MYSTY’S POV Binato ko sya ng kapangyarihan ko at saka ako lumipad. Sinalag ko ng espada ang espada ni Al at saka sya nag-teleport sa likuran ko at hindi ko inaasahan ang tira nya at tumalsik ako. Bumaba sya sa harapan ko at saka ako tinulungan. Lumapit naman ang dalawa at saka ako tinawanan. Hindi talaga minsan magandang magkaroon ng kaibigan na alam ang kilos at galaw mo. Naiiling nalang ako at saka ako napakamot ng ulo ko. Nandito kami ngayon sa may k’warto at sinama ko din si Ji. Even though na ngayon lang kami nagkakilala ay dama kong magkakasundo kaming dalawa. Basta ang panatag ng loob ko kay Ji kahit na kakakilala ko pa lang sa kanya. “Woah? Ang astig naman ng buhay mo, e, bakit ka pa tumakas?” tanong ni Anna sa kanya. “E, kasi naman. Balak nila mommy na ipakasal a