MYSTY’S POV Mula naman sa pinto’y naro’n ang mga kawal at tila nagmamadali. Agad akong napatayo at saka sila tinignan. Nangunot ang noo ko at mabilis na limapit sa kanila. Gano’n din ang ginawa ni kuya. “Anong mero’n?” takang tanong ko. “A-ang ma-mahal na reyna... at ang...” “Anong nangyare?” “Ka-kasi---” Hindi pa natatapos ang sasabihin nila ng biglang nasira ang bubungan ng field at napatingala kami ro’n. Nanlaki ang mata ko ng makita sila Mommy at Daddy na naro’n at walang kulay ang mga mata. Napatakip ako sa bibig ko at saka tumingin kay kuya. Agad kaming lumipad at pupuntahan sana sila kaso lang ay hindi pa kami nakakalapit ng bigla kaming batuhin nito ng kapangyarihan. Tumalsik kami ni kuya at sa hindi inaasahan ay nasa harapan na rin namin sila. Agad akong nasumong espad