bc

The Billionaires Rebound Nun

book_age18+
2.4K
FOLLOW
6.2K
READ
second chance
boss
doctor
twisted
bold
witty
female lead
realistic earth
poor to rich
like
intro-logo
Blurb

***DANNY AND FAITH IS CURRENTLY ON HOLD until further notice. Thank you for your understanding.

Sina Faith at Danny datapwa't pinaglayo ng pagkakataon ay paglalapitin pa rin ng tadhana. Sila’y magkababata at matalik na magkaibigan na ‘di magpahiwalay. Ngunit nagbago ang lahat ng makakilala ni Danny si Candice Ferguson. Ang bagong saltang balikbayang estudyante sa eskuwelehan nila.

Lihim na minahal ni Faith si Danny mula pa pagkabata.

Dumating na nga ang araw na pinakahihintay ni Faith. Nilagawan siya ni Danny. Sinagot niya naman agad ito na walang patumpik-tumpik. Subalit ang inakala ni Faith na nagkakamabutihan na sila. Nahuli niya sa Danny at Candice na magkasiping sa kwarto nito.

Nagalit si Faith kay Danny at pinapili niya ito. Parang gumuho at tumigil ang kanyang mundo ng marinig ang mga katagang "Umalis ka na. Hindi kita minahal Faith. Panakip-butas ka lang."

Sobrang sakit ang naramdaman niya ng pinili ni Danny si Candice. Pumunta siya sa tiyahin sa Zambales. Doon nahanap ni Faith ang katahimikan. Itinatak ni Faith sa isip na ang lahat ng lalaki ay manloloko. Hinding-hindi siya magpapaloko pang muli kaya minabuti niya na lamang magsilbi sa Dios at maging madre.

Ngunit paano kung magkita silang muli makalipas ang sampung taon?

Piliin kaya ni Faith ang sumpang habang buhay na mahalin si Danny o tuluyan niya na itong kalimutan at harapin ang bokasyon na nagsilbing panakip butas niya ng mahabang panahon?

Any unauthorized reproduction, distribution, public display, and illegal selling of my eBook story without my permission is subject to copyright infringement under US Copyright Law.

ISBN: 978-1-956209-02-0

Copyright © 2021 SUMMERJHEAN. All rights reserved.

chap-preview
Free preview
Prologo
Sina Faith at Danny datapwa't pinaglayo ng pagkakataon ay paglalapitin pa rin ng tadhana. Dahil ang unang pag-ibig ay wagas at kahit kailanman ay hindi malilimutan. Magkababata sina Faith at Danny. Lumaki silang matalik na magkaibigan. Lihim na minahal ni Faith si Danny mula pa pagkabata. Ngunit nagbago ang lahat ng makakilala ni Danny si Candice Ferguson. Ang bagong saltang balikbayang estudyante sa eskuwelehan nila. Si Faith ay mabait, mahinhin, masunuring anak, matalino, mapagmahal at mapag-alagang nobya. Guro sa publikong kolehiyo sa Morong, Bataan ang mga magulang niya. Hindi sila mayaman hindi rin mahirap. Sakto at simpleng pamumuhay lamang. Pinamahan ang ama ni Faith ng Tiya Adele nito ng maliit na resort at bahay sa Bataan. Kaya lumipat sila roon mag-mula sa Zambales. Sumama rin sa kanila ang Ninong Solo at Ninang Alina niya pati na rin ang anak na si Danny. Si Danilo Pedrera ang lalaking lubos na minahal ni Faith higit pa sa sarili. Magkaibigan sila mula nursery. Si Danny na yata ang pinakamabikas na binatilyo sa eskuwelahan nila pati na rin sakanilang sitio. Basketball team captain ito at sumasali rin sa modeling at pageants. Matipuno,may napaka among mukha, mabait sa kaniya ngunit masungit sa iba, matalino at matulongin sa magulang. Perfect boyfriend raw sabi nila. Si Danny ang ideal man ni Faith na maging asawa balang araw. Matagal nang inaasahan ni Faith na ang kaibigan ang makapareha niya sa Junior's prom. Ngunit si Candice ang inalok nitong maging partner. Naglaho ang pangarap ni Faith na maging first dance si Danny. Nasaktan si Faith ngunit pinagkibit-balikat niya na lamang iyon. Umattend pa rin siya sa prom at inasahang sabay sila uuwi ng kaibigan. Subalit hindi man lang siya nito tinapunan ng kahit isang sulyap. Tila hangin lamang siyang dinaan-daanan. Nagpaganda pa naman siya at nagpagawa ng mamahalin at magarang gown sa Roa Couture. Hindi pa roon natapos ang lahat dahil hanggang sa mga nakalipas na araw ay tuluyan na nga siyang nakalimutan ni Danny. Lumalapit at naaalala lamang siya nito kung kailangan ng alalay sa practice ng basketball o tagagawa ng assignment at project. Iyon na lamang ang naging silbi niya sa kaibigan. ‘Di naglaon naging magkasintahan si Danny at Candice. Tuluyan na ngang nabaliwala si Faith. Nasaktan siya ng sobra-sobra. Datapwa't hanggang matalik na kaibigan lamang ang turing ni Danny sakanya. Isang kapatid na takbohan sa lahat ng kailangan nito. Hindi nawalan ng pag-asa si Faith na balang araw ay mamahalin siya ni Danny bilang isang nobya at hindi bilang kapatid o kaibigan lamang. Laking tuwa ni Faith na tila ba biglang umayon sa gusto niya ang tadhana. Isang araw nagawi si Danny sa tambayan nila ni Faith simula mga bata pa. Naghihinagpis ito dahil pinagpalit sa iba ni Candice. Dumating na nga ang araw na pinakaaasam ni Faith.Nilagawan siya ni Danny at namanhikan agad ang mga magulang nito sa kaniya. Sinagot niya naman agad ito na walang patumpik-tumpik. Naging magkatipan sina Danny at Faith bago pa makapagtapos ng haiskul. Subalit ang inakala ni Faith na nagkakamabutihan na sila. Nahuli niya si Danny at Candice na magkasiping sa kuwarto. Nagalit si Faith kay Danny at pinapili niya ito. Parang gumuho at tumigil ang mundo ni Faith ng marinig mula kay Danny ang pinakamasakit na salitang narinig niya sa buong buhay niya. Hindi niya inakalang sa matalik na kaibigan at sa kasintahan niya mararanasan ang pakiramdam na ginamit lamang siya at ni minsan ay hindi siya minahal nito                   "Umalis ka na! Hindi kita minahal, Faith. Panakip-butas ka lang!" Nanlumo si Faith ng marinig ang mga katagang iyon mula sa bibig ni Danny. Hindi siya nag-atubili. Lumagapak ang mga kamay niya sa pisngi ni Danny. Mag-asawang sampal ginawad niya rito. "Danny, bakit? Binigay ko sayo ang lahat! Ang lahat lahat. Sinuko ko ang pangarap ko para sabay nating abutin ang pangarap mo. Tinanggihan ko ang pagkakataon magkapagaral sa New York dahil sabi mo . . . h-hindi mo kayang wala ako sa tabi mo. T-tapos p-panakip-butas mo lang ako?!” Wala pagsilan na pawang rumaragasang baha ng mga luha ni Faith at ang poot na kaniyang nararamdaman sa mg oras na iyon. “Faith, umalis ka na. Hindi mo ‘ko naintindihan. Please, leave,” pakiusap ni Danny sa kasintahan. "Don’t push me away! Hindi mo ako kailangang ipagtulukan. Don’t worry aalis ako. Mag-sama kayo ng kabit mo!” sigaw ni Faith sa mismong mukha ng nobyo. Tila nanunodyo at nanlilisik ang mata na nagpatuloy si Faith sa nais sabihin habang walang tigil na pumapatak ang kaniyang mga luh. “Bakit Danny? Magaling ba siya sa kama?” tanong nito sa pagitan ng mga hikbi. Naninikip na ang dibdib ni Faith sa sama ng loob sa binata. “Sapat na ba ang pagsiping niya sa’yo para balikan mo s’ya? My god Danilo! s*x lang naman ang hindi ko pa naiibigay sa’yo,huh? Masama bang hindi ko iyon ibigay hanggang ikasal tayo? Danny, hindi ka nagtanong. K-kahit minsan you never asked me to do it with you. I-ibibigay ko naman kung hiniling mo," sumbat ni Faith kay Danny habang  patuloy na humihikbi. Faith wipe her tears na hindi niya alam kung bakit hindi matatapos ang pagdaloy ng maalat na tubig sa kanyang mga mata. Hahawakan sana ni Danny si Faith upang ikulong sa kaniyang mga bisig at patahanin ito subalit mas nagalit ang kaniyang nobya.   “Don’t you dare touch me! Nandidiri ako sa ginawa mo. Walang hiya ka pinaikot mo ako. Ang tanga-tanga ko dahil umikot ang mundo ko sayo. Tinalikuran ko lahat para sayo! Ilang taon akong naging alalay mo. Sa bawat practice mo gusto mo kasama mo ako. Taga-abot ng tuwalya. Taga-abot ng tubig. Taga-bitbit ng bag mo. Ako ang naging dakilang personal assistant mo. Pinagsilbihan kitang parang yaya mo. Ginawa na nga akong katulong ng mga barkada mo. May narinig ka ba sa akin? May narinig ka ba sa akin Danny?” Pag-uulit ni Faith. Naluluha na rin si Danny sa pagtataksil sa nobya. Umiling ito sa pagtugon. Hindi siya makatingin sa mga mata ng nobya. Patuloy na ang pagsumbat ni Faith sa nobya. Tila nailabas naiya ang matagal niya ng saloobin na tiniis niya ng halos isang taon nilang pagiging magkasintahan. “Nag--reklamo ba ako? I neglected my friends because of you. Ako naglalaba ng damit mo. Ako nagluluto ng pagkain mo. Ako ang nagliligpit ng makalat mong kuwarto. Taga-gawa ng project at assignment mo. Tapos panakip-butas mo lang ako? Panakip-butas? Tangina Danilo. Panakip-butas? I am just a patch!" Napaluhod si Faith sa panghihina ng kaniyang katawan. Naubos ang kaniyang lakas. Tila kandila siyang naupos at mundo niya ay gumuho. Wasak na wasak siya sa mga oras na ‘yon. Sobrang sakit ang naramdaman ni Faith nang pinili ni Danny si Candice. Isa lamang pala siyang panakip-butas at pinagtabuyan pa siya nito. Sa sobrang sakit, hindi niya tinapos ang fourth year high school at pumunta sa Zambales. Sa Zambales, doon nahanap ni Faith ang katahimikan.. Nakituloy siya sa Love Thy Child Orphanage kung saan naninilbihan ang tiyahin bilang madre superyora. Itinatak ni Faith sa isip na ang lahat ng lalaki ay manloloko. Hinding-hindi siya magpapaloko pang muli kaya minabuti niya na lamang magsilbi sa Dios at maging madre. Makalipas ang sampung-taon. Nagtagpo muli ang landas ni Faith at Danny sa Zambales Regional Hospital at nasundan pa iyon sa orphanage kung saan namamalagi si Faith bilang kaagapay ng mga madre sa bahay ampunan. Ang kababatang si Danny ay isa na ngayong bilyonaryo. Nahanap pala ito ng tatay na Amerikano at dinala sa Amerika. Danilo Pedrera is now Daniel Seth Schumer, a bachelor billionaire. The CEO of Schumer Aviation and Shipping Lines Company. He is also a volunteer pediatrician. Kaya pala bughaw ang mga mata nito bagaman kayumanggi ang kulay ng balat. Mas naging makisig ang pangangatawan nito at mas kaakit-akit ngayon si Danny sa paningin ni Faith Angelie Contreras na mas kilala na bilang Luna.  After novitiale phase Faith was named Sister Luna. Makalipas ang siyam na taon niyakap ni sister Luna ang temporary profession. Ang first vow ay pangalawa sa hakbang upang maging ganap na madre. Malapit na malapit na ang pagiging madre at takdang pagpakasal ni Faith sa Dios habang buhay. Subali't hindi ni Faith inaasahan ang madalas na pagkukrus ng landas nila ni Danny. Nagulohan si Faith sa oras na magkadikit muli ang kanilang balat ng dating kasintahan. Laking gulat ni Faith ng pilit siyang hinalikan ni Danny kahit na nga nakasuot siya ng abito. Pakiramdam ni Faith ay isa siyang makasalanang babae. Napagpasayahan niyang lumabas na lamang muna ng kombento upang magnilay-nilay. Umuwi siya sa Morong, Bataan, ang kanyang probinsiya. Binalikan niya ang simpleng pamumuhay roon kasama ang kanyang mga magulang. Isinaman niya ang batang si Ezekiel na alaga niya mula ng iwanan ito ng matandang magasawa sa bahay ampunan. Hindi inaasahan ni Faith na sa paguwi at pagtago niya kay Danny ay ito pa ang una niyang makikita sa pagbukas ng kaniyang bintana sa kuwarto. Mas lalo yatang nagulohan ang utak niya sa pagkakita ng hubad na katawan ni Danny. Ang katawan niyang birhen hanggang ngayon ay tila ba naaakit sa init na dala ng pagtitig ng dating nobyo sakanya. Sa pagtalikod ni Faith sa kanyang bokasyon. Ito na kaya ang katuparan sa pangako nila ni Danny noong tinedyer pa na magpapakasal matapos ang kolehiyo?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Stubborn Love

read
98.9K
bc

Broken Angel

read
4.0K
bc

My Ex, My Boss, My Husband R-18

read
557.0K
bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
326.4K
bc

Be Mine Again

read
99.3K
bc

Just A Taste (SPG)

read
895.3K
bc

Mister Arrogant (TAGALOG/SPG18+)

read
832.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook