3

2074 Words
Alvin pov "nope! just a gift " sabi ko sa kanya. Muntik ko na kasing nakalimutan ibigay sa kanya baka mamaya papagalitan na naman ako. "thank you Vin " niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi. Ang sweet niya talagang bantayan hahaha "naks sweet naman" sabi ni Van na nanonood sa amin kasama niya ang pinsan ko na gf niya. "Iidlip lang ako ,wag kang pasaway dito"bilin ko sa kanya. "opo tay!"biro naman niya. Gusto ka ng itulog to baka mas lalo pa akong mahilo. Naka 2 rounds lang talaga namumula na ako. Bago pa man ako humiga ay nag ring phone ko. Patay!bakit sa akin pa siya tumawag!? Kainiis naman. "yowh King kamusta?" Agad kong bati para di halata. "hindi naman malakas boses ko ah lasing ka dyan?pagod lang at puyat. bakit ba? ok lang siya. Kung ano bilin mo sa amin ginagawa namin.anong Bf? wala naman ah "lakas naman ng radar nito kahit malayo. " kaming bahala sa kanya wala pa naman kakaiba sa paligid. Oo na.... ikaw! wala kang bilib sa amin. Tsk! King relax ka lang ok naman siya naprapraning ka na naman eh . Isa kang nilalang na naniniwala sa pamahiin na yan panaginip lang yan.Oo paulit ulit ka naman eh. Sige na iidlip lang ako at mamaya ako susundo sa kanya....oo na...bye!" ako na magaling magsinungaling bwisit! Mga 3 oras ata ako nakatulog ,so hindi na yun idlip hahaha "ikaw lasing ka ba?"tanong ko kay Toffer "hindi"sagot niya "bakit hawak mo tiyan mo?" "napadami ata ako sa pulutan kaya mukhang tinatawag ako ng kalikasan" "yan! sa katakawan mo yan mag cr ka muna bago tayo uuwi mamaya." "Doon nalang naimpatso ata ko eh." Hawak ko ang cp ko ng kinalabit ako ni Toffer. Tinignan ko siya. "yung pinsan niyang si Bella may attitude problem. Iba tingin kay Rei eh." "wag mong pansinin yan. Basta wag lang niyang sasaktan si Rei baka maano ko pa siya." "tumawag pala sa akin si King kanina" sabi ko sa kanya. "ano sabi?" "kinakamusta siya yun lang tapos ang daming tanong ,kung ano tanong niya dati ganun pa din." " ano kaya parusa natin pag may nalaman siya?" " wag ka nga nega diyan kaya nga doble bantay tayo ngayon sa kanya lalo na't pinaghahanap na siya. Ewan ko ba kasi kung bakit siya pa " " hindi naman natin masisisi mahal yan ni King eh." Nagbubuhat na kami ng mga gamit nila. Pabalik na ako para balikan si Rei ng... Nakita ko lumapit si bella kay Rei. " inzan alam mo hindi ko alam kung anong special meron ka at ganun nalang sila kung makabantay sayo maliban sa isa sino pa kaya ang ang dadagdag na bantayan ka?" biglang sabi ni Bella kay Reishel. "alam mo? wala ka naman pakealam kung anong meron ako kaya sila andyan sa akin eh."sagot nya. Yan lumaban ka Rei. Pinanood ko lang sila. " Sabagay ang pag iwan sayo ni King noon ay tama lang sayo. Masyado ka na kasing pa importante ginagawa kang princessa kahit hindi naman dapat " opps below the belt ka girl. Magiging tiger na ang alaga namin. Siya naman dating ni Jewel. " alam mo ate Bella kung ano man meron siya na wala sayo sobrang dami ! kaya ganun sila magmahal kay ate Rei mas gusto kasi nila si ate kasi ang simple lang niya at totoong sa sarili hindi maarte at hindi mukhang pera." pagtataray niya. Wow bilid na ako sayo bata.hahaha Susugod sana ito kay Jewel ng humarang si Rei. Naalarma ako. " subukan mo Bella ako makakalaban mo." harang ni Rei. " Sige kampi kampi kayo.!Alam mo nagtataka talaga ako sainyo ng mga kasama mo. Mga gwapo,mayaman tapos ikaw kung makapaglandian ka sa kanila parang may something wag mo Sabihin sa akin my dear inzan lahat sila tinutuhog mo!" Lalapit na ako baka ano pa gawin ni Rei sa kanya. Pak! Sabi ko na nga ba eh.. " wala kang karapatan pagsabihan ako ng ganyan dahil wala ka naman alam. Eh kung sayo ko sabihin yan Ha?! Malandi? baka ikaw dahil ang una mong tinitignan sa mga jowa mo ay pera. Napakadesperada mo lahat nalang gusto mo nasusunod tapos bigla bigla na din sila mawawala na parang bula." nagalit na siya ng sobra. Sakto naman na dumating si Toffer at sumabay na na ako lumapit sa kanila. Aakmang susugurin niya si Rei ng humarang ako. "subukan mong saktan siya ako makakalaban mo?"banta ko sa kanya. Napaatras naman si Bella sa banta ko sa kanya. "hindi ako pumapatol sa babae pero kung kagaya mo lang din bakit hindi!" dagdag ko pa. "Vin!tama na Jewel at vlVan sabay nalang kayo sa amin. Rei let's go."pag aawat ni Toffer Yakap yakap ko parin siya hanggang sa kotse. "Vin thank you sa pagtatagol sa akin." " basta sayo Rei walang mananakit sayo." Napaluha siya habang yakap ko siya. Walang makakagalaw sayo dahil Isusugal namin ang buhay namin maproktektahan ka lang. Hinatid namin ang magjowa sa bording nila. At si Rei sa bahay nalang namin siya patutulugin. Hinatid namin siya sa sarili niyang kwarto. Nang magparenovate kasi si King ay binigyan niya ng sariling kwarto si Rei. Pinatulog muna namin bago ulit kaming usap usap na tatlo. Wala si Zero dahil may inupdate siya kay King sa Australia. Sa kusina. " muntik na kanina si Rei buti dumating kami ni Toffer. " " may napapansin ako sa pinsan niyang si Bella at mga sundalo na umaalingid sa kanya. I think they are spy. Para kay Rei."sambit ni Loki. " posible yan dahil sabi sa akin ni King na pinaghahanap na siya. Hindi ko lang alam kung alam na nila na siya si Rei."ako " idagdag mo pa yang si Grey. Paano nya nakilala si Rei ng ganun bantay sarado tayo sa kanya. Kung aalis man siya ay kasama naman tayo." Toffer. " Loki mukhang madadagdagan trabaho mo ah. kelangan mo na ata mga galamay mo para malaman kung ano ang pakay ng lalaking yun kay Rei " " I started doing that stuff.. " "Toffer ikaw muna bahala kay Rei bukas."bilin ko sa kanya. Ako kasi ang mag bibisita sa isang branch ng aming negosyo sa Santiago city. " the day after ang uwi ni Zero expect daw natin na may bilin si King ."sabi ni Loki. Ano ba gagawin namin para lubayan nya si Grey? Reishel pov Nagising ako sa isang tawag. Grey's calling. "hello?ay oo. ha?.date tayo?saan naman?Sige .--what ngayon na?teka saglit bilis naman ata.." ".....ok kita nalang tayo sa park. Wag mo na akong sunduin mapapalayo ka lang...ok bye" Titili na sana ko ng biglang bumukas ang pinto. "Rei...ok ka lang?" Sabay sabay na dating nila Loki. "ha?-eh wala..... Guys magdedate kami ni Grey ngayon tulungan nyo naman ako mamili ng damit na babagay sa akin please!?" Nagkatinginin silang tatlo. "ok."sagot ni toffer. Pok! Na binatukan naman ni Alvin .... "aray!Nagpapatulong lang naman siya ah." "Rei the breakfast is ready. Baba ka na "sambit ni Loki. Kahit kailan talaga ang sungit ni Loki. Sa kusina. "anong oras ka niya susundin?" "magkikita kami sa park ayoko magpasundo papatayin niyo lang siya sa tingin eh" Natigilan naman ang tatlo. Totoo naman kasi. Halos tadtarin na nila si Grey ng katana sa mga titig nila eh " ok! pero make it sure na hindi ka gagawan ng masama yang sundalo na yan ha..."babala ni Alvin. "mabait yun..." "mayabang naman..."saad naman ni Loki. Di nalang ko nagsalita pa. Napagdisisyonan ko na dito nalang maligo dahil may mga damit naman ako dito. May mga dress na binili nila sa akin completo nga eh. Magaling din sila tumingin ng mga damit ko. Nag bihis ako para ipakita sa kanila kung ano ang pwede "guys ok ba itong ayos ko?" Tumingin silang tatlo sa akin. Umiling lang sila. Bihis... "eh eto ok ba?" Umiling ulit sila... Bihis..bihis... "how bout this ?" Rampa ko sa harapan nila. "nope Rei..." Akyat bihis...bihis...bihis.. " eh eto kaya?simple na ito..." "pants and tshrt is the best..."sabi ni Loki. Ha?diba pag date dapat dress...bakit pants at tshrt? "seriously?" Nag nod lng silang tatlo. "Rei hindi sa damit na a-attract ang lalaki. Just be your self kung totoong gusto ka niya tatanggapin ka kung sino at ano ka." alvin " hmmm tama ka ok pants and tshrt nalang..." Nag bihis ako at nag pants nalang ang minnie mouse printed shirt. " your done Rei?ihahatid na kita sa park..." loki. "ok see you later guys." Paalam ko sa dalawa. Pagkahatid sa akin ni Loki ay umalis din agad ito pero parang may mali sa kanilang tatlo. Binalewala ko nalang ito. "sino yun?" tanong nya sa akin. " si Loki isa sa mga barkada ko ngpahatid nalang ako dahil dadaan naman siya dito sa park."pagsisinungaling ko. "so tara na?" Eto na naman ang kilig sa aking katawan. Umaapaw na talaga...? Bakit ganito ang kilig ko sa kanya. Namasyal kami sa Santiago city. Ang pagkaka alam ko ay dito lang sa amin. Hindi ko ineexpect na bibiyahe pa kami sa santiago. Nag commute kami para daw mas enjoy . Sa loob ng van napapansin ko na lang na nakatitig siya sa akin. Tinignan ko din siya. "what?" " ang ganda ng mga mata mo..." ?? tae bakit ganyan siya.Hindi ba pwede pakeme naman pag sasabi,hindi ko keri kasi ang ganyang phrase eh. "hmmm salamat wag mo nga ako titigan nakakahiya eh." bigla niyang hinawakan ang kamay ko and he intertwined our hands. His hand has a slightly rough though it's not that bad after all. Army's hand actually they do all things and dirty work. The time we step on the mall, thats the time we enjoy walking hhww (holding hands while walking) is the time I want him. Pabebe but inlove Hahaha I can't even the feeling with him. There such a time he looking at me with some spark to me and the other half is doubt. I don't remember how we met If scripted or what. After a long watch in cinema . Someone caught my eyes. A group of army walking to our direction wearing seriously and poker face reaction. " Reishel! Sorry Can I leave you here for a while" I just nod and watching him walking to his group. 20 mins na siguro silang nag uusap sa gilid. May mga kasama siyang pasimple tumitingin sa akin minsan siya din sinusulyapan ako sabay ngiti. Nakita kong palapit na siya sa akin. "may problema ba?"tanong ko. "wala may sinabi lang sila sa aking about sa mission namin.Gutom ka na ba?" Di ako umimik. Pero bakit ganun iba talaga nararamdaman ko. Kumain kami sa isang korean restaurant, hindi naman ako ganun kahilig ng korean food pero kumakain naman.sushi nga lang alam kong kainin .Kahit gusto kong kumain ng kimchi ay hindi pwede wala akong dalang inhaler baka sumpungin ako ng hika lagot ako sa apat. 4 oclock na ng napagdisisyonan namin lumabas ng mall at maglakad lakad sa may garden ng mall. "Rei Hindi ka ba natatakot na magmahal ng katulad ko?"tanong nya. "bakit naman ako matatakot?" "sabi nila pag sundalo maraming minamahal alam mo na mga kasabihan ba." Natawa naman ako sa sinabi niya. " nasa tao naman kasi kung itotolorate niya na padamihin ang mamahalin niya. Ang tao isa lang ang puso pag marami sila na mahal mo hindi ka tao. Dahil ang tao may pakiramdam at nasasaktan. Kung mahal ka ng taong mahal mo walang rason para magmahal siya ng iba ." Natahimik siya bigla. "may sasabihin ka ba sa akin?" "Reishel hindi ko sinasadya na magkagusto sayo aaminin ko nung una. Just a fling lang pero ng makilala kita at nakita kung ano at sino ka talaga naramdaman ko nalang na nagustuhan na kita ng hindi pilit. ." Syeet hindi ko alam sasabihin ko. "... Nakita kita sa hospital kung saan ka ng wowork. Nung una di na kita binigyan ng second look,pero ng dinalaw ko ulit ang kasamahan ko na naka coinfine doon ko nakita kung gaano ka kasaya makipag usap sa mga pasyete mo. Sinundan kita hanggang sa pag uwi mo na akala ko may bf ka na . Time past nakita ulit kita at naglakas loob na ako na kausapin kita. Makapal na ba ang mukha ko dahil ang bilis bilis ko manligaw sayo?" Pangalawang pagkakataon wala parin akong nasasabi. Magsasalita na sana ako ng.. .. Shit biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD