PATRIZ’s POV
“Lumabas ka na dyan! Wala na si Zandro. Anong problema mo at bigla mo siyang iniwan?” maarteng saas sa akin ni Mommy Art. Lagi naman itong maarte kung magsalita.
“Ihing-ihi na po kasi ako Mommy Art.” Sagot ko dito at binuksan ko na ang pinto ng CR.
“Hindi ako naniniwalang naiihi ka. Bang haba naman niyang ihi mo. Nagseselos ka ba sa akin? Dahil mukhang type niya ako.” Ani Mommy Art na mapanukso ang mga tingin.
“Bakit naman po ako magseselos? Saka sino naman ako para magselos sa inyong dalawa? E di congrats kung type ka niya.” Sagot ko kay Mommy Art na medyo hindi yata ako pinaniwalaan dahil tinaasan lang ako ng kilay nito.
“Kung hindi ka nagseselos bakit bigla kang umalis kanina? Kung hindi ako dumating, aalis ka ba? Di ba, hindi? Hihintayin mo siya hanggang maka-alis. Kilala kita Patriz. Tayo pa bang dalawa ang maglolokohan dito?” tanong na naman sa akin ni Mommy Art. Pinag-krus pa nito ang kanyang mga braso.
Sasagot pa baa ko kung huli na ako. Pero hindi naman ibig sabihin n’on ay type ko si Zandro. Kung type niya si Mommy Art ay okay lang. Mabuti na lang at may dumating na customer kaya in-assist ni Mommy Art.
“Hindi pa tayo tapos Patriz. Pasalamat ka at may dumating na customer.” Sambit pa nito bago ako iwan.
Bahala nga siya, wala naman akong gusto kay Zandro. Pwede pang sabihin na nagagwapuhan ako sa kanya pero hanggang doon lang iyon. Kakagaling ko lang sa isang relasyon na akala ko ay perfect iyon pala ay hindi.
Wala pang ibang costumer na dumadating ng ang inaanak ko na ang pumasok. Sanay naman ako na dumadating dito si Zandra pero ngayon biglang nag-iba ang pakiramdam ko. Hinihintay ko kung papasok din ang kanyang Kuya Zandro. Pero walang bumaba ng kotse.
“Good morning po!” masayang bati nito pagpasok kaya kahit ang customer ni Mommy Art ay natuwa sa aking inaanak na si Zandra.
“Good morning, little sis! Madam, this is Zandra my sister in law.” Pakilala ni Mommy Art kay Zandra.
“Hello po madam!” bati ng aking bibong inaanak sa babae.
“Ninang and Mommy Art, I have something for you.” Ani Zandra at ini-abot niya sa akin ang donut na nasa triangle na lalagyan. At kay Mommy Art ay ang malaking box ng donut.
“Thank you Zandra! Bakit may pa-donut ka?” tanong ko dito habang yakap yakap ko siya.
“Kasi po Ninang, madami po akong stars. Kaya nag-request po ako kay Kuy ana gusto ko po ng donuts at ng nasa bilihan na po kami ay naalala ko po kayo. Nagpabili na po ako ng marami kay kuya. Mommy Art, share mo na lang po sa iba ang donuts mamaya po.” Ani Zandra.
Yung sa akin ay wala naman siyang sinabi. “Yung ibinigay mo sa akin, i-share ko na lang kay Madam Lucila.” Sambit ko sa kanya.
“No Ninang! Para sa iyo po talaga iyan. Ibig sabihin po I love you!” sagot sa akin nito.
“I love you, too!” sambit ko sa kanya.
“Hindi naman po ako ang bumili niyan, Ninang Patriz. Si Kuya Zandro po ang bumili. Para sa kanya po ba yung I love you, too? Matutuwa po si Kuya kapag narinig po niya ang sinabi mo po.” Saad ni Zandra.
“Ay, hindi. Para sa iyo ang salitang I love you, too. Hindi para sa kuya mo.” habol ko dito.
“Mommy Art, narinig mo po di ba ang sabi ni Ninang Patriz, she loves kuya Zandro?” si Mommy Art pa ang tinanong. Akala ko ay sasang-ayon si Mommy Art sa sinabi ni Zandra.
“Ouch! Ang sakit naman niyan little sis. Harap-harapan mo naman akong sinasaktan.” Sambit ni mommy art kaya naman nagtawanan kami.
“Mommy Art, hanap ka na lang po ng girl. Si Kuya Zandro po dapat kay Ninang Patriz.” Ani Zandra. “Kung gusto mo po sa teacher ko na lang po ikaw. Tutulungan po kita.” Dagdag pa nito.
“Little sis, ikaw talaga puro ka joke. Baka ma-heart broken si Papa Zandro kapag hindi ko na siya pinansin.” Hirit pa ni Mommy Art.
“Aalis na po ako, baka mainip na po si Kuya. Okay lang iyon matagal kung nakikita po niya si Ninang Patriz.” Paalam na ni Zandra at hindi na pinatulan pa si Mommy Art.
Madalas ay inihahatid ko si Zandra sa kotse nila kapag lumalabas na siya ng parlor. Ngayon hindi ko alam kung ihahatid ko ba siya. Makikita ako ni Zandro kapag lumabas ako at sasamahan ko si Zandra hanggang sa kotse nila.
Magkakasya na lang sana ako sa pagtanaw dito pero itong si Mommy Art ay biglang nagsalita.
“Patriz, hindi mo ba ihahatid ang little sis ko? Lagi mo naman siyang inihahatid di ba?” ani Mommy Art at narinig ni Zandra ang sinabi nito kaya naman lumingon ito sa akin. Para naman nadurog ang puso ko kung hahayaan ko nga itong lumabas na mag-isa dito sa parlor. Baka isipin ni Zandra na nagbago na ako nang pakikitungo sa kanya.
“Zandra, hintay. Ihahatid kita sa labas.” Wala na akong choice kundi ang gawin ang nakagawian ko para sa aking inaanak. Hindi naman dapat madamay si Zandra kung iniiwasan ko man ang kanyang kuya. Saka sinabi ko kay Zandro na maging magkaibigan kami kaya hindi ako dapat mailang sa kanya.
Palapit ako kay Zandra pero grabe ang kaba ng dibdib ko. Ano ba naman ito? Hindi naman ito dating ganito. Wala naman gagawin sa akin si Zandro saka hindi ko nga alam kung natutulog ba siya sa loob ng kanyang sasakyan kaya hindi ito lumalabas.
“Yehey, ihahatid ako ni Ninang!” masayang sambit nito. “Ninang akala ko po hindi mo na po ako love?” anas pa nito at tumingala sa akin.
“Love ka ni Ninang syempre. Pwede ba na hindi kita ihatid? Nag-iisang inaanak kita eh. Syempre gusto ni Ninang na safe ka.” Wika ko pa dito at hinaplos ko ang ulo nito.
“Thank you po, Ninang Patriz.” Ani Zandra.
Si Zandra na lang ang tiningnan ko at pilit kong winawaglit na nasa sasakyan lang si Zandro. Wala naman siyang ginagawa sa akin kaya bakit ganito itong dibdib ko. Tila sasabog sa lakas ng pintig.
Nasa may tapat na kami ng kotse at binuksan na ni Zandra ang pinto. Bago pa ito pumasok ay nagsalita ito. “Kuya Zandro, thank you po daw sa donut sabi po nila Ninang at Mommy Art.” Ani Zandra. Nahiya naman ako na hindi magpasalamat kay Zandro lalo na at biglang bumaba ang bintana ng sasakyan.
“Salamat sa donut. Pati kami ay isinali mo pa sa treat mo para kay Zandra.” Nahihiya kong wika dito.
“You’re welcome! Para sa iyo talaga iyon.” Sagot nito sa akin at nginitian pa ako. Pakiramdam ko ay pati ang mga tuhod ko ay nanginginig. Parang hindi ko kakayanin na maglakad. Ano ba itong nararamdaman ko? Hindi naman ako nakaramdam ng ganito noon kay Edward.
“Sige, ingat kayo. Bye Zandra!” iyon na lang ang nasambit ko at iniwasan ko na ang tingin ni Zandro at ibinaling ko na kay Zandra. Narinig ko pa na nagpasalamat si Zandro pero hindi ko na siya tinapunan pa ng tingin. Hindi ko na alam kung ano ang susunod na mangangatog sa aking katawan.
Hinintay ko na muna silang maka-alis bago ako pumasok sa loob. Wala na ang customer ni Mommy Art kaya malakas na naman ang loob nito na sabihan ako.
“Ano bang nangyayari sa iyo? Bakit iwas na iwas ka kay Papa Zandro?” tanong na naman nito sa akin.
Sasabihin ko na ba sa kanya ang dahilan kung bakit nagkakaganito ako? Baka mamaya ay pagtawanan pa ako ni Mommy Art. Pero sige na nga para alam niya at baka may maitulong pa siya sa akin. Ang sasabihin ko lang naman ay yung tungkol sa sinabi sa akin kagabi ni Zandro na gusto niyang manligaw na tinanggihan ko at friendship lang ang kaya kong ibigay.
“Iyon naman pala, sabi mo friends na lang kayo. Bakit ka naiilang sa kanya kung pumayag naman pala siya sa friendship. At ikaw na nagsabi na friends na lang kayo. Baka naman may nararamdaman ka sa kanya at hindi mo lang maamin kaya nagkakaganyan ka. Iyong kanina lang, sa pag-iwan mo sa kanya, iba na ang dating. Halatang may gusto ka. Kaya kung ako sa iyo para mapatunayan mo iyang sinasabi mong friendship lang ang maibibigay mo, patunayan mo. Huwag mo siyang iwasan.” Mahabang pahayag ni Mommy Art.
Ganoon pala iyon. Sa susunod ay haharapin ko na siya.