Kris' POV
Good morning.
Maaga akong nagising. I feel like something good is going to happen. Sana nga! My first memory of that University isn't that great kaya sana magkaroon din ako ng panibago at magandang memorya sa paaralang iyon. Bumangon ako sa higaan at naghikab.
"Tuesday please be good to me," sambit ko.
Dumiretso na ako ng banyo. Ilang minuto rin akong naglinis ng katawan bago ako tuluyang lumabas. Binuksan ko ang cabinet kung saan nakahanger ang uniform ko. White blouse with logo of the school on the right chest paired with plain black skirt. The whole things goes with a black coat. Maiksi ng kaunti ang palda ng uniporme kaya ipinares ko ang puting medyas na hanggang tuhod sa itim at kumikintab na school shoes. I remember, galing kay Tita Roxanne ang lahat ng ito. Kaya marami talaga akong dapat ipagpasalamat sa kanila.
"Tingnan mo kung sinong maganda?" I smiled while watching my reflection on the mirror.
I look gorgeous on my uniform. Kumuha ako ng face powder at ikinalat ito sa mukha ko. After blending it on my face, I reached for light pink lipgloss at ipinahid ito sa maninipis kong labi.
"Perfect! Dear self bakit ang ganda mo talaga?".
I pulled my not so small maroon bag at ikinabit ko ito sa balikat ko. I'm ready to go.
Paglabas ko ng kwarto ay nadatnan ko roon si Matthew. Bago pa man makapagsalita ay inunahan ko na agad siya.
Iniharang ko ang kamay ko sa harap. "I knew it, so you don't need to say a thing."
Bahagyang tumaas ang isang kilay nito, "Anong sinasabi mo?"
"I get it. Sasabihin mo lang naman na maganda ako e. So, I have nothing to say but thank you," paliwanag ko sa kaniya.
Ngumisi siya. "Crazy! Sobrang aga ng ilusyon mo. Halika na nga!"
I rolled my eyeballs. "Sus! Ayaw mo pang aminin e halata naman sa mukha mong nagagandahan ka sa akin e," pahabol ko sa kaniya.
"Whatever bansot!" sigaw niya habang pababa ng hagdan. Bumaba na rin ako.
"Anak, Kris! Sumabay na kayo sa akin kumain," tawag ni Tita Roxanne sa amin. Nasa dining area siya at marami ng pagkain ang nakalapag sa mesa. Naupo ako sa gilid ni Tita habang sa kabila naman si Matthew.
"Kamusta ang school?" paunang tanong ni Tita Roxanne habang umiinom ng purong kape. Napalunok ako. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ba niya alam ang lahat nang nangyari kahapon? Akala ko ba pina-excuse ako ni Matthew? Tiningnan ko siya. Our eyes met bago siya bumaling kay Tita Rox. Mukhang nahulaan agad nito ang ibig kong sabihin.
"My, hindi ba tumawag ako sa inyo kahapon. Nahilo itong si Kris kaya pina-excuse ko siya sa inyo," sagot ni Matthew.
Ibinaba ni Tita Rox ang mug nito at napahawak ito sa sentido niya.
"Oh, yah!yah! I forgot. Marami kasing nangyayari sa kumpanya kaya may mga bagay talaga akong nakakalimutan. So, okay ka na ba Kris?" tanong ni Tita at idinampi ang palad nito sa kamay ko.
"O-opo Tita," tipid na sagot ko.
"Siguro ay nanibago lang siya roon My, kaya siya nahilo kahapon. But, don't worry I'll monitor her often para hindi na maulit ang nangyari kahapon," sabat naman ni Matthew.
Tumango-tango naman si Tita Rox.
"Sige, basta gaya nang sabi ko 'wag mo siyang pababayaan hijo. Kapag nagkaproblema kayo, you know whom to call right?"
"Yes po," sagot ni Matthew. Nakahinga naman ako ng maluwag.
"Good, kumain na kayo habang mainit pa ang pagkain. Oh, ikaw Kris kumain ka ng marami para may lakas ka. Ako nga noong nag-aaral pa, mataba ako hindi gaya mong slim. Paano kain ako ng kain. Ginugutom kasi ako kapag naiistress," natatawang kwento niya sa akin.
Napangiti naman ako sa sinabi niya.
Tita Rox is an ideal mother. Sobrang bait at sobrang sweet. Ang swerte naman talaga ni Matthew. Hindi gaya ng Mama ko na lagi akong pinapagalitan at tinatalakan. Pero kahit ganoon tanggap ko ang mama ko at mahal ko siya. Kahit magbunganga siya ng isang araw hindi magbabago ang pagmamahal ko sa kaniya.
"Hello anak!" sagot ni mama sa kabilang linya. Nasa loob na kami ng kotseng magdadala sa amin sa paaralan. Naisip ko kasi siya kaya minabuti kong tawagan muna. "Kamusta ang unang araw?" tanong nito.
"Okay naman po Ma, nag-eenjoy po ako sa school," pagsisinungaling ko. "Namiss ko po kasi kayo kaya't tumawag ako."
"Ganun' ba? Namimiss na rin kita anak. Pasensiya ka na at wala ako diyan para suportahan ka. Oo nga pala pakisabi nga pala sa Tita mo ang pasasalamat ko ha."
I can sense my mom's loneliness. Ilang araw pa lang pero pakiramdam ko marami ng buwan ang lumipas. Pinilit kong patatagin ang sarili ko. Sayang naman kasi ang face powder na nilagay ko kung iiyakan ko lang.
"Okay po Ma, makakarating. Paano po? Kailangan ko na pong ibaba at malapit na po kami sa school," paalam ko sa kaniya.
"Okay, nak. Ingat ka ha. I love you."
Ibinaba ko na ang cellphone ko. Matthew reached for my hand at pinisil iyon. I smiled at him. Kahit papano ay gumagaan ang pakiramdam ko dahil kasama ko siya.
Nang marating namin ang Unibersidad ay unang bumaba si Matthew saka ako pinagbuksan ng pinto.
"Salamat," sambit ko at lumabas ng kotse. Naglakad kami ng ilang metro bago umabot sa hallway. Magka-iba ang building namin kaya naghiwalay na kami pagdating sa center hallway kung san nagdudugtong ang mga daan papuntang iba't ibang Department.
"Remember to call me if you need help," basa ko sa text ni Matthew nang maghiwalay na kami.
Napabuntong-hininga ako. Ano na naman kayang sasalubong sa akin sa building namin? Nagpasalamat ako dahil walang gaanong estudyante ang naroon sa hallway. Payapa akong naglakad papuntang classroom.
"Uy, hindi ba si Krissa 'yan?" rinig kong sabi ng isa sa classmate ko nang makaupo na ako sa likuran.
"Oo nga e. Siya iyong nakipag-away sa anak ng Dean kahapon," sagot naman ng isa pa.
"Balita ko mang-aagaw iyan ng boyfriend. Kaya kung ako sa inyo hindi ko palalapitin ang mga boyfriend niyo sa kaniya," dagdag pa ng isa.
"Mabuti na lang single ako." Humagikihik silang lahat. Nag-init ang pisngi ko. Pero mas pinili ko na lang na hindi sila pansinin. Hindi ko hahayaang sirain nila ang araw ko.
Dinampot ko na lang ang cellphone ko at nagbasa ng mga posts sa aking social media account. Bigla kong naalala si Evan. Bakante ang upuan nito. Galit pa kaya siya sa akin? Isinarado ko ang social media app na iyon at pinindot ang contacts. Hinanap ko ang pangalan niya.
SUPERHERO.
Tatawagan ko sana siya ngunit nagdalawang isip ako. I closed my eyes at bumuga ng hangin.Ibinalik ko na lang ang cellphone ko sa aking bulsa.
"Kring!" sigaw ng kung sino.
Nabuhayan ako ng loob dahil sa tawag na iyon. Isa lang naman ang tumatawag sa akin ng ganoon e. Nang tingnan ko ang pinto ng classroom ay naroon si Sheen- ang close friend ko noong highschool.
Teka, bakit siya nandito at kapareho ko pa ng uniporme? She is supposed to be grade 12 right now. Tumakbo siya at mahigpit akong niyakap. Tumayo naman ako at tinugon ang yakap na iyon.
"A-anong ginagawa mo rito?" nasorpresa kong tanong sa kaniya.
"I'm also a student here. Look!" Umikot siya para ipakita ang uniporme niya. "Ang ganda ng uniform natin dito no," masayang sabi nito.
"Oo nga e. Bumagay sa'yo Kring," sagot ko. Naghawak kami ng kamay at palundag na umikot ikot.
"Hindi talaga ako makapaniwalang nandito ka Kring!" masayang turan ko. Abot tenga ba naman ang ngiti ko.
Kring ang talagang tawagan namin dahil pareho kaming luka-luka noong high school. Siguro iyon ang dahilan kaya nagkasundo kami kahit hindi kami mag-classsmate. Nagkakilala kami sa isang science expo. Pinuri ko pa ang invention na iyon sa harap namin at siya pala ang gumawa.
Nang maramdaman kong umiikot na ang paligid ay saka ako tumigil sa ginawa namin. Nagtawanan kaming dalawa kahit halos matumba na kami.
"Teka, hindi ba dapat grade 12 ka lang? Pineke mo ba documents mo?" naiintriga kong tanong sa kaniya.
"Gaga! Siyempre hindi. Na-accelerate ako. Kung saan isang taon na lang sana. Hays. Alam mo gusto ko sanang kunin ay tungkol sa teknolohiya kaso ayaw ng Daddy. Ito ba naman ang pinakuhang kurso sa'kin," nalulungkot na sagot nito. Pero saglit lang ito dahil kaagad ding napalitan ng ngiti. "Pero okay lang naman kasi nandito ang favorite kong pinsan at siyempre ikaw."
"Talaga? May pinsan ka rito?" bulalas ko.
"Uh huh! You heard it right! Sabay nga kaming pumasok e. Teka saan na ba 'yon?" Hinanap nito ang kasama niya sa may pinto. Wala naman akong ibang nakitang tao roon kung hindi si Evan. Nagtama ang mga mata namin. Kaagad ko namang iniwas ang tingin ko dahil nahiya ako sa kaniya. Pakiramdam ko kasi galit siya sa'kin.
"Oh nandiyan lang naman pala siya e."
Nagulat naman ako nang hilahin niya si Evan. Walang emosyon itong sumunod kay Sheen. "Ban, this is Kring ang matagal ko nang ikinukwento sa'yo na close friend ko. Maganda di'ba?" nakangiti pa ito habang ipinapakilala ako sa kaniya. Uminit ang pisngi ko sa sinabe ni Sheen.
"Maganda nga,' sagot naman ni Evan na lalong ikinahiya ko.
Tadhana nga naman bakit sa lahat ng classmates ko itong si Evan pa ang naging pinsan niya.
Inilahad nito ang kamay niya. "Hi, I'm Evan King. Nice to meet you," aniya.
"Is he serious?" bulong ko.
Nagka-amnesia ba siya? Kahapon lang ay ayaw niya akong lumapit sa kaniya tapos ngayon umaakto siyang parang walang nangyari.
Kinikilig namang tumingin sa akin si Sheen. Tingin na nagpapahiwatig na tugunin ko ang kamay ng pinsan niya. Parang may sumpa naman ang tingin na iyon dahil natagpuan ko na lang ang sarili kong iniaabot ang aking kamay sa kaniya.
"I-i'm Krissa de la Vega," nahihiya kong pakilala sa kaniya.
Ngumiti siya. Hindi ko alam kung genuine ang ngiting iyon. Binawi na nito ang kamay niya at dumiretso ng upuan.
"Okay class, take your seat and I have an announcement to make," wika ng kararating lang na si Ma'am Sonia. Nagsi-upuan na kaming lahat at nasa gilid ako ni Evan. Himala naman na may upuan na bakante sa gilid ko na inupuan ni Sheen. Sinubukan ko pang makipagpalit ng pwesto kay Sheen pero hindi niya ako pinagbigyan. Nasa gitna nila akong dalawa.
"So, you have your new classmate here. Kahapon lang siya dumating kaya ngayon lang siya pumasok. Ms. Sheen Aberra, come here in front and introduce yourself to your classmates," utos ni Ma'am.
Masigla namang tumayo si Sheen at walang bahid ng hiya na nagpakilala bagkus ay ganado pa ito.
"Hi! According to the article I have read way back on my high school days man is a social animal by nature. That means being sociable is his natural instinct . Thus, he can't live in a society alone, because all his human qualities like thinking, learning to play , learning a language etc. are developed in human society. Thereupon, I am here in front of all of you to introduce myself and also to make friends with you guys since man couldn't stand being isolated that means I am no exemption. I am Sheen Aberra, 17 years of age. Luckily, I got to be accelearated 1 year that is why I'm here," mahabang pakilala niya. "I guess that would be all."
Masigabong palakpakan naman ang isinalubong ng mga classmates ko sa kaniya. I smiled, hindi pa rin talaga nagbabago ang gaga na ito. Madaldal pa rin gaya ko.
Habang pumapalakpak ay nasulyapan ko si Evan. Ang ganda nang ngiti niya. Umaliwalas ang mukha niya habang titig na titig kay Sheen. Hindi ko tuloy maiwasang suriin ang kaniyang mukha. Makapal ang kilay niya at matangos ang ilong. Pantay rin ang ngipin nito , saktong-sakto lang sa mapula at makapal niyang labi. Ngayon ko lang napansin ang mahabang hikaw nito sa kaliwang tenga dahil tinatabunan ito ng mahabang buhok niya. Pang k-pop kasi ang buhok ng lalaking ito Napansin niya siguro ang nakapakong tingin ko kaya napalingon siya. Ang sumunod na sinabi nito ay tama lang para mailang ako.
"What? Ngayon ka lang nakakita ng gwapo," nakangising wika nito. " Well, I can't blame you for that," dagdag pa nito. Hindi ako nagsalita at ibinaling ko na lang ang tingin ko sa kauupo lang na si Sheen.
"Today, as I promised I will give you my instruction regarding the group activity. But, before that I wanted to ask if may grupo na ba ang lahat?" tanong ni Ma'am. Nagtaas ng kamay si Jecca at nahihiyang sinabing wala siyang kagrupo. Naisip kong wala din pala ako.
"Ikaw, may grupo ka na ba Kring?'Wag mong sabihing mayroon na dahil magtatampo ako," ani ni Sheen.
Sinabi ko naman na wala pa kaya't natuwa siya. "Wala pa Kring, kaso tatlo raw kailangan e."
"Don't worry, nandiyan naman ang pinsan ko e." Tinawag nito si Evan. "Ban dito ka na sa'min wala ka pa namang kagrupo hindi ba?" Tumango lang rin si Evan.
"Jecca, go to Ms. de la Vega's group. Papayagan ko kayo na apat sa isang grupo. But, don't worry dahil pareho pa rin ang grading system ko with the other groups. Maliwanag?"
Sumang-ayon naman kami sa mga sinabi ni Ma'am.
"Now, listen class. Ngayong may grupo na kayo. You'll have to do a group experiment. You are going to find out the influences of your groups to you . Is it good or bad? And if it does affect you as an indivudual. Sasagutin niyo rin ang tanong if their experiences and thoughts affect yourself as an individual. Kayo na ang bahalang mag-isip kong paano niyo maeexecute ang group project na ito. Pwedeng interview, o maghang-out kayo basta kayo na ang bahala. Then, you will submit your output through a video presentation. Am i clear?"
"Yes po ma'am," sagot naming lahat.
"Then, I guess that will be for today. Any clarifications?" Wala namang sumagot kaya nagpaalam na si Ma'am.
"Sa tingin mo anong gagawin natin?May idea ka na ba?" tanong ni Sheen sa akin habang hawak-hawak namin ang tray na may mga pagkain. Nasa canteen na kami at oras na para kumain ng tanghalian.
"Hindi ko alam e." sagot ko. Wala pa naman talaga akong naiisip. Naupo kami sa mesa kung saan naroon si Evan.
"How about maghang-out na lang tayo kasama si Ban at Jecca," suhestiyon nito nang makaupo na.
"That sounds great!" sabat ni Evan habang ngumunguya ng pagkain. Napaisip naman ako. Ibig ba sabihin nito magkakasama kami ng matagal?