CINCO
MASAKIT BILANG isang ama na makita na mali ang binabaybay na landas ng nag-iisang kong anak at pamilya. Lahat ng panahon at oras ko ay nilaan ko para sa kanya, ngunit parang hanggang ngayon bigo ako na gawing masaya ang anak ko.
Mali nga kaya na hindi ko inamin sa kanya na ako ang kanyang ama? Mali nga kayang hindi ko pinaranas sa anak ko ang buong pamilya? Kung may tumayong Ina kaya sa kanya ay ganito pa rin kaya ang mangyayari sa buhay niya sa kasalukuyan? Gaano ba katagal bago ko maayos ang buhay ni Cain? Dapat ba maayos ko muna ang buhay ko?
Ito na ang nakasanayan kong gawin mula ng araw na ‘yun. Pupunta ako sa lugar na kung saan ko tila na aanig mukha niya. Ang mukhang sa isip ko ay hindi nagbabago kahit lagpas labing limang taon na ang nakakalipas. Alam ko na tama ang ginawa ko ng mga panahon na ‘yun. Tamang inilayo ko siya sa lahat lalo na sa akin. Sa tagal ng panahon hindi ko pa rin nakikilala kung sino ang nagplano ng aksidente ni Benjamin at Lilliana. Hindi ako mapapaniwala ng mga walang dulo na ebidensya na pinapakita nila sa akin. Hindi ako tanga, siguro nga dapat noon pa hinayaan ko si Teo na makialam. Marami tuloy na sayang na mga taon.
“Ma pride ka kasing tao!” Bulong ng isip ko kaya na pa tango ako. Sabay iling at tawa tsaka muling itinutok ang mga mata sa kalawakan ng langit.
“Tama naman ang ginawa ko Benj at Lil diba? Tama lang na Inilayo ko sa panganib ang kaisa-isa na naiwan niyo na alaala. Hindi ko kasi alam kung saan at kanino siya delikado. Patawad, oo na nga inaamin ko na! Inilayo ko siya pati sa akin dahil tulad ni Lil ay may kakaibang epekto ang anak niyo sa akin. Alam ko ang boundary ko wag kayong mag alala. Ayaw ko na magkasala sa inyo mga kaibigan ko. Kahit wala na kayo mananatiling magkakaibigan tayong tatlo. Tulad ng pangako natin noong mga bata pa tayo hindi ang pag-ibig ang sisira sa samahan natin na binuo.” Tila ba kaharap ko ang mag asawa habang sinabi ko ang mga katagang ‘yun habang malaya akong nakatunghay sa kalangitan. Tila may ngiting sumilay naman mula roon.
“Alam niyo mas gumanda pa lalo ang anak n'yo. Huy…Hindi ko sinilip ang mga litrato niya ha! Nasabi lang ng mga tauhan ko. Hindi na kasi siya nilubayan ng mga ito mula noon. Malayo man ako pero may gabay siya. Pinili ko rin na wag alamin ang ibang detalye sa buhay niya. Magaling, kahanga-hanga at matatag ang anak niyo Benj at Lil maganda ang nabuo niyong kombinasyon. Hiling ko na lang para sa kanya ay sana mahanap niya o mahanap siya ng lalaking magmamahal sa kanya ng katulad ng pagmamahal mo sa kanya Benj. Pagmamahal na hindi nakakasakit o nakaka-sugat sa pagkatao niya. Doon ko siguro masasabi na tagumpay ako sa paggabay sa anak niyo. Matanda na si Cinco. Tumanda ng mag isa. Hindi ko alam kung tulad n’yong dalawa ay sa langit ang punta ko. Basta kitakits nalang kapag oras ko na rin!” Matapos kong sabihin ‘yun at kusang natawa ako sa mga pinagsasabi ko.
Sa mga ganitong oras o pagkakataon lang, pakiramdam ko nagiging batang Cinco ulit ako. Ang batang Cinco na simple lang ang pangarap. Ang magmahal at mahalin. Bumuo ng pamilya kasama ang taong mahal niya. Ngunit ni isa doon ay walang natupad kaya siguro sobra ang eagerness ko na sumaya at makamit ni Cain ang pagmamahal at pamilyang buo. Sa kanya man lang matupad ang pangarap ko. Total isa ako sa dahilan bakit magulo ang buhay niya. Ako ang ama pero wala akong nagawa na tama sa buhay niya.
“Sir Cinco may natanggap po akong balita mula sa mga tauhan natin sa LA tungkol sa taong binabantayan nila.” Mula sa pagtingala at pagtawa ay napabaling ako bigla sa kadarating lang na tauhan ko. Pero ang lintik na buto ko sa leeg ay lumagutok pa.
“Tang ina naman!” Mura ko sa pilit na paraan dahil sa sakit na iniinda.
“Ayos lang po ba kayo Sir?” Tanong agad ng lalaki.
“Malamang hindi ako okay. Ano ba ang binalita sa'yo?” Angil na sagot at tanong ko pabalik. Napangiwi pa nga ang lalaki sa akin siguro dahil na rin sa naging reaksyon ko sa kanya.
“Sir may pupuntahan daw po na birthday party next week si Ms. C pero kakaiba daw po kasi ang galaw ng lalaking nag anyaya sa kanya. Ano daw po ba ang dapat gawin nila?” Lahad naman ng tauhan ko sa kung anong balita ang nalaman niya, sabay tanong na rin.
“Ang tagal na nilang binabantayan si C hindi pa rin alam ang gagawin. Wag nilang lulubayan si C at kung maaari pasukin nila ang birthday party walang pwedeng makalapit o makahawak kay C. Naiintindihan mo ba? Sabihin mo rin sa kanila oras na may sumaling o mangyaring masama sa babae ako mismo ang magpapasabog sa mga ulo nila!” Matanda na nga talaga ako ang bilis tumaas ng presyon ko lalo na't ang babae ang sangkap sa usapan.
“Nauunawaan ko po lahat. Gusto niyo po ba na dalhin ko na kayo sa ospital?” May bahid ng pag-aalangan ang boses ng lalaki ng sumagot at magtanong sa akin.
“Hijo d€ puta ka! Anong ibig mong sabihin? Stiff neck lang ito. Unahin mo na ang utos ko tsaka maya-maya ay uuwi na rin tayo.” Singhal ko sa lalaki na tumawa naman sa akin. Bakit nga ba hindi? e, sa tagal ko ng kasama ito kilalang kilala niya na ako.
“Paano ba ‘yan aalis na ako! Mukhang may kakasangkutan na namang gulo o panganib ang alaga ko. Wag kayong mag alala hanggang buhay ako, ay ako mismo ang gagalaw para sa kaligtasan niya. Kung mawala naman na ako ay sisiguraduhin ko pa rin na may titingin sa kanya.” Seryosong sabi ko habang kumakalat na ang pulang liwanag sa kalangitan.
SAMANTALA
ANG BILIS lumipas ng mga araw when it comes to work. Pero nasa akin pa rin ang ugaling mainipin kapag sa ibang bagay o tao patungkol. Gusto ko na talagang matapos ang buwan na ito ng sa ganun ay makalipad na ako pabalik sa Pinas. Pero dapat bago ako umalis ay maayos ang lahat. Hindi ko pwedeng iwan si Cecia na maraming mga trabahong hindi tapos. Napa-angat ang tingin ko ng bumukas ang pintuan ng opisina ko. Isang tao lang naman ang walang pakundangan na gumagawa ng ganito sa akin.
“What do you need?” Tila inip na tanong ko agad kahit palapit palang sa akin ang babae.
“Wow ha! So hot naman ng head mo. Naku,, ganyan talaga kapag mga tigang at nalipasan na ng panahon. Kaya kung ako sa’yo lumabas ka, magsaya at mag pa dukal ng perlas ng silangan!” Kung hindi ko kaibigan ito mula dumating ako sa LA aakalain ko na seryoso at matino ito sa unang tingin, pero dahil kilala ko siya alam ko na kabailwan ang pakay niya sa akin. Na sinimulan na agad ng bruha. Laging pechay ko ang concern.
“Kung ikaw ako baka nga kailangan ko ng dilig sa lahat ng butas. Sa asta mo kasi para kang halaman o bulaklak na sanay sa ulan pero biglang dinala sa disyerto. Cecia let me remind you that you’re still a virgin—!”
“Hoyyy…. Not anymore—!”
“Anong not anymore?!” Nandidilat ang mga mata ko sabay hampas sa table ng itanong ko ‘yun sa kaibigan ko.
“Oa mo naman! Palipas na tayo sa kalendaryo at isa pasado na sa mga tsismosa sa Pinas ang edad natin para magpa-iyot ng magpa-iyot. For sure sasabihin pa nga nila na tama ang ginawa ko, kaysa kumunat naman ng walang nangyayaring pagbanat ang kwelyo ng matres ko. Promise friend ang sakit pero sobrang sarap lalo na’t hastler sa kama ang makakaiyutan! Arghh… Shiît diin mo pa. Spank my ass fûcker. Lakas maka-sexy pala pag-iniiyot.” Bwelta naman agad sa akin ng kaibigan ko sa paraan na jina-justify kuno ang pulso ng komunidad ng mga tsismosa. May pa ungol pa ulit ang gaga na halatang nasarapan nga sa pagkaka-devirginized. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa babaeng ito? Ever since naman may kaldag din sa utak. Sana lang walang iyakan. Hindi pa man ako nakakaimik ay muli ma itong nagsalita.
“Maiba pala tayo. May damit ka na ba para sa birthday party ng afam param pam-pam mo? Sa makalawa na ‘yun. Huyy…. Um-attend tayo ha! Last naman na ‘yun kasi uuwi ka na sa Pinas. Wait… Aba teka lang, kailangan kabogera ka sa lahat. Papayag na akong lamang na lamang ka muna sa akin total wala ka pang dilig ako meron na. Kung wala ka pang damit friend ako ng bahala sa’yo! Live it to me, virgin!” Tuloy-tuloy na sabi ni Cecia. Talagang pinapamukaan pa ako na virgin pa ako. Hintay lang siya papawasak ko ito kay Cinco. Sa kakatak ni Cecia sa akin parang ang panga ko ang napapagod dahil sa kadaldalan niya. Hindi ko naman mapa-swap sa iba dahil kahit ganito si Cecia ubod tunay at puro ang samahan namin. Malala pa sa turingan ng tunay na magkapatid.
“Bahala ka na! Ikaw na ang mag ayos. Pupunta naman ako pero kapag na inip na ako uuwi na tayo. Tayo Cecia! Hindi ako lang. Mamaya magpa-kang-kang ka na naman sa kung sino doon. Imbis na mala rosas yang kepay mo ay baka maging chicharon na bulaklak na niluma. Bilasa na maantot pa!” Tipid lang sana ang isasagot ko kay Cecia pero ng maalala ko ang pagiging hyper niya na ugali ay na pa sermon na ako.
“Oo na nga po! Sabay tayong pupunta kaya sabay din tayong uuwi.” Parang ng aasar pang sagot ng babae sa akin sabay kindat at lakad papunta sa pintuan ng opisina ko.
“Basto ka talaga! Papasok ka ng walang paalam tapos aalis ka rin ng walang paalam!” Mahina sabi ko pero sure ako maririnig niya dahil no.1 na tsismosa siya sa buong LA.
“Paalam friend. Pero sa pagkakaalam ko, ang bastos ay yung may tîtí sa noo pero hindi tumitigas. Hahaha!” Napatawa na lang din ako sa sinagot niyasa akin, lalo't humarap pa ito sa akin habang dahan na lumakad pa urong at nagmumuwesta na waring may ari nga sa noo niya na sinasalsal ng kanyang kamay.
“Salaula ka Cecia!” Panay tawa ko pang sabi tsaka ko binato ng ballpen.
“Sus at least hindi tulad mo magsasara na ang butas ng kalangitan.” Sagot nito sabay takbo ng makitang hawak ko na ang suksukan ng mga ballpen at lapis. Nang makalabas na siya ay mas natawa ako. Takot palang mabato ng matigas pero hilig mag bida ng ari na matigas na matigas.
Natigilan naman ako bigla ng maalala ko ang bawat araw ko noong bago palang ako sa LA. Si Granny at Cecia ang tanging katuwang at tumulong sa akin na pawiin ang pangungulila ko sa mga mahal ko sa buhay. Silang dalawa ang nagparamdam sa akin na hindi ako solo na lumalaban sa buhay. Kung wala sila baka ilang ulit akong nagpahinga hanggang sa matagal ng bumalik. Bukod sa kanila may isa pang bumubuhay sa akin at soon makakaharap ko na siya. Magiging akin siya sa ayaw o sa gusto niya. Hindi ako naghintay ng matagal para lang mauwi sa wala. Kung sakaling limot niya na ipapaalala ko sa kanya ang lahat.
"Kayang kaya mo 'yan Che! Hindi ka basta kung sino lang. Isa kang Amador kaya lahat ng gustuhin mo—kunin mo at ipalaban mo!" Chant ko sa utak ko. Ito ang tanging mga katangang madalas sabihin ng aking ama sa akin na lagi namang sinasaway ng aking Ina. Pero ngayon ay paiiralin ko na sa akin sa oras na tumapak na ako sa lupang aking sinilangan.
"Sana naman sa pag-uwi ko ay saniban niyo akong dalawa. Alam ko perfect combination kayo. Samahan niyo po ako para balanse ang lahat. Sorry din agad kung kaibigan niyo po ang gusto ko. Siya talaga noon hanggang ngayon." Bulong ko sabay sandal sa swivel chair. Hindi pa man nangyayari ay parang napapagod ako agad ako na ewan.