MYSTY’S POV “Hindi ko namam sinabing ibigay mo agad. Sinasabi ko lang kung anong kailangan ko.” “Nakikita kong hindi ka basta-basta.” “Hindi ko ugaling makipagdaldalan,” nabuburyong sabi ko. May tinuro sya at napatingin ako do’n. Nang makita ko ‘yon ay saka ako tumingin sa kanya. “Gusto kong ayusin mo ang mga bato na ‘to. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng lakas upang humilera sila ng sakto at para masinagan ng b’wan ang tinitirahan ko,” paliwanag nya. Pumunta ako sa tinutukoy nyang parte at saka ako umupo ro’n. Hindi nga maayos ang p’westo ng mga bato. Tumingala ako at papadilim na ang paligid. Tumingin ako sa kanya at nakatingin lang ito sa ‘kin. Huminga ako ng malalim at saka tinignan ang buong paligid at ang mga batong nakapalibot sa paligid ko. Pinagdikit ko ang pa