Nahinto ako sa mixing ng kape at parang nanlamig ang katawan ko ngayon. Tumikhim pa si Brian na nakaharap sa akin. Napayuko na ako at nagmura na ang isip ko ngayon. "Sure... You can have your break, Sunny," si Brian sa akin. I nodded and I did not even say a word. I don't know what to say, so I just smiled at him. He smiled back at me and nodded. Pumasok na din siya sa loob ng kusina. Mabuti na lang at hindi abala ang shop ngayon, at walang masyadong customer. Nang matapos ang kape na ginawa ko ay nilapag ko 'to sa tray kasama ang dalawang slice ng forest cake. "Ako na." Siya na rin mismo ang kumuha sa tray at nauna na siyang naglakad. Tinitigan ko lang din ang likod niya. Nilingon ko pa si Shami, na ngayon ay nakangiti na. Tinangal ko lang din ang suot na apron at sinabit ito paba