CHAPTER 1
IN LOVE SERIES #1: Kit Kathy Ong
Si Kit Kathy Ong, pangalawa sa triplets, ay isang registered PMHN (Psychiatric Mental Health Nurse). Sa gitna ng pagtatrabaho ay makikilala niya si Vincent Rodriguez na isang bayolenteng pasyente. Kahit na may diperensya sa pag-iisip ay makukuha pa rin nito ang puso ng dalaga.
Magagawa bang isantabi ni Kat ang tinitibok ng puso at gumawa ng isang practical na desisyon?
O dapat lang na sa unang pagkakataon ay pagbigyan na niya ang puso na umibig at magkaroon ng isang boyfriend?
-----
KAT’S POINT OF VIEW
“Nurse Kat! Nurse Kat!” hinihingal na pagtawag sa akin ng Nurse Assistant ko. Dali-dali siyang nagtungo sa aking harapan hawak ang kanyang dibdib, “Pinapatawag ka ni Doc sa seclusion room! May bagong pasok na pasyente!” natataranta niyang balita na ikinakunot ng aking noo.
May bagong pasyente sa seclusion room? This kinda looked like a bad thing.
“Dalhin mo ‘to sa room 102, h’wag mong kalimutan ang gamot.” Kalmado kong inayos ang isang tray na may lamang breakfast at gamot. I was supposed to do this to my patient, pero mas mahalaga ang emergency sa seclusion room ngayon.
Tumango ang aking assistant kaya naman dali-dali na akong kumaripas ng takbo sa seclusion. Kinakabahan ako subalit hindi ko dapat ipahalata lalo na’t ang lagi kong tinuturo sa aking assistant ay manatiling kalmado sa kahit anong oras. In just one wrong move ay maaari lamunin ko ang aking sariling salita.
Patients admitted to the seclusion room are those violent and dangerous patients. I can't help but be afraid. Syempre kahit isa akong registered PMHN (Psychiatric Mental Health Nurse) ay natatakot rin ako sa mga baliw, noh. Lalo na sa mga bayolente. Sino naman kaya ang bagong pasyente na iyon? Nakakainis naman! Ako na lang ang laging inaatasan sa seclusion room. I've dealt with a lot of violent patients dahil laging sa akin napupunta ang trabahong ito, mabuti na lang mabait sa akin ang Diyos. Lagi kong napapaamo ang mga pasyente ko.
Hays, may galit sa akin si Doc?
Nang marating ko na ang labas ng room ay agad akong sinalubong ni Doc at ng pamilya ng pasyente, “Nurse Kat, thank goodness nandito ka na.” pasasalamat ng matandang lalakeng Doctor na ito na mukhang nais na ilagay sa kapahamakan ang buhay ko.
“Kamusta na po ang pasyente?” nag-aalalang tanong ko saka bahagyang sumilip sa maliit na glass ng pintuan. Hindi ko matanaw ang pasyente sa loob. Hindi ako comfortable sa kinatatayuan ko ngayon.
“T-The male nurses were able to put the camisoles on h-him,” nauutal na sagot sa akin ng babaeng mukhang may edad na. Isa siya sa pamilya ng pasyente. The nervousness on her face is visible, mukhang labis siyang natakot sa nangyari kanina.
“Nurse Kat, I need you to look after the patient. Ikaw lang ang inaasahan ko sa bagay na ito,” the Doctor said.
Palihim akong napabuntong ng hininga. Kung pwede ko nga lang ikutan ng mata si Doc, eh baka ginawa ko na. “No problem, Doc.” Sabi ko saka ngumiti nang sapilitan, “Maaari ko bang kausapin ang pasyente at paamuhin?” I asked him a question.
“Yes you can, but…” nahinto nang ilang segundo si Doc nang mapalingon siya sa pinto ng room. He was about to speak subalit pinangunahan siya no’ng babaeng pamilya ng pasyente.
“But he’s too violent, Nurse. Natatakot ako para sa ‘yo,” humakbang siya palapit sa akin at agad na hinawakan ang aking kaliwang braso, pagkatapos ay tiningnan niya ako from head to toe. Nakaramdam agad ako ng pagkailang. “Ang liit mo pa naman.”
What? Natigilan ako sa aking narinig. Was that an insult? Oo, alam ko namang maliit ako, hindi ko nga nakuha ang pangarap kong maging army dahil sa height ko, pero hello! Hindi naman na kailangan ipamukha sa akin iyon.
Nagpakita ako ng mapaklang tawa, “I will be fine, Madam. Hindi ako magiging PMHN for no reason.” Sabi ko in a formal way, “H’wag kayong mag-aalala, aalagaan ko ang inyong kamag-anak.”
“Maraming salamat!” then the woman squeezed me for a hug! My gosh, this is so awkward!
Pagkatapos no’n ay pumasok na ako sa loob ng room. My gosh, that was so awkward! Mukhang kailangan na ring i-enroll ang babaeng iyon sa mental hospital.
Huminga ako nang malalim saka itinuon ang aking tingin sa lalakeng pasyente na nakaupo sa kama. Nakatalikod siya kaya I have to walk in front of him upang masilayan ko ang kanyang mukha. Medyo hindi na ako kinakabahan dahil may camisoles na siyang suot. There’s no way for him to be violent now. At mukhang kumalma na siya dahil steady lamang ang kaniyang pagkakaupo sa kama. Good.
“Hello, Mr. Uhh, ano ba ang nais mong itawag ko say—“ nahinto ako sa aking pagbe-baby talk nang masilayan ko ang kaniyang mukha.
Mga mare! Isang anghel ang nasa harapan ko. Maputi, makinis, kissable lips, matangos ang ilong, brown eyes, makapal na kilay! Mukhang isang mabait na anghel ang lalakeng ‘to. How can he even be here? Hindi siya nababagay sa mental hospital, dahil bagay siya sa akin. Charot.
Kamukha niya si Captain Amerika. Napakaga-gwapo. At kahit may camisoles ay obvious pa rin ang matipuno niyang pangangatawan. Isang chupapi ang lalakeng ‘to. Pero bakit nga ba siya nasa mental?
Naku. Sa ilang taong serbisyo ko sa Mental Hospital, mukhang ngayon lang ako magkakaroon ng inspiration.
“What?” mahinang tanong sa akin ng lalake, and he is not even looking at me. Mas lalo akong nabighani sa kaniyang boses na makapal na may pagka-husky. Sayang naman kung mananatili siya rito, sayang ang kagwapuhan niya.
“Uhm,” agad naman akong nagising sa aking pagpapantasya, “Hello, my name is Nurse Kat and you can call me baby… ay este! You can call me Kathy,” napakagat ako ng labi, “I’ll be your nurse,” pabebe kong dagdag.
So what kung lalandiin ko ang pasyente ko? Wala namang makakaalam, HAHA!
“Nurse?” bahagya niyang tinapon sa akin ang kaniyang nanliliit na tingin, “I don’t need one. Just call my maid. Right now.” Kalmado subalit madiin niyang utos sa akin na siyang nagpaurong sa aking baba at naging sanhi ng pamimilog ng aking mga mata.
Uy, English ‘yon ahh… Ito ba ang sinasabi nilang bayolente at may diperensya sa pag-iisip? Mukhang wala namang mali sa kanya, ah.
“Uhm,” umayos ako sa aking pagkakatayo, “I’ll be your maid. What do you need, Sir?” at naisipan kong siyang sabayan. He may be in his disorder state right now.
Bahagya siyang yumuko at bumuntong ng hininga, “Get me some rum, please.” Napataas naman ako ng kilay dahil sa sinabi niya. “I want to forget her, I…” at tumulo na lang bigla ang presko niyang mga luha, “I want to forget the p-pain, please…” this time ay nauwi na siya sa hagulgol na parang namatayan. “I WANT A RUM!”
Luh, anong gagawin ko? Go get some rum or pacifier?
Kawawa naman ang poging ito, broken pala siya. This might be the reason of his situation. Akala ko pa naman since birth na siyang may diperensya.
“Sir, just relax.” Hindi ko alam kung ano ang tumakbo sa isipan ko at naisipan kong yakapin ang pasyente ko. Ramdam ko tuloy ang pangingit ng matambok kong s**o, “Just relax on my breasts.” Dagdag ko sabay himas ng kanyang malambot na buhok.
Ang sarap pala sa pakiramdam na may gwapong nakasandal sa boobsie, ehe!