon. Magtatakip silim na at wala pa rin siyang balita. Subalit ganun din, bigo pa rin siya dahil hindi daw pumunta o dumaan si Sofia doon. Ayaw pa niyang maniwala sa simula kaya nag-insist ang pinsan ni Sofia na i-check ang CCTV footage para maniwala siyang wala kahit anino ni Sofia ang naligaw doon.
Hindi na alam ni Andrew ang gagawin. Sobrang pagpupuyos at galit na ang kanyang naramdaman para kay Sofia dahil sa ginawa niyang ito. Kaya may naisip siyang isang tao na makakatulong sa kanya sa paghahanap.