CHAPTER 3

1791 Words
"Ate Arabella?" sambit ko. Nakita ko kasi si Ate Arabella na loob ng condo unit ko nang umuwi ako matapos ang duty ko. Dalawang araw na ang lumipas nang lumayas ako sa bahay at magdesisyon akong mamuhay ng mag-isa. Sa loob ng dalawang araw na iyon tanging si Ate Arabella at mga kapatid ko lang ang nagtetext at tumatawag sa'kin para kumustahin ako. Wala akong natanggap na tawag o text kay Daddy. Matigas ang puso sa'kin ni Daddy. Kaya labis ang sama ng loob ko sa kanya. Lumapit siya sa'kin. "Bumalik ka sa bahay." Inilapag ko ang bag ko at pumasok ako sa kuwarto upang magpalit ako ng damit sinundan naman ako ni Ate Arabella "Ako na ang kakausap kay Daddy. Bumalik ka na sa bahay." wika niya. "Hindi na ako babalik hanggat hindi ko mapapatunayan ang sarili ko sa kanya." "Wala kang dapat patunayan sa kanya." sagot ni Ate Ara. "Nasasabi mo lang 'yan kasi hindi ikaw pinapahiya sa maraming tao." "Nagseselos ka ba dahil ako ang paborito ni Daddy?" Huminto ako sa pagbibihis ng damit at tumingin kay Ate. "Alam mo naman na kahit kailan hindi ako nagseselos kung anong narating mo. Ang gusto ko lang ay patunayan kay Daddy na kaya ko rin umangat tulad mo. Iyon lang ate ang gusto sana maintindihan mo ako." "Alam ko naman 'yun pero hindi mo na kailangan na umalis ng bahay." "Ang hirap tumira sa iisang bahay na hindi ka naman gusto ng kasama mo. Pakiramdam ko hindi ako part ng pamilya kung ituring ako ni Daddy parang ibang tao." tumulo ang luha ko dahil sa sama ng loob kay Daddy. "Si Daddy lang naman ang may ayaw. kami gusto ka namin makasama." "Pabayaan mo na lang ako Ate." Bumuntong-hininga si Ate Ara. "Kung 'yan ang gusto mo sige, hindi na kita pipilitin pero kapag kailangan mo ako nandito lang ako." sabay talikod niya. Pagkaalis ni Ate Cyndi ay nag-impake na ako ng mga damit. Hindi tamang dito ako nakatira dahil siguradong palagi siyang pupunta rito. Nagdesisyon akong umalis na lang. "Cyndi?" Gulat na gulat ang kaibigan kong si Veronica nang makita niya ako sa pintuan ng condo unit niya. Tiningnan niya ang bitbit kong malate. Si Veronica ay naging kaibigan ko noong college kahit magkaiba kaming course na kinuha may mga subject kami na magkakaklase at naging ka-team ko rin siya sa volleyball. "Naglayas ka?" tanong ni Veronica. Tumango ako sa kanya. "Can I stay here for just a week?" Niluwagan ni Veronica ang pinto ng condo niya. "Tang ina mo! siyempre naman kahit dito ka na tumira okay lang basta sagot mo na pagkain." sabay tawa niya. Tinutulungan niya akong bitbitin ang maleta ko at iilang gamit ko papasok sa loob ng kwarto niya. "Ano bang nangyari bakit ka lumayas sa poder ng Daddy mo?" Umupo ako sa malambot na sofa at tumingin at isindal ko ang likod ko. "Hindi ko kayang tumira sa bahay palagi na akong kinukumpara kay Ate Arabella." Tumayo si Veronica at pagkatapos ay kumuha ng can beer sa loob ng refrigerator niya pagkatapos ay nagbukas ng mani at chicharon para sa pulutan. "Uminom tayo." sabay lapag niya ng anim na beer at pulutan sa center table. "Huwag mong pansinin ang pulutan dahil oorder ako ng pulutan natin at pagkain." sabay upo niya sa tabi ko. "Tss! Hindi ka pa rin nagbabago tamad ka pa rin magluto." kinuha ko ang can beer at binuksan ko 'yon. Tumawa si Veronica. "Bakit ako magluluto palagi naman akong wala sa condo ko." sabay kuha niya ng can beer at ininom niya rito. "Kumusta ang lovelife mo?" tanong ko kay Veronica. "Wala akong lovelife pero marami akong kalandian." "Pokpok!" sambit ko. Ngunit bigla kong naalala ang ginawa ko kagabi. Nakipag one night stand ako. Tumawa si Veronica. "Bakit magla-love life kung pwede naman mag tikiman." "Ilan na ba natikman mo?" tanong. Natigilan si Veronica tila may nais siyang sabihin sa'kin. "Kilala mo ako Veronica, we are friends since college pwede mo akong sabihan ng problema mo." Pilit na ngumiti sa akin si Veronica. "Nakipag-one night stand ako." sabay tungga niya ng alak. Bigla akong natigilan. Pareho ba kaming dalawa ni Veronica ng kapalaran? "Natatandaan mo 'di ba ang lalaking naka-virgin sakin noong college?" Tumango ako. "Yung sinasabi mong mayaman na lalaki na inalok mo ng one night stand kapalit ng one hundred thousand." Tumango siya. "Yes, nakita ko siya sa baby shower ni Tiffanie at sobrang liit talaga ng mundo dahil kaibigan siya ng asawa ni Tiffanie." "Tiffanie De Verra?" Tumango siya sa'kin. "Oo, yung college friend ko. Kilala mo siya laging muse sa school." "Of course sino ba ang hindi nakakakilala sa kanya sobrang ganda ni Tiffanie." "True, kaya nga hindi na siya pinakawalan ni Mathew." sabay tungga niya ng beer. "Anong nangyari nang magkita kayo?" "Nagsex kami." sagot ni Veronica. "Putspa! Pokpok!" sagot ko. "Aksidente lang 'yon lasing kami pareho. Hindi na tuloy ako makapunta kina Tiffanie at Mathew dahil baka makita ko ang lalaking yon." "Kung sabagay ako rin naman nakipag one night stand." tipid kong sagot. Natulala si Veronica sa'kin parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Seryoso?" Tumango ako. "Sa sobrang frustration ko nagpakalasing ako at nagising ako may lalaki na akong katabi. Natatandaan ko naman ang lahat nang nangyari sa'min dalawa at alam kong ako ang may mali kaya wala akong ibang dapat sisihin kung hindi ang sarili ko." "Hindi ko lubos maisip na kaya mong ibigay ang sarili mo ng ganun kadali. Naalala ko noong college hindi makalapit sa'yo ang mga lalaking gustong manligaw sa'yo dahil natatakot silang baka mabugbog mo." "Wala akong dapat sisihin sa nangyari kung hindi ako rin. Ang gusto kong gawin ngayon ay maging successful sa larangan na pinili ko gusto kong ipamukha sa Daddy ko na pwede rin niya akong ipagmalaki sa iba." "Hayss! Mabuti ka pa 'yan lang ang inaalala mo. Bakit pala ayaw mong sa condo mo tumira?" "Bigay ni Daddy 'yon. Ayokong magkaroon ng kinalaman kay Daddy." "Ganun ba? sige support kita diyan. " sabay tungga niya ng beer. Bumili pa kami ng vodka ni Veronica at naubos namin iyon hanggang sa malasing kaming dalawa at nakatulog. "Po1 Cyndi Fuentes." tawag sa akin ng aking chief. Tumayo ako at sumaludo sa kanya. "Good morning, Sir." "Sit down." wika nito. Umupo naman ako sa kanya. "Sir. Bakit n'yo po ako pinatawag?" "Po1 Cyndi Fuentes. Pinatawag kita para sa isang mission." Seryoso akong nakitingin sa aking chief. Sa unang pagkakataon ay binigyan niya ako ng isang mission. "Anong mission,Sir?" "May babantayan kang isang kilalang tao." "Anong gagawin ko?" "Magiging personal assistant ka ng anak bilyonaryo dahil bukod sa may banta sa buhay niya. Kailangan mong alamin ang nangyayari pagkalugi ng kanilang kompanya. Hindi nila matukoy kung sino ang nagnakaw sa kanilang kumpanya. Ikaw ang lulutas no'n." "Ibig sabihin magpapanggap akong bodyguard para malaman kung sino ang magnanakaw sa kumpanya nila at mabantayan na rin ang anak ng bilyonaryo?" "Gano'n na nga ang mangyayari. Kailangan mong mag-ingat para hindi makahalata sa'yo ang sinumang may masamang balak sa pamilya nila." "Naiintindihan ko po." "Fuentes kilalang tao ang babantayan mo. Kung tutuusin pwede kong ibigay sa iba ang mission na ito pero may tiwala ako sa'yo na kaya mo itong gampanan ng maayos." "Maraming salamat, Sir." "Bumalik ka na sa pwesto mo." Tumayo ako at pagkatapos nagbigay galang sa kanya ay umalis na ako. Paglabas ko ng opisina ni Chief ay nakasalubong ko si Ate Ara. Lalapitan sana niya ako ngunit iniwasan ko siya. "Cyndi!" tawag niya sa pangalan ko ngunit hindi ko siya pinansin. "Cyndi, sandali lang!" Sumakay ako sa motor ko at umali. Ayokong makipag-usap kay Ate Ara dahil nahihiya ako sa kanya. Pakiramdam ko wala akong mukhang maihaharap. Sa katunayan nagpalit ako ng sim para hindi nila ako makontak. "Bakit nandito ka?" tanong sa akin ni Po1 Sammy. Hindi kasi ako naka-duty sa lugar na ito. Dapat nagpapatrol ako sa tondo kung saan palagi maraming nagkakagulo. "Pwede ba palit tayo. Ayoko kasing makita ang ate Ara ko." "Gusto mo sabunin tayo ng hindi nagbabanlaw?" Bumuntong-hininga ako. "Sige na, pupunta na ako kung saan ako naka-duty." muli akong sumakay ng motor ko at pumunta sa tondo. Naroon si Dario ang partner ko palagi. "Partner, akala ko hindi mo na ako pupuntahan eh," wika ni Dario. "Ayoko nga sana kasi baka puntahan ako ni Ate Ara." "Nandito siya kanina hinahanap ka. Ang sabi ko hindi ka papasok." sabay yawa niya. Binatukan ko siya. "Baliw! Nagkita kami sa opisina kanina " Tumawa siya. "Paano hindi na nagpaparamdam. Hindi ka na rin makontak. " "Nagpalit ako ng sim." "Saklolo! Saklolo!" Sabay kaming lumingon ni Dario nang marinig namin ang boses ng babae na sumisigaw agad kong kinapa ang baril ko at pagkatapos nakita namin ang lalaking tumatakbo at may hawak na bag. Sumakay kami ng motor para maabutan namin. Nang lumusot siya sa may eskinita ay hininto ko ang motor ko at tumakbo upang sundan siya. "Tigil!" sabay paputok ko ng baril. Ngunit hindi siya huminto kahit nagpaputok ako bilang warning sa kanya sa halip nagpaputok din ito ng baril. "s**t!" sambit ko. Nagtago ang sa may puno. Sinundan ko pa rin siya kahit nakikipagpalitan siya ng putok sa'kin. Hanggang sa tamaan ko ang paa niya. Nadapa siya. "Tigil!" Muli ko siyang pinutukan sa tuhod ng tatangkain niya akong barilin. Nabitawan nito ang baril. Lumapit ako sa kanya at kinuha ko ang baril niya. Kinuha ko ang ninakaw niyang bag. "Gago ka! Pinagod mo ako." nilagyan ko ng posas ang kamay niya. Tumawag ako sa medical team para bigyan siya ng first aid at dalhin sa hospital. "Maraming salamat." sabi ng matandang babae na may ari ng bag. "Welcome po." sagot ko. "Anong pangalan mo?" sabi pa ng Matandang babae na tinutulungan namin. "Po1 Cyndi Fuentes po." sagot. Inilahad ng matanda ang kamay niya. "Ako nga pala si Silvia Aragon." wika niya. "Nice meeting you Mrs Cyndi Fuentes." sagot ko. "Partner, ang lupet mo." wika ni Dario. "Bakit naman?" tanong ko sa kanya. "Bilyonarya ang tinutulungan natin at alam mo ba kung magkano ang halaga ng bag na dapat nanakawin sa kanya?" "Hindi?" "Five million pesos. Bag pa lang sobrang mahal na. Mga alahas ang laman ng sobrang mahal at one million pesos na pera." "Alam ko." tipid kong sagot. Kumunot-noo ako. "Alam mo naman pala akala ko pa hindi mo alam?" "Alam ko siyempre tayong dalawa ang tumulong sa kanya. Hindi lang interesado sa sinasabi mo." "Sus! Dapat maging mabait ka nga do'n kasi ganyan tao ang mag-aakyat sa'yo para tumaas ang ranggo mo." Hindi ako umimik. Kahit ano naman ang magandang gawin ko ay hindi naman ako napapansin ni Daddy. Tulad ngayon wala akong narinig sa para batiin ako kaya hindi mahalaga sa'kin kung may maganda akong ginagawa ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD