"Congratulation Po1 Cyndi Fuentes!" wika ni Chief Lasor sa'kin. Matapos ang isang linggo kong pagpapagaling dahil sa tinamo kong injury. Nakipag-shake hands ako kay Chief. Thank you, Sir." "Magaling ang pinakita mo Po1 Cyndi Fuentes. Dahil iniligtas mo si Mr David Aragon. Hindi ako nagkamali sa pagpili sa'yo," wika pa niya. Walang paglagyan ang mga ngiti ko dahil sa mga papuri sa'kin ni Chief Lasor. Sa tagal ko bilang pulis ngayon ko lang naramdaman ang ganitong papuri sa'kin. Ang sarap magtrabaho kapag na-appreciate nila ang trabaho mo. "Makakaasa kayong pagbubutihin ko pa ang mission kong ito para matukoy ko ang taksil sa pamilya ng mga Aragon." "Mabuti kung gano'n." sambit ko. "Good, pwede ka ng bumalik sa trabaho mo." Tumayo ako at sumaludo sa kanya bago ako umalis ng opisina ni