Chapter 6

2428 Words
Matthew's POV "What do you think you're doing?Anong karapatan mong diktahan ako kung sino ang pwede at hindi sa mga kaibigan ko. That is beyond your responsibility as my friend." Paulit-ulit sa isipan ko ang linyang iyon ni Kris. Kasalukuyan akong nasa kwarto at gabi na. Aaminin ko, nasorpresa ako sa ikinilos niya kanina. Hindi ko inaakalang sasagutin niya ako ng ganoon. At talagang sinundan pa niya ang mayabang na iyon pagkatapos nitong magwalk out. Hindi ko talaga gusto ang pagmumukha ng Evan na 'yon. 'Wag lang talaga siyang magkakamaling lumapit ulit kay Kris. Tumayo ako at lumapit sa malaking drawer kung saan naroon nakadikit ang mga larawan naming dalawa. Simula noong bata pa kami hanggang sa highschool ay may litrato kaming magkasama at iniipon ko ang lahat ng mga ito. Ito ang nagpapaalala sa akin ng mga panahong masaya kaming dalawa. Tiningnan ko ang isang larawan na natutulog kaming dalawa na magkayakap, palibhasa ay bata pa kami sa litratong ito kaya wala pa kaming kamalay-malay sa mga pinaggagawa namin. Nakaramdam tuloy ako ng guilt sa pag-iiwan ko sa kaniya kaninang umaga. Sinisisi ko ang sarili ko kaya nangyari iyon sa kaniya. Flashback... "Kris, ready ka na ba? Tara na aalis na tayo," tawag ko sa kaniya sa labas ng kwarto nito. Kinatok ko pa ang pinto upang malaman niyang naroon ako ngunit hindi siya lumabas. Nagring ang cellphone ko kaya tinigil ko muna ang pagtawag sa kaniya. "Oh?" sagot ko nang masulyapan ang pangalan ni Valir sa screen. "Pre, nasan' ka na ba? 'Wag mong sasabihing magpapalate ka sa unang araw ng klasi?" tanong nito. "May inaantay pa ako e," rason ko sa kaniya. "Sino?" "Ipapakilala ko na lang siya s'yo kapag nasa school na ako." Naisip kong maiinggit siya sa akin kapag nakilala niya si Kris. Kaya nangako akong ipapakilala ko siya sa kaniya. "Ikaw ang bahala. Basta bilisan mo ha." Ibinaba na nito ang linya. Ilang segundo ko pa sinubukang katukin si Kris pero hindi talaga siya sumasagot. Kahit ang cellphone nito ay nakapatay kaya't nagdesisyon na lang ako na pumasok ng paaralan mag-isa. Ibinilin ko naman siya kay Mang Edwin, ang drayber na sinasabi ni Mommy. "Kuya, ikaw na po bahala kay Kris mamaya ha," paalala ko sa kaniya at isinarado na ang pinto ng kotse nang tumigil na ito sa H.U. Tumango siya bago pinaandar ulit ito. "So asan na siya?" tanong ni Valir nang makita na niya akong palapit sa kaniya at nag-iisa. He wears our white uniform paired with black slack. Nakablack shoes din ito kaya malinis siyang tignan. Not to mention bagong gupit ito kaya dumagdag sa presentableng awra niya.. Valir is my closest friend maliban kay Kris. Napagkasunduan naming dalawa na dito mag-aral sa H.U dahil Dean ang mommy niya sa Department namin sa University na ito. "Hindi pa siya nagigising noong umalis ako. Kaya nauna na ako sa kaniya," I explained and occupied the seat beside him. Nasa loob kami ng calssroom. "I see. Sayang naman," he said while holding his left ear. "Maganda ba siya pre?" pabirong tanong niya. Imbes na sagutin ay binalaan ko siya. "Alam ko ang mga linyang iyan pre but, I'm telling you hindi siya pwede sa'yo. Hindi ka nga papasa sa akin e sa kaniya pa kaya?" Alam niya ang ibig kong sabihin. I know everything kung paano niya pagtripan at lokohin ang mga babae. Kaya't hinding hindi ako papayag na mapasama si Kris sa kanila. "Chill pre. Wala naman akong balak taluhin iyang bestfriend mo e. Nagbago na kaya ako," natatawang sabi nito. "Talaga lang ha. Kailan pa?" "Ngayon lang. This moment," biro niya. "Gago!" Nagtawanan kaming dalawa. Alam na alam ko talaga ang kaliskis ng kaibigan ko at kahit anong sabihin niya alam kong hindi siya magbabago. Lunch time... "O san ka pupunta?" tanong ni Valir sa akin nang magmadali akong lumabas ng classroom namin dahil tapos na ang klase namin sa umaga. "Pupuntahan ko si Kris. Aalamin ko kung nakapasok ba siya o hindi. Alam mo ba kung saan ang building ng Business Administration? Wala kasing alam 'yon dito at baka wala ring makilala...baka maligaw. Kawawa naman." Sumabay siya sa akin palabas ng classroom. "Kris ka ng Kris e. Palagi na lang si Kris. Naku! Baka iba na yan pre," tukso ito sa akin at siniko pa ako. Itinulak ko siya pakayo. "Sira! Malamang sa akin ibinilin ng nanay niya kaya't kailangan ko siyang alagaan. Isa pa ako ang kumumbinsi sa kaniya na mag-aral dito. Kapag may nangyari sa kaniya ako ang malalagot," I reasoned out. "Lupit! Pati nanay ikaw pa ang binibilinan ng anak." dagdag pa nito. Umakto ako na parang sinusuntok ko siya at umilag naman siya rito. "Ang dami mong daldal samahan mo na lang kaya ako." Naisip kong baka lumabas na iyon ng classroom dahil lunch time na at mahirapan na kaming hanapin siya kaya nagmadali ako. Sumama siya sa akin at hinanap ang SMS Building. Naroon kasi ang classroom ng mga estudyante na may kursong Business Administration. Iba naman ang building namin na Engineering students. Kaya kahit nasa loob kami ng isang University ay malayong magkita kami araw-araw dahil may tig-iisang building para sa iba't ibang departamento. Maliban na lang kung mayroong program o event dahil nagkakasama ang iba't ibang kurso sa isang malaking stadium kapag may mga ganun. Nang marating namin ang building ng SMS ay nasa hallway na ang karamihan sa mga estudyante. Hinanap ko ang BSBA1 section 1. Subalit, wala na kaming natagpuan doon kung hindi ang mga bakanteng mesa at upuan na lang. "Baka nasa canteen na siya pare," ani ni Valir."Doon na lang kaya natin siya hanapin?" aya niya sa akin. Hindi naman ako nakipag-argumento pa dahil wala naman akong ibang naiisip na ibang lugar na maaari niyang puntahan maliban roon. Baka na-outcast na 'yon. This is my fault! May tig-iisang canteen din sa bawat Departamento ng Unibersidad na ito. Nang marating namin ang canteen nila na ilang metro ang layo roon ay maraming estudyante ang nakita kong nagkukumpulan. Bukas ang bawat gilid ng canteen kaya kitang kita ko ang nangyayari sa loob. "Anong meron?" tanong sa akin ni Valir. I shook my head. "Hindi ko alam. Ako pa talaga ang tinanong mo ha. Alam mo naman na magkasama tayo kanina pa di'ba?" Dumiretso pa kami sa loob upang malaman kung anong nangyayari. Hindi ko alam pero nadama ako ng kaba. Sa rami ng estudyanteng nakiusyuso ay pinilit kong isiniksik ang sarili ko sa kanila. Hindi ko na nga mahagilap si Valir. "What's happening here?" bulong ko. Nagulat naman ang buong sistema ko nang bumungad sa akin ang dalawang babaing nag-aaway sa harap. Ang isa ay nakahawak sa buhok ng isa pang babae. Lalo pa akong nagulat nang mamukhaan ko ang babaing gulong-gulo na ang buhok na kaagad itinulak ng kaaway nito. Isang lalaki naman ang naglakas loob na awatin ang babaing sasampal sana kay Kris. Para itong pelikula na napanuod ko sa t.v. Dali-dali ko siyang pinuntahan. "Kris," sambit ko. Tatayo pa sana siya ng mawalan siya ng bwelo. Mabuti na lang at maagap ako at sa braso ko siya bumagsak. Nataranta ako dahil hindi siya nagsalita. "Kris?" muling tawag ko sa kaniya. "Wake up!" Kinarga ko siya. Naisip ko na dalhin na lang siya ng clinic dahil nawalan siya ng malay. Lilisanin ko na sana ang lugar na iyon ng may pumigil sa'kin. "Saan mo siya dadalhin?" rinig kong tanong nito. Hindi pamilyar ang mukha ng lalaking iyon sa'kin pero isa lang ang tinitiyak ko. Hindi ko siya gusto. "Get your filthy hands off me," utos ko sa kaniya. "Sa tingin mo saan ko siya dadalhin?" balik-tanong ko sa kaniya. Maangas siya tignan pero mas maangas ako.Ngayon pang lamang ako sa height sa kaniya. "Kilala mo ba ang babaing ito? She's my bestfriend," pangalandakan ko sa kaniya Bumaling naman ako sa babaing iyon na nanakit kay Kris. "At ikaw, ang lakas ng loob mong saktan ang kaibigan ko. Kung ako sa'yo magtatago na ako dahil hinding-hindi ko palalampasin ang ginawa mong ito sa kaniya." Tiningnan ko siya ng masama. Napayuko lang ang babaing iyon. Wala akong pakialam kong nasaktan ko ang damdamin niya. What she did to Kris is also unacceptable kaya patas 'yon. Muli pang nagsalita ang lalaking kumausap sa akin. "I am not convinced na kaibigan mo talaga siya. Baka kung saan mo siya dalhin. Let me take care of her." Kukunin niya sana si Kris sa akin pero inilayo ko siya. "I don't care if you are convinced or not. I don't need your permission anyway." Pagkasabi noon ay mabilis kong inilayo ang karga kong si Kris. Idiniretso ko siya sa clinic ng Unibersidad. Hindi ko naman namalayan ang pagsunod sa akin ng lalaking iyon. Nang mailapag ko siya sa kama na naroon ay pinalabas muna kami ng school nurse. Matiyaga naman akong naghintay. "Bakit ka pa nandito?" tanong ko sa lalaking naroon pa rin. "Hindi lang naman siguro ikaw ang pwede niyang maging kaibigan hindi ba?" sagot niya."Kaibigan niya ako kaya hihintayin ko siyang magising." Napangisi ako. Wala talagang kalyo ang dila ng lalaking ito. Hindi man lang siya nagdadahan-dahan sa mga pananalita niya. "Alam mo hindi talaga kita gusto e. Ang mga kagaya mo ay hindi dapat binibigyan ng panahon o atensyon. Isa pa, kaya ko nang alagaan ang kaibigan ko. Kaya pwede ka nang umalis," taboy ko sa kaniya. Pero matigas talaga siya. "Not until I have seen her wake up. Hindi ako aalis hangga't hindi ko siya nakikitang nagigising. Ayan! tinagalog ko na, baka kasi hindi mo naiintindihan," sarkastikong turan nito. Uminit ang dugo ko sa kaniya. Para itong umabot hanggang ulo ko at maya-maya ay parang sasabog na. I clenched my fist pero pinigilan ang sarili ko na ipatama ito sa mukha niya. Mabuti na lang at lumabas na rin ang school nurse at sinabing maayos naman daw si Kris. Nahilo lang daw ito pero hindi naman malala. Mabilis kong pinihit ang doorknob ng pinto at pumasok ng clinic. Ang kinainis ko lang ay pumasok din ang lalaking iyon. Kung pwede ko lang sana siyang sipain palabas. Naghintay kami hanggang sa magkamalay siya. Para naman akong tinusok ng karayom nang makita ko siyang ngumiti sa lalaking iyon nang magising na siya. Bakit siya ang unang nakita niya gayong nasa tabi niya lang ako. Bumalik ako sa kasalukuyan. Bumuntong hininga ako at lumabas ng kwarto. Gusto ko sana siyang kausapin pero natatakot ako dahil sa naging sagutan namin. Hindi ko na ipinagpatuloy ang pagkatok sa kwarto niya at bumaba na lang papuntang kusina. Hindi ko na binuksan ang ilaw dahil tinatamad na ako. Tanging flashlight lang ng cellphone ang gamit ko pang-ilaw sa daraanan ko. Iinom lang naman ako ng tubig. Dumiretso agad ako ng ref upang kumuha ng iinumin kong tubig. Ngunit, nang isarado ko ito ay muntikan ko nang mabitawan ang salaming pitsel. "Jusmiyo!" sigaw ko at napaatras ng ilang hakbang sa sobrang takot. Paano ba kasi, may isang babaing nakatalikod. Mahaba ang buhok nito at naka-pantulog na puti ang kulay. "K-kris, ikaw ba yan?' tanong ko habang nanginginig ang kamay ko. Madilim pa naman kaya itinaas ko ang ilaw ng cellphone. Natatawa siyang lumingon. Nang makita ko ang mukha niya ay napanatag ang loob ko. I hold my chest na bumilis ang t***k. "Papatayin mo naman ako sa takot e," reklamo ko sa kaniya. Natatawa pa rin ito nang i-on niya ang ilaw. "Ano ba kasing ginagawa mo rito ng ganitong oras?" tanong ko at inilapag ang pitsel sa mesa. "Hindi kasi ako makatulog e. Namamahay pa rin ako," pag-aamin niya sa akin. "Kaya nga ako nahuli ng gising kaninang umaga kasi anong oras na ako nakatulog kagabi." Ramdam ko ang lungkot niya. Normal lang na mamahay siya dahil ngayon lang ito nawalay kay Tita Faye. "Bakit hindi mo sinabi sa'kin?" tanong ko habang nagsasalin na ng tubig sa baso. "Ayoko na kasing istorbohin ka at alam ko namang aasarin mo lang naman ako kapag nagkataon." Sumimangot siya. "Dibale, mukhang magiging busy na tayo sa pag-aaral, kaya magiging malaya ka muna ng ilang buwan sa mga pang-aasar ko." Inirapan niya ako. "Ewan ko sayo," aniya at tumalikod na. "Kris!" tawag ko sa kaniya. Saglit siyang tumigil sa paglalakad. "I'm sorry," sambit ko at nilingon niya ako. Sumeryoso ang mukha niya. "Sorry saan?" tanong nito sa akin. "Sa nangyari kanina. Sa mga inakto at sinabi ko. Alam kong mali ang lahat ng iyon. Pero maniwala ka man sa hindi, gusto lang kitang protektahan. Kung alam mo lang kung gaano ako natakot kanina nang makita kitang walang malay. Naguilty ako Kris. Dahil kung hindi ako dumating at may nangyari sa'yo habang-buhay ko iyon dadalhin," mahabang paliwanag ko sa kaniya. She smiled at me. "Ano ka ba, wala 'yon. Naiintindihan kita moks. Kung ako rin siguro ang nasa sitwasyon mo baka sobra pa ang naging reaksiyon ko." "Ibig ba sabihin nito hindi na masama ang loob mo sa akin?" "Wala naman akong sinabi na masama ang loob ko sa'yo e." Lumapit siya sa akin and reached for both of my hands. "May hihilingin lang sana ako, Moks." Hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil mas natuon ang pansin ko sa mga nakahawak niyang kamay sa'kin. Nagbigay ito ng kakaibang emosyon na dumaloy sa buong sistema ko. Nilamon nito ang puso ko at kusang bumilis ang t***k nito. Sing bilis ng pagkagulat ko kanina. Titig na titig ang mga magagandang mata niya sa'kin. "Ano 'yon?" wala sa sariling tanong ko. "Pwede bang hayaan mo rin akong magkaroon ng ibang kaibigan, lalo na sa school. Alam ko nandiyan ka na pero Moks iba naman sila e. Ikaw lang naman ang mag-iisang super best friend ko. Promise 'yan." She raised one of her arm to pledge. Hindi ko alam kung papaano sasabihing ayoko siyang makipag-kaibigan sa iba lalo na kung sa Evan na 'yon pa. Pero kung doon siya sasaya. Why not? Sumang-ayon ako sa gusto niya. "Okay," tipid na sagot ko. "Talaga?" masiglang sabi nito at niyakap pa ako. Napayuko naman ako dahil pinulupot nito ang mga kamay niya sa leeg ko. "Aray! Aray!" reklamo ko. "Bakit?" tanong nito at kumalas sa pagyakap sa akin. "Ang sakit ng leeg ko. Kailangan ko pa kasi yumuko para lang mayakap ng bansot na katulad mo," asar ko sa kaniya. Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. "Diyan ka na nga. Panira ka talaga ng mood e," aniya at nagdabog paakyat. Tinawanan ko lang naman siya. "Hoy! Bansot hindi pa tayo tapos!" pahabol na sigaw ko sa kaniya. Hindi na niya ako nilingon. Siguro ay nainis na talaga siya. "Yakapin mo ako ulit," bulong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD