16

1055 Words
ZANDRO'S POV "Kuya, what did Ninang Patriz tell you? You're going to court her po? " Ani Zandra.. " Se's not ready for a new relationship yet. Friendship lang ang kanyang pwedeng i-offer. " sagot ko sa kapatid ko na hindi ko iniisip na bata ang kausap ko. Okay na rin ang sinabi ni Patriz, maging magkaibigan muna kami. Mahirap nga naman na manligaw agad ako sa kanya. Baka maging rebound pa kaming dalawa dahil parehas kaming kalalabas lang sa mga relasyon. " Don't worry, Kuya. I'll help you po para maging close po kayo ni Ninang Patriz. " sambit pa ni Zandra pero ang mata nito ay papikit na. Inaantok na nga siya kanina kaya lang ay may pagka -mosang ito pero okay lang dahil para sa akin iyon. Ilalakad niya ako sa Ninang niya. Alam ko na hirap si Patriz na humindi sa kapatid ko. Idagdag ko pa si Mommy Art. Kapag humingi ako ng tulong kay Mommy Art, for sure papayag iyon. Lambing lang, mapapapayag ko siya. Tahimik na ang kapatid ko, kaya nilingon ko siya. Tulog na ito. Kaya pala tumahimik. Nakadating kami ng bahay na himbing na siya kaya binuhat ko ang magandang batang ito. Kahit malaki age gap namin, masaya ako na dumating si Zandra sa amin. Naghihintay na ang yaya ni Zandra. Siya na ang bahalang maglinis sa kapatid ko. Ako naman ay nagtungo na sa aking kwarto. = = = = = = = = = = = = = = = = = = = PATRIZ'S POV Nagulat ako sa sinabi ni Zandra pero hindi ako galit sa kanya o nagtampo. Nahiya lang ako dahil kaharap ko si Zandro. Hindi naman kanina lang nabanggit iyon ng inaanak ko. Dahil galit siya kay Monica, ilang beses na niyang sinabi na sana ako na lang daw ang girlfriend ng kuya niya para magkasundo kami at masaya kaming tatlo. Si Edward ang boyfriend ko noon kaya hindi ko ini-intindi ang sinasabi ni Zandra noon. Pero kanina, hindi ko alam bakit ako nailang. Dahil ba single kaming pareho ni Zandro? Dahil ba pwedeng mangyari at takot akong masaktan muli? Mahirap ang tinanong ni Zandro kanina. Pero gusto ko rin muna siyang makilala bago ako pumasok muli sa isang relasyon. Kaya sumagot ako na pwede kaming maging magkaibigan na dalawa. Isa pang iniisip ko ay kung sino ang nagpapadala lagi ng bulaklak sa akin tuwing umaga. Walang mintis. Kung si Edward iyon, magpapakita iyon. Imposibleng siya ang magpadala dahil pricey ang mga bulaklak na dumadating. Walang ganong pera si Edward. Sana man lang may pangalan para maka-usap ko na rin na wala siyang maaasahan sa akin. Priority ko muna ang sarili ko. Mag-aaral muna ako. Gusto ko ng mag-aral sa sunod na pasukan. Mahirap man, kakayanin ko iyon. Igagapang ko para sa aking sarili. Para sa future ko. Okay na ako na matatapos si Perla. Kung tutulong siya okay lang. Kung hindi naman ay okay lang din dahil masaya ako na naibigay ko sa kanya iyon at may part din naman siya kaya nagtagumpay siya sa kanyang buhay. Nakatulugan ko na ang pag-iisip. At kahit gabi na akong nakatulog maaga pa rin akong nagigising. Nagluluto ako ng pagkain namin ni Perla. Nagbabaon din ako para makatipid. Minsan may costumer na nagpapakain kapag inabot na sa parlor ng lunch. Isa na do'n si Mareng Sonia. Galante siya sa amin. Okay na ang pagkain kaya nagbihis na ako. Pagdaan ko kay Mommy Art ay tulog pa rin ito kaya nauna na ako sa parlor. Habang naglilinis ako ay dumating na naman ang delivery man at may dala na naman na bouquet ng bulaklak. Hindi pa ito nakaka-alis dumating naman si Zandro. Bakit ang aga nitong dumaan? Wala bang pasok si Zandra? "Good morning, Patriz! Wow ang ganda naman niyan. Kanino galing? Sa manliligaw mo?" bungad nito sa akin. "Everyday po 'yan Sir. Galante pa po yung nagpapabigay niyan may malaking tip pong ibinibigay sa akin. Kung kilala ko lang sinabi ko na kay Ma'am na sagutin na agad." sabat ni kuya delivery man. "Naku, hindi. Wala ngang pangalan kung kanino galing kaya hindi ito sa manliligaw ko. Saka wala akong manliligaw." sagot ko dito. Nag-paalam na rin ang delivery man at naiwan kami ni Zandro. "Nasaan si Zandra?" tanong ko sa kanya at nanatili pa kami dito sa laba "Nasa school, kakahatid ko lang. Wala naman akong gagawin kaya naisipan ko munang mag-pagupit. Papabawasan ko lang sana, medyo mahaba na eh. Mga dulo lang naman. " saad nito sa akin. Dahil trabaho ito, inalis ko muna ang pagka-ilang. Pinapasok ko siya sa loob. Mabuti nililigpit ko na lang ang mga walis at dust pan. " Maupo ka muna at aayusin ko lang ang gamit ko." paalam ko muna sa kanya. Naupo siya at nakita ko na humawak pa siya ng magazine. Hindi naman ako natatakot na kaming dalawa lang dito dahil kilala naman namin siya. Hindi naman siya lasing at hindi rin siya naka drugs para matakot ako. Panatag naman ang loob ko sa kanya. Pina-upo ko na siya sa upuan at nilagyan ko siya ng cape na malinis sa kanyang leeg para hindi madumihan ang kanyang damit. Sinimulan ko na siyang gupitan. At sa tuwing titingnan ko sa salamin at nagtatama ang aming mga mata. Agad ko namang binabawi ang aking mga mata at sa buhok niya muli titingin. Akala ko ay madali lang dahil sisiw lang sa akin ito. Pero bakit ganito naiilang ako sa mga titigan namin sa salamin. Sana dumating na si Mommy Art para siya na ang magpatuloy nito. Pero hindi pa rin siya dumadating. Natapos ko rin after 100 years at saka naman dumating ito. "Papa Zandro, you're here. Magpapagupit ka pala sana sinabi mo kagabi para hindi na ako natulog. Hinintay na lang kita dito." bati ni Mommy Art pagpasok sa pinto. " Akala ko nga nandito ka na eh. Baka lumabas na si Zandra kaya kay Patriz na ako nagpagupit. Di bale next time itatapat ko kapag nandito ka na. " ani Zandro. Tinanong nito kung magkano? Kay Mommy Art ko na lang siya itinuro. Nagpaalam ako na gagamit ako ng CR. Pero ang totoo ay niinis ako. Si Mommy Art pala gusto niya sana hinintay na lang niya. Baka hindi niya nagustuhan ang gupit ko sa kanya. Sa susunod hindi ko na siya gugupitan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD