Chapter 4

1863 Words
Dumating kami sa Condo ni kamahalan, sa lobby pa lang pinagkaguluhan na kami ng mga tao sa concierge para tulungan sa aking mga maleta. Para lang akong batang kalye na naka tsinelas at ang t-shirt ko na round neck ay hanggang dibdib ko na sa kalumaan. Kanina may point si Kuya na bahay lang din ang puntahan ko kaya hindi na kailangan pa na mag palit. Pero ang nakikita ko ngayon ay napakalaking building at desente ang mga taong pumapasok at lumalabas. Ang mga sumalubong kasi sa amin ay ang nag gagandahan na babae naka full makeup pa. Ang pogi pa ng staff na pumindot ng elevator para sa amin. Parang namula ata ako nang ngumiti siya sa akin. Tanginers lang, baka kada oras na akong taas baba makita ko lang si pogi. "What are you smiling for? you look stupid!" sabi ni Kuya na makikita ang pagkainis sa mukha. Grabe naman na maka stupid si Kamahalan makita ko lang ngumiti siya,sabihan ko nga din na stupid. Badtrip ata ang buhay niya pati ako idadamay, not me dahil lalo ko lang siya ba badtripin. May pinindot siya sa harapan ng pintuan at bumukas ito, ni hindi man lang niya ako tinulungan sa mga maleta ko. Walang -wala siya sa kalingkingan ng Tatay ko,napaka ungentleman. Nawa-wala na ang pagka gusto ko sa kanya, kay Mr. Pogi nalang ako sa elevator. "I have two rooms in my Condo, one is my room and 2nd is the storage room." "Kuya, sa sala nalang po ako matutulog tapos ilalagay ko nalang ang mga gamit ko sa storage room, para walang kalat dito sa sala." "No" "Sige aayusin ko nalang ang storage room at gagawa ng space na tulugan ko" "Nope!" "Kuya naman alangan sa kusina mo ako patutulugin?" "Sleep in my room." hindi ko alam kung seryoso siya sa sinabi. "Seryoso Kuya? magkatabi tayo matulog as in magkatabi?" sabi ko na pinagdikit ko ang aking hintuturo. "Yes!" sabi lang niya. "Kuya paano kung ayaw ko?" "You choose Yes or Yes"na pakunot nuo ako bakit walang No sa pagpipilian. "Kuya malikot akong matulog, baka masipa kita habang natutulog ako". "Kung ano ang gagawin mo sa akin ay gagawin ko din sayo" "So ibig mong sabihin Kuya pag hinalikan kita,hahalikan mo din ako?" tanong ko na nakangiti. Napalunok muna sya bago sumagot. "Yes," ma-iksing sagot niya. "Sorry ka na lang Kuya, si Mr. Pogi sa baba ang gusto ko na maging first kiss." "What the f**k!" mura niya at may tinawagan. "Yes fire him or transfer him to another building, ok bye" Halla may sapi ata si Kamahalan sino ang pinatanggal niya. "Put all your stuff in the empty wardrobe in my room, I have to go". "Kuya, malapit na ang pananghalian. Magluluto ba ako?" "My fridge is empty, we need to buy groceries tomorrow. I will call our restaurant to deliver a portion of food for lunch and dinner for you." "Para sa akin lang Kuya, paano kayo?" "I will have it outside, late na ako na makauwi." "Ok kuya" Pumunta siya sa kwarto at nagpalit ng pormal na damit, napaka gwapo talaga ni kamahalan. Umalis na lang siya at hindi na nagpaalam o lingunin man lang ako. Pumasok ako sa kwarto niya, ang kama agad ang napansin ko. Kahit 5 ata na katao ang matulog ay kasya. Kaya naman pala pinatutulog niya ako sa Kama niya dahil napakalaki. Pagkatapos ko na mailagay lahat ng aking mga gamit ay may narinig ako na nag doorbell. Pinuntahan ko agad at binuksan ang pinto. Isang lalaki na may sombrero at may hawak na bag na napakalaki. "Ma'am food delivery po for Miss Emma".sabi nito na naka ngiti at lumabas ang mga biloy niya sa pisngi. "Ang cute mo naman!" bulaslas ko at tumawa siya. "Thank you, po Ma'am!" "Huwag mo muna ako I Ma'am hindi pa ako Guro at Hindi naman ako mayaman,katulong lang ako dito." "Ganon po talaga Ma'am, paggalang at respeto namin sa mga customers." Sabay abot sa aking ng pagkain. "Enjoy your food, Ma'am!" "Salamat cutie pie" sabi ko at napatawa siya. Ang babait naman ng mga kalalakihan dito ang popogi pa, si kamahalan lang ang pogi na masungit. Binuksan ko ang bag at napaka daming pagkain,tawagan ko sana si Kuya pero hindi ko alam ang numero niya. I text ko sana si Tita pero huwag na kay Kamahalan ko nalang itanong ang numero niya. Naparami ako ng kain dahil masarap lahat ng I norder ni Kuya at marami pang tira. Ang mga tira ko na lang ang kakainin ko ng hapunan baka nga may midnight snack pa. Napa ngiti ako,masarap kasi ang tulog ko pag nag midnight snack ako.Napa-isip ako kung ano na ang gagawin ko,malinis na man ang lahat tapos ang storage room ni Kamahalan ay naka locked. Ano na ang gagawin ko? hindi naman ako pwedeng lumabas dahil wala akong Susi at hindi ko rin alam ang passcode. Bwisit na Kuya na to, ang aga niya kasi akong kinuha dito.Ang boring tuloy ng buhay ko.Napa tingin ako sa Tv,napangiti ako. Manood na lang ako ng It's Showtime, Idol na idol ko si President Ganda ang galing niya na mag patawa at paborito din siya ng Nanay at Tatay ko. Tawang tawa ako na nanunuod, buti nalang wala si kamahalan baka sabihan niya na naman ako na stupid. Pagkatapos ng It's Showtime ay na tulog muna ako. Nagising ako ay mag alas syete na at mag isa pa rin ako dito sa Condo. Namiss mo ko tuloy ang mansion, napaka tahimik dito. Pina init ko ang mga tira ko kanina at kumain mag isa. Itanong ko kay Kuya bukas kung pwede na doon muna ako sa mansion. Nandito naman na ang mga gamit ko, pag pasukan nalang ako punta dito kahit mag bus nalang ako para hindi na siya ma abala sa pagsundo sa akin. Hindi ko kaya ang mag isa dito, malungkot lang ako at maalala ang mga malungkot na nangyari sa aking buhay. Pagkatapos ko na kumain ay nilinis ko ang aking pi nagkainan at na nuod ulit ng pelikula na Tagalog. May free movies kasi na channel at puro tagalog. Pinili kong panoorin ang Panday ni Fernando Poe Jr. Idol na idol ko yon kahit wala na. Binubuhat pa ako noon ng Tatay ko sa kanyang balikat kung nakikipanuod kami sa kapit bahay namin na mayaman.Hindi kasi sila nagpa papasok, lahat kami na naki papanuod ay nasa labas at puno ang harapan ng bahay nila. Yong isang kapitbahay naman namin na may TV ay sarado ang pintuan kaya minsan sa mga butas ng bintana ako naninilip o kaya minsan umuupo nalang ako sa saradong pintuan at nakikinig parang radyo na lang ang peg. Namatay ang mga magulang ko na hindi man lang naranasan ang ginhawa sa buhay. Katulong nga ako ngayon pero hindi ko ramdam dahil masungit man si Kuya ay hindi niya ako ginutom at maganda pa ang kama na tutulugan ko. Gaya ngayon kain,nood ng Tv at tulog lang ang ginawa ko mag hapon. Alas diyes na wala pa si Kuya, napag pasyahan ko na maligo muna. Pinili ko na isuot ang luma ko na damit dahil pakiramdam ko pag suot ko ang mga ito ay yakap ako ng aking mga magulang. Pag pasok ko sa banyo ay bumulaga sa akin ang napakalaking bathtub, mas malaki pa sa bathtub na nililinis ko sa Mansion. Masubukan nga kong paano ang mag babad sa Bathtub. Naglagay ako ng bubbles at nang puno na ang tub ay hinubad ko na ang aking damit. Napaka sarap ng pakiramdam, feeling mayaman na ako nito. Nagbabad ako ng trenta minuto at nag banlaw dahil parang aantukin na ako. Pagkatapos ko na isuot ang aking damit ay kinuha ko ang towel na panlinis para I dry ang salamin at sahig. Nang ok na at malinis na ang banyo ay nakaramdam ako ng gutom. Sakto may natira pa na pagkain kanina. Kumakain ako habang nanunuod ng pelikula, tataba ako dito sa Condo ni kamahalan Kung ganito lang lagi ang gagawin ko. Hindi pa man din ako sanay na walang ginagawa. Inubos ka lahat ng pagkain na ideniliver nila kanina,puno ang basurahan dahil ma lalaki ang mga box na pinag lagayan. Tumingin ako sa orasan mag alas dose na wala pa si Kuya, pinatay ko ang Tv at pumasok sa kwarto para matulog na.Mas lalo na hindi ako tatangkad pag magpuyat ako. NAg toothbrush muna ako bago na higa sa kama. Sa pinaka gilid ako ng kama nahiga para hindi ko matadyakan si Kuya, mahirap na baka tadyakan niya ako pabalik. Sa laki niyang tayo at laki ng katawan niya baka hospital ang bagsak ko. Naglagay ako ng alarm sa aking 3210 na cellphone, nakakahiya kay Kuya kung mas mauna pa siya na gumising kaysa sa akin. Ang cellphone ko ay pinag lumaan ni Tita, napaka saya ko noong ibinigay niya sa akin dahil noon pa ako naiinggit sa mga kapitbahay namin na may cellphone sa mura nila edad. Nag laro muna ako ng Snake at nang napagod na ang aking mga mata ay hindi ko na namalayan na nakatulog na ako. Nagising ako nang maramdaman ko na parang may hangin na pumapasok sa Pepe ko. Nagulat ako dahil ang pepe ko ay nasa mukha ni Senyorito at wala akong saplot na pang ibaba. Ang posisyon namin ay parang L at nakabukaka na nakadapa pa ako. Hinay hinay ako na bumangon, pero kada taas ng katawan ko ay napa padiin sa ilong ni Kuya ang pepe ko. Naku po delikado ako pag malaman niya na ganito ang posisyon namin, baka ipaamoy niya din sa akin ang t**i niya. Slow motion ang aking galaw para hindi siya magising. Nang makaalis na ako sa kama ay kinuha ko ang maluwag ko na pajama at panty. Baka sa likot ko kagabi ay naalis ito dahil halos unat na unat na ang garter lalo na ang panty ko. Hinanap ko ang cellphone ko, nakita ko na nasa paanan ni Kuya. Low bat ang aking cellphone kaya pala wala akong narinig na alarm baka na low battery ng mabilis sa pag laro ko ng Snake ka gabi. Naligo ako ulit dahil pakiramdam ko ay malagkit ang Pepe ko, Pag kaligo ko ay pumunta ako sa kusina, napatingin ako sa orasan. Halla mag alas nuwebe na, wala naman maluto na pang agahan. Nag kape nalang ako habang hinihintay si kamahalan na magising. Habang ako nag kakape ay may kamay na humawak sa kape ko at inagaw sa akin. Wala nang iba kundi si Kamahalan. "Get ready, we will have breakfast outside and get some groceries." sabi lang niya at inubos ang kape ko. Ang hilig niya talagang mangharbat. Pwede naman na mag timpla siya ng kape niya. Nakasimangot ako na nagpalit ng damit sa banyo, ang bago ko na damit ang isinuot ko baka makita ko si Mr. Pogi sa baba. Pag baba namin wala ako nakita na Mr. Pogi at puro babae ang nasa Lobby. "Bakit ka nakasimangot?" "Wala si Mr. Pogi" sagot ko Pangiti-ngiti siya. "Kuya you look stupid!" sabi at ginaya ang pagka sabi niya sa akin kahapon,lintik lang ang walang ganti kahit palayasin niya ako ang boring tumira sa Condo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD