Mataas ang high heels ng suot kong sandal, idagdag pa ang kulay silver kong top na plunging neckline na kita ang makinis kong pagitan ng may katayugan kong dibdib. Ang maiksi kong skirt na labas ang kalahati ng bilugan kong hita at mapula kong labi, idagdag pa ang suot kong branded na sunglasses. Halos lumuwa ang mga mata ng mga lalaking aking nakakasalubong dahil sa paghanga sa aking alindog.
Mabilis kong tinungo ang opisina ni papa kahit ilang beses akong pigilan ni papa, wala akong inaksayang panahon sa kasabikan kong makita ang kagalang-galang at kapita-pitagan kong ama.
"Hey dad!"
"What are you guys doing here?" maang na tanong ni daddy kay mommy na noon ay mabilis din palangbsumunod sa 'kin. Pero ako na ang sumagot rito dahil tiyak namang hindi makakasagot si mommy nang matino.
"Bakit daddy, ayaw mo ba kaming makita?" nakataas-kilay kong tanong dito. "I decided to came back and study here," matatag kong turan kay daddy.
"Imelda, alam mo ba ang ginagawa ninyong mag-ina, baka—" putol na wika ni daddy.
Agad kong pinutol ang sasabihin ng aking ama. "Baka malaman kong may iba kang pamilya rito kaya ayaw mo kaming pauwiin, daddy?" may panunumbat kong turan.
"What are you talking about?" gilalas ni daddy.
"Anak, ano bang pinagsasabi mo?" tanong sa 'kin ni mommy.
"Mommy, enough! I'm old and I understand everything. Tama na ang pagtatanggol kay daddy. Ikaw ang asawa and you must stand for that!" naiinis na turan ko sa aking ina. Matagal ko nang alam na may ibang pamilya si daddy sa Pilipinas. May dalawa silang anak at kaya hindi niya kami gustong umuwi ay dahil ayaw nitong malaman ko na may pamilya na itong iba.
"Ngayong alam ko na, pwede naman na sigurong tumira rito," saad ko saka umupo sa harap ng mesa ng aking daddy. Hindi pa nag-iinit ang puwet ko sa upuan nang bumungad ang isang dalagita at sa tingin ko ay kasing edad ko. Deretso ito kay daddy at humalik rito sa pisngi.
"Daddy, I need some money for my gown?" maarteng saad nito, doon ay napataas ang kilay ko. Agad na pumasok sa isip ko na ito ang anak ng daddy ko sa kabit nito.
Maya-maya ay pumasok ang lalaking nakasuot ng uniporme nito na tila may hinahabol.
"I'm sorry, sir, hindi ko na siya napigilan," hinging paumanhin nito sa aking ama.
Doon lang tila napansin sila ng babae.
"Who are they daddy?" maang na tanong nito sa aking ama.
"And who are you?" mataray kong turan. Well, kung spoil brat ito, so I am?
"What the hell you are?" balik-tanong ng babae sa harapan.
"I'm Katherine Hermogenes, he is my dad. Now! Tell me who are you?" gigil kong turan sa babaeng kung makalingkis sa ama upang humingi ng pera.
"Stop it, Katherine!" sigaw sa 'kin ni papa dahilan upang matigilan ako. Naisip ko kung ano ang kasalanan ko kung bakit ganoon na lamang ito makasigaw, dahil ba ayaw nitong malaman na may anak pa siya?
"You shut up, daddy! Let her know that she is a bastard! A mistress child!" galit na wika ko kay daddy.
Nakita kong napamaang ang babae, maging ang nakaunipormeng lalaki na natigilan sa intense ng mga eksena sa loob ng opisina ng boss nito.
Hanggang sa maramdaman ko na lamang ang paglagapak ng palad ni daddy sa aking pisngi. Halos bumalandra ako dahil sa kabiglaan at 'buti na lamang at maagap akong naalalayan ng lalaking nakauniporme.
"Edwardo! Sinampal mo ang anak mo dahil. . . dahil lang sa kanila. Ang tagal kong nagtimpi dahil mahal kita pero ang saktan mo ang anak ko ay hindi ako makakapayag!" dinig kong wika ng aking mommy.
"Hindi ko sinasadya," agad na turan ng aking ama at lumapit sa 'kin ngunit mabilis ko siyang sinalag.
"Don't touch me, daddy. This is done! I hates you!" turan ko kasabay nang pagtulo ng aking luha saka ako tumakbo papalayo. Hindi ko alam kung saan pero gusto kong lumayo muna sa kanila.
Ngunit nang mapagod ako ay napatigil ako, hinang-hina ako noon at nagkapaltos pa yata ang paa ko dahil nagawa kong tumakbo ng naka-high heels.
"I hate you! I really really hates you, daddy!" inis kong turan dahil sa mga nangyari saka ko sinapo ang pisngi kong nasampal ni daddy. Bahagyang tumulo ang aking luha dahil hindi ko inaasahan na gagawin 'yon ni daddy sa 'kin.
"Are you okay now!" baritong tinig sa aking likuran at agad kong nilingon kung sino ito at nakita ko ang lalaking nakauniporme kanina. Agad na tumaas ang aking kilay.
"What are you doing here?" malditang turan ko rito.
"Inutusan ako ng daddy mo na habulin ka," agad naman nitong sagot sa 'kin.
"Okay then, I'm ordering you to go back!" singhal ko rito matapos mabilis na pahirin ang luhang tumulo buhat sa aking mga mata dahil sa inis kay daddy. Ngunit imbes na sumunod ang lalaki ay tumindig pa lalo ito na tila walang balak sumunod sa aking sinabi. Doon ay humarap na ako rito at tinitigang mabuti. Napansin kong may hitsura ito, actually guwapo ito. Mukha itong may lahi pero tuwid na tuwid ang pagsasalita nito ng tagalog.
Bigla itong tumitig sa akin nang mapansin nitong tinititigan ko siya. Mabilis naman akong nagbaling saka muling naglakad. "Leave me—a—lone!" madiing turan ko pero muli itong naglakad kasunod sa 'kin. "Hey! I told you, leave me alone!" agap ko rito.
"Sorry, miss pero utos ng daddy mo, alam mo bang pwede kang mapahamak sa ginagawa mo!" naiinis na ring turan nito sa akin.
"Mas lalo akong mapapahamak sa ginagawa mo! My God, look at them, pinagtitinginan na nila tayo. Ikaw, iyang suot mo!" gigil kong turan rito.
Marami kasing tao roon ang naaagaw ng pansin dahil sa suot naming dalawa. Ako sa maiksing mini-skirt habang ito naman suot ang full gear army uniform nito.
"Miss, bumalik na tayo, hindi ka pwedeng lumayo!" banta nito.
"At bakit?" sikmat ko rito sa inis.
"Kapag nalamang isa ka sa anak ni General, tiyak ay nanganganib ka! Kaya bumalik na tayo," anito sabay hawak sa aking braso. Hindi ko alam kung bakit tila may boltahe ng kuryenteng napasa sa 'kin nang hawakan nito ang aking braso.
Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa guwapo nitong mukha.
"Sige na bumalik na tayo bago pa kung ano ang mangyari," sumamo ng lalaki na hindi ko pa rin alam kung ano ang pangalan nito.
Sa sinabi nito ay tila natauhan ako, kaya nga pala kami nagpunta sa Amerika upang makaiwas sa peligrong dulot ng mapanganib na trabaho ni daddy. Nang marinig ko iyon ay sumama na ako rito.
Pagbalik namin sa opisina ni daddy ay nakita kong naghihintay roon ang babaeng kapatid ko sa ama.
"Where have you been, Hugo?" tanong nito sa lalaki na tila ba may relasyon ang mga ito. Kita ko pang umirap ito sa 'kin.
"Ma'am, hinabol ko lang siya. Utos ng daddy niyo po," magalang na tugon ng lalaki sa babaeng nakairap.
"I told you, don't call me ma'am. Just call me, Cherry," anito sabay hawak sa braso ng lalaki.
Sa nakita ko ay alam kong may gusto ang step sister ko sa lalaki. "O, bakit ganiyan ka makatingin, so, ikaw pala si Katherine? How dare you, na sabihan akong anak ng mistres? Samantalang kayo ang—" putol na wika nito nang marinig namin ang dumadagundong na boses ng aking daddy .
"That's enough, Cherry!" singhal ng daddy nila na kapapasok lamang kasama ng mommy niya.
"But daddy, she should know—" nanlalaking mata nito.
"Enough is enough, Cherry. Hugo, iuwi mo na muna si Cherry at iyong pinag-usapan natin Cherry sana ay hindi na makarating sa mommy mo," pahabol pa ni daddy sa babae. Mas lalo akong nainis dahil mukhang kinakampihan pa talaga si daddy ang pangalawang pamilya nito.
Wala akong nagawa noon. Umuwi kami sa bahay nina mommy. Hindi pa rin maalis ang inis ko kay daddy lalo pa ng mga nagdaang araw na nasa Pilipinas na kami ay tila kay layo pa rin nito. Dalawang beses lang ito nauwi sa bahay at halos hindi ko siya makita.
Masakit iyon para sa akin dahil feeling ko mas gusto talagang kasama ni daddy ang pangalawang pamilya nito. Kahit ganoon ay nagpatuloy pa naman ang buhay ko kaya nagsimula na akong pumasok sa kolehiyo.
Unang klase ko noon nang biglang makita ko si Hugo sa loob ng sasakyang maghahatid sa akin sa school.
"What are you doing here?" gulat kong tanong.
Mas nagulat pa ako sa hitsura nito. Naka-puting tshirt lang ito at maong pants. Hindi na ito nakauniporme. Napalunok ako, hindi ko inaasahan na mas guwapo pala ang lalaki kapag hindi nakasuot ng uniporme nito kaya pumasok tuloy sa isipan ko na kaya siguro nahuhumaling ang step-sister ko rito.
"Bodyguard niyo po, ma'am," sabad ni Mang Rudy na driver niya.
"What? Bodyguard? Hindi ko kailangan ng bodyguard. Besides, eskuwelahan ang pupuntahan ko hindi giyera!" mat inis kong sabad. Hindi ko narinig na nagsalita si Hugo.
"Naku, ma'am, nakausap na ng daddy mo ang pamunuan ng school at pumayag na sila. Huwag kang mag-alala, ganyan din naman sina Cherry at Clifford," turan ng driver sa mga step-siblings ko.
Buntong-hininga na lamang ang aking sinagot doon sa sinabi ni Mang Rudy. Nakakainis lang dahil bawat galaw ko ay may nakasunod sa akin.
"Okay, Hugo! Dito ka na lang sa may gate, maghintay ka hanggang uwian," utos ko rito pagkababa namin ng sasakyan. Naglakad na ako papasok sa gate pero sumunod pa rin ito.
"Nakikinig ka ba?" sikmat ko rito.
"Ma'am, yes, Ma'am pero order ng daddy ay sa labas ng mismong room niyo maghihintay," anito na tila sasalang sa giyera kung magsalita.
Napatirik ko na lamang ang aking mata, daig ko pa ng manikang de baterya. Parang gusto ko tuloy magsising bumalik ng Pilipinas.
Wala na akong nagawa nang tuluyan akong pabantayan ni daddy saan man ako magpunta. Halos sa amin na rin nakatira si Hugo dahil may barracks ito sa likod ng bahay namin. Hanggang isang araw ay nag-off ito at lumabas, napangiti ako noon dahil pagkakataon ko na iyong gumala mag-isa.
Mabilis akong nagbihis. Sakto namang namalengke si mommy kaya malaya akong nakaalis ng bahay. Suot ang tattered maong pants at simpleng puting tshirt at tinernuhan ng puting sneakers ay lumabas na ako. Sa mall ako nagpunta at tuwang-tuwa ako noon dahil parang noon lang ako nakaalis na walang nakabuntot.
Hindi naman ako mahilig mag-shopping kaya plano kong magpunta sa arcade saka manood ng sine. Masayang-masaya akong nakikipaglaro sa mga bata sa arcade at nang mapagod ay tinungo ko na ang cinema para manood ng movie at makabalik na sa bahay bago bumalik si Hugo.
Nakapila na ako sa pilahan ng ticket nang biglang may maulinigan ako.
"Ma'am, pwede namang ako na po ang magbayad," giit ng tinig ng lalaki. Awtomatikong napakunot ang aking noo dahil tila umaalingawngaw sa aking isipan ang boses ni Hugo.
"My god, Hugo, 'di ba sinabi kong Cherry na lang ang itawag mo sa 'kin. Ako ang nag-invite sa 'yong lumabas kaya ako ang magbabayad," tugon ng babae.