Pagtaas ko ng tingin buhat sa aking pagduduwal ay nagtama ang paningin namin ni Hugo sa salamin. "What?" palatak kong gagad rito nang makita ang nagdududa nitong tingin. "Are you sure, you're okay?" ulit nitong tanong. "Yes, I'm fine," gigil kong wika habang si Hugo naman ay lumalim ang pag-iisip. Akmang dadaanan ko na lamang siya papalabas ng banyo nang maulinigan ko ang kanyang sinabi na nagpatigagal sa 'kin. "Hindi kaya buntis ka?" maang ni Hugo bagay na tila nagpatigil sa aking mundo. Ilang segundo akong nakatulala hanggang sa umalingawngaw sa aking isipan ang sinabi nito. "B-Buntis ako?" maang kong ulit. Naguguluhang tinig ni Hugo ang sunod kong narinig. "Hindi ko alam, I mean not sure but looking at you parang buntis ka nga," bulalas nito. Napahawak ako sa aking dibdib, kab