Chapter 2

1214 Words
Xianna "Ayos lang po ba sir ang preassure?" Tanong ko habang ini stretch ko ang likod ni Neil. "Oo, paki diinan lang ng kaunti banda sa may balakang at dito sa may taas ng shoulder, thank you." Ginawa ko naman ang mga sinabi niya. " I will make it harder for you my Neil.... Hope you make it more harder for me too." Malanding sabi ko sa isip habang nina namnam ko ang pag stretch sa matipunong katawan ng binata. "Ahhhmm....Xianna, half body massage lang ako, likod ko lang at ulo ang gusto ko ipa massage." "Ok po sir." Maiksing sagot ko, bawal kase makipag usap ng matagal sa mga client. Marami kase mga reklamador na clients, lalo na kapag gusto talagang mag relax. "Sobrang stress sa trabaho kaya ang likod ko sobrang sakit lalo na itong ulo ko." Hindi na ako sumagot at ginawa nalang ang mga request niya. Habang hinahagod ko ang likod ni Neil, sobra ang pagpa pantasya ko sa katawan nito. "Paano kung maghubad talaga siya sa harapan ko, at lalapit sa akin tas hahalikan ako at......." "Aaraaayyyyy!!!" Naputol ang imagination ko ng sumigaw si Neil dahil sa sakit. Nan laki ang mga mata ko ng makita ko ang mga kamay ko na naka dakot sa pwetan nito na parang akong gigil. Napahiwalay ako palayo at napatakip ng aking bibig. "Nakooo, sorry po sir hindi ko sinasadya." Hiyang-hiya ako sa ginawa ko, at pumasok sa cubicle room namin ang bisor ko. "Xianna, ano ba ang nangyare? Bakit sumigaw yang client mo?" "Ms. Kate sorry, hindi niya kasalanan. Masakit lang talaga yung balikat ko, hindi ko lang mapigilan mapasigaw." Naka tingin si Neil sa'kin habang dahilan niya sa aking bisor. Nahihiyang yumuko na lamang ako, dahil ipinag tanggol pa niya ako sa harap ng bisor ko upang hindi ako mapagalitan nito. "Xianna, tapusin mo na iyan. Tama na ang ingay at may mga kliyente pa tayo." Sabi ng bisor ko bago lumabas ng room, tanging tango lang ang naisagot ko dahil sa takot.. "Sir Neil, salamat po sa pagtatanggol mo sa akin". pabulong kong sabi dito. " ayos ka lang po ba? itutuloy ko papo ba o hindi na?" Nangangatog ako sa takot, dahil alam ko ang totoong ugali ng lalaking kaharap ko. "Hindi na. Wag mo na ituloy! Uuwi nalang ako sa bahay. Pagod narin naman ako." Tanging tango na lamang ang naisagot ko at saka lumabas ng cubicle room. Tahimik akong naka upo sa sofa sa gilid ng receptionist namin, ng lumabas ito at nag aayos ng buhok. " Hi sir Neil ayos ka lang po ba?" Nag aalalang tanong ng bisor naming si ms. Kate. Tumingin muna si Neil sa'kin bago ito sumagot. "Ahh oo naman, ayos lang ako!" Naka hawak pa ito sa batok na tipong nagkakamot ito. "Ahhhmm..... sir Neil, excuse me ho... aayusin ko lang po yung room na ginamit." Aktong dadaan na ako ng hilahin nito ang braso ko at bumulong. " Mamaya sa bahay mo tapusin ang massage mo sakin. After mo sa therapy ng daddy ko tatawigin kita" Sabay bitaw sa braso ko, at napatingin lang ako sa kan'ya at napatango ng bahagya. Ramdam ko ang hapdi sa braso ko dahil sa higpit ng pagkaka hawak nito sa akin. Nagpapalit ako ng mga towel at pillow case sa room na ginamit namin. Bigla ko naalala ang unang araw na pasok ko sa bahay nila bilang Caregiver sa tatay nito. May contract pa akong pinirmahan, nakasulat duon ang mga allowances na makukuha ko araw-araw bukod sa sweldo ko at libreng pagkaen. May rules pa na nakalagay duon, na " BAWAL MA INLOVE SA ANAK NG AMO." at naka big letter pa talaga. "Haleeerrr! Sa pangit ng ugali niya... Crush lang talaga ang kaya kong ibigay sa kaniya at baka ma stroke pa ako dahil sa lalaking iyon!" Tama ng maging crush ko siya, para ganahan naman akong pumasok araw-araw. Ang layo naman ng CRUSH sa INLOVE diba? Mahabang bulong ko sa sarili habang kinukuha ko mga maruruming towel at punda ng my tumikhim sa likuran ko. "Aaayyyy, anak ka ng tipaklong!" "Ano ka ba naman sir, bigla-bigla kang sumusulpot jan na parang kabute." Mali-mali pa naman ako kapag nagugulat, sakit ko na ata iyon. "Sorry, gusto ko lang magpa alam sa'yo ng personal na uuwi na ako" at lumapit sa mukha ko at tumitig sa mga mata ko at sinabing "Hihintayin kita sa bahay, maligo ka para malinis kang papasok sa bahay namin" Mahina nitong banggit sa akin at sabay tapik sa balikat ko bago tuluyang lumabas ng cubicle room na ginamit namin kanina. Naiilang man ako sa binigkas niya, pero inisip ko nalang na ganoon naman talaga kahit no'ng bago pa ako. Gusto niya talaga ng malinis at galit siya sa marurumi. "Ang gwapo pa naman kaya lang bading, sayang, hanggang crush lang pwede, kaloka." Yun na lamang ang nasabi ko at tuluyan ko nang inayos ang cubicle room at saka ako lumabas para magpa hangin. Ilang minuto palang ang naka lipas ng may mga magba barkadang dumating at napuno na naman kame ng mga kliyente. Hanggang sa natapos na nga ang aking duty, ako naman ay nagwawalis ng room ng tawagin ako ni ms.Kate ang aming bisor. "Xia.... ano bang ginagawa mo kay mr. Neil, at parang nababalisa kapag nakikita ka? ano nga palang ginawa mo kanina bakit parang nasaktan talaga siya? ang lakas ba naman ng pagkaka aray niya kanina eh gulat ako pati ibang clients." Naka tingin lamang ako kay ms. Kate at sa iba naming ka trabaho na naghihintay rin ng isasagot ko. Hanggang sa napakamot na lamang ako ng aking sintido at napangiti ng ngiwi. "Ahh, ehh, ms. Kate wala naman ho akong ginagawa sa kaniya. katulad nga po ng sinabi niya kanina, eh masakit po talaga ang balakang niya, dahil narin siguro sa uri ng work niya dahil Engineer siya." sagot ko with smile and cofidence, na alam kong hindi niya agad kakagatin. Knowing my visor, masiyahin at mapag kaka tiwalaan siyang tao, pero pag ikaw ay nagsisinungaling alam niya na agad, yari kana. Kaya gustung-gusto ko siyang ka trabaho, dahil totoo siyang tao kahit na minsan strict.... pero alam kong sa trabaho lang yun. "Ahh, sige. basta sa susunod ingatan mo nalang ang client mo o kaya dahan-dahanin mo nalang ang pag hawak ha Xia." Nakakalokong naka ngiti siya sa'kin habang sinasabi niya ang mga iyon sa akin. Nagulat naman ako ng biglang sumagot si ms.Jesse, ang friendship ni ms.Kate na aming bisor. "Baka naman mino molestya mona yung client mo Xianna tas nadiinan mo ang harap kaya napa aray ng malakas.? hahahahah " naki tawa nalang ako, kase alam ko sa sarili ko, na totoong minomolestya kona siya sa isip ko kaya ko nga nalamutak ang kanyang puwetan. "O siya Xia, umuwe kana at alam kong pagod kana. May sideline kapa diba? Ingatan morin ang sarili mo, dahil ikaw lang ang inaasahan ng kapatid at lola mo." Naaawang sambit nito sa akin na ikina ngiti ko namang lalo, dahil ramdam ko ang pag aalala niya sa akin. "Oks po, salamat po ng marami sa inyo, mauna na po akong umuwe. see you tomorrow." At ayun na nga masaya akong naka uwi ng aming bahay at naidlip ng saglit para naman sa aking pagke caregiver.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD