Chapter 3

2025 Words
Mag-isa ako ngayon sa kusina at nakita ko ang mga hugasin,napakamot ulit ako sa makati ko na anit. Napasubo tuloy ako na mag hugas mag-isa tapos kinain pa nina Ma'am at Sir ang midnight snack ko. Matagal ako na nag hugas dahil mga mamahalin na plato ang ginamit nila,mahirap na baka maka basag pa ako.Inabot ako ng dalawang oras sa paghuhugas at paglilinis sa kusina.Gutom na naman ako kaya naghanap ako sa fridge baka may iba na makain. May natira pa pa lang steak na niluto ni Ma'am kaninang pananghalian.Agad ko itong kinuha at pinainit sa microwave.Dinala ko ang pagkain sa kwarto at naligo muna ako.Naamoy ko na kasi ang buhok ko lalo na kung ang hangin ay galing sa gilid,hindi na maganda ang amoy lalo na at may halo pang gamot na pang paunat. Pagka labas ko na naka towel ay na datnan ko si Senyorito sa kwarto,medyo nahiya ako sa ayos ko. "Kuya bakit po?" "I come here to get the steak,gutom din ako".Sabi niya. "Kuya naman! pwede ba na hati tayo gutom din ako." "Okay, I will get a knife and plate." Talaga lang ha,bumalik nga siya, may dalang kutsilyo at Plato. Ano na ang nangyari sa sinabi ni Ma'am na "We are one of the richest in the world!" sabi ko nalang sa sarili. "You cut it" utos niya. Sabihin ko sana na siya na mag hati dahil naka towel pa ako,pero sino ba naman ako para utusan siya. Habang hinahati ko ang steak naramdaman ko na lumuluwag ang pag kabuhol ng towel.Itinigil ko muna ang paghati at itinali ko ulit ang towel ko,pero medyo tumaas ang pag katali.Pinapanood lang lang niya ako na naka pamulsa.Sa wakas na hati din at I binigay ko na ang plato niya. Hindi man lang nagpasalamat si Kuya kong mahal. Kinuha ko na ang damit ko na isusuot at napalingon ako sa salamin.Hala sobrang taas na pala ang towel ko,kitang kita ang pepe ko na walang buhok.Nakita kaya ni kuya?tanong ko sa sarili ko na para na akong tanga.Sa dinami-dami ng pepe na nakita niya siguro balewala lang sa kanya.Pag kabihis ko ay kinain ko agad ang steak sayang walang kanin,inubos kasi nina Ma'am at Sir kanina. Bumalik ako sa kusina para hugasan ang pinagkainan ko,nakita ko ang Plato ni Mahal. Gutom nga talaga siya naubos din niya.Nag hanap ako ng tinapay sa pantry at mag kakape ako bago matulog.Iba talaga ang maya-yaman ibaibang klase ang tinapay nila,hindi na tuloy alam kong ano ang pipiliin ko.Ang ending kinuha ko ang isang supot na croissant masarap ito na i kape dahil may cheese. Bitbit ko ang kape at tinapay ng maka salubong ko si Kuya,bakit kaya nandito pa siya hindi ba siya uuwi sa Condo niya? patanong ko ulit sa sarili ko.Diyos ko day baka isang araw sasagutin na ako ng sarili ko ka tatanong ko. "Emma ano yan?" "Kape po at tinapay" "Okay thank you"sabi niya at kinuha sa kamay ko ang mga dala ko. "Eh Kuya akin po yan!"sabi ko na naiinis na. "Gawa ka nalang ulit para sa sarili mo, kaya ang baho ng utot mo dahil kain ka ng kain." "Bakit kuya mabango ba ang utot mo?" tanong ko pero nilayasan lang ako dala ang kape at tinapay ko. Patay gutom na is one of the richest in the world! Binilisan ko ang paggawa ng aking kape at hindi na ako pumili ng tinapay pa basta kumuha na lang ako.Baka babalik na naman ang kapareho kong kuya na patay gutom. Pagkatapos ko na nagkape ay nag toothbrush ako ulit,hindi man ako matangkad pero ang sabi ng nanay ko ang ngipin ko daw ang asset ko dahil mapuputi at wala akong bad breath kahit bagong gising ako.Alagang asin na toothpaste at kahoy ng bayabas ata to, very organic.Sa pagod at busog ko hindi ko na namalayan na nakatulog ako. Pag gising ko naramdaman ko na parang kumapal ang aking mga labi. Bumangon ako at tinignan sa salamin,kinagat ata ng langgam dahil meydo lumobo at sobrang pula,hindi na talaga ako magdadala ng pagkain sa kwarto ko.Napahawak ako sa pepe ko bakit basa,malapit na siguro ako na reglahin. Naligo ako ulit para kung dumating na ang regla ko ay hindi ko pwedeng basahin sa unang araw ng aking regla.Yon ang turo sa akin ng aking Nanay para daw hindi sumakit ang puson ko. Mabilis ako na naligo at dumeretso sa kusina.Nandoon na ang mga kasambahay at tita ko na nagkakape.Sila kasi nakatira sa likuran ng Mansion at may sarili silang kwarto doon kasama si Tita.Sakto lang kasi ang kwarto doon para sa kanila.Kaya pinatira ako ni Ma'am sa isang bakanteng kwarto dito malapit sa kusina.Bonnga ka day dahil malaki ang kama at may sariling banyo pa. "Ano ang nangyari sa bibig mo at parang lumobo?"tanong ni Tita sa akin. "Kinagat po ata ng langgam Tita" "Nagdala ka na naman siguro ng pagkain sa kwarto mo ano?" "He he he he opo Tita" "Ikaw talagang bata,manang-mana ka kay ate, ganyan din siya noong bata kami lagi siyang nagdadala ng pagkain sa higaan namin. Buti sayo langgam lang ang kumagat kay ate noon ipis at langgam."natatawa na kwento ni Tita pero malungkot ang kanyang mga mata. Niyakap ko siya ng mahigpit, Hindi man kami magsalita pero alam ko na pareho ang nararamdaman namin. "O sige na nagluto ako ng sinangag at tucino alam ko na paborito mo kaya dinamihan ko ng luto." "Salamat Tita!,ikaw na talaga ang pinaka mabait ko na Tita."sabi pero binatukan lang niya ako. "Aray! naman Tita bakit kayo nam babatok?"reklamo ko sa kanya. "Gaga ka talaga! bobolahin mo pa ako, eh ako lang naman ang nag iisa mo na Tita!.Pumunta ka na sa mesa para kumain baka mabatukan na naman kita." Pumunta naman ako agad kumain mahirap nang mabatukan ulit. Habang naka kamay ako na kumakain ay hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala si Kuya. Mukha siyang walang tulog dahil lumaki ang mga eye bags. "Good morning po Kuya" bati ko nakangiti. "Get me a fork and spoon" utos niya. grabe talaga to alam niya na kumakain ako,kailangan ko pang hugasan ang aking mga kamay para makuha ang fork at spoon niya daw. Pagkabigay ko sa kutsara at tinidor ay kinuha niya ang Plato ko na may sinangag at tucino. "Kuya plato ko po yan at pagkain ko!" sabi ko na may pagka high tone na ang boses ko dahil noong gabi pa siya nang aagaw ng pagkain. "Just get a new one"sabi ni Kamahalan. Kumuha ako ulit ng plato at nag sandok ng sinangag at Tucino.Umupo ako sa harap niya at nag umpisa na kumain.Kinuha ko ang aking kape at nagulat ako dahil wala ng laman.Tinignan ko siya,abala sa pagkain. "Kuya inubos mo ba ang Kape ko?" tanong ko na seryoso. "Nope"sagot lang niya. "Tayong dalawa lang naman dito ah,kanina nag sandok ako may kalahati pa natira sa kape ko". "Pinagbibintangan mo ba ako?If you don't have evidence for your allegation against me,pwede kitang kasuhan." Na tahimik na lang ako,buwesit lang dahil pa ata sa kape makukulong ako. "Kuya dito ba kayo natulog?" "Yes! bawal ba?" "Grabe ka naman kuya nagtatanong lang, Of course, hindi bawal dahil bahay mo ito.Nagtataka lang kasi ako dahil sabi ni Tita mula tumira ka sa condo mo ay hindi ka na natulog dito.Siguro kuya namamahay ka at hindi nakatulog halata po sa mga mata mo na puyat ka.Sana hindi kayo nag kape noong gabi baka hindi kayo sanay, eh talagang hindi kayo makakatulog." Hindi ko alam kong nakikinig siya sa mga sinasabi ko, kain lang siya ng kain.Ni hindi man lang niya sinagot ang tanong ko,pero parang sinagot ko din ata ang mga tanong ko sa kanya. "Pack your things later sumama ka na sa akin sa Condo." Nakakagulat naman na magsalita si Kamahalan. "Kuya! Next month pa po ang pasukan,sobrang aga po naman kong ngayon na ako titira sayo". "Now o never?" sabi niya grabe talaga siya. "Now na po, mag papa alam lang ako kay Ma'am at Tita". Hindi naman niya ako sinagot o nagsalita man lang,basta na lang siya umalis sa mesa.Napaka sungit talaga,buti na lang at gwapo siya na bagong gising,natabunan ang kasungitan niya. Pumunta ako sa aking kwarto at nagsimulang mag empake sa aking mga damit,hindi pa pala ako nakabili ng bagong panty a bra.Halos wala nang garter ang panty ko. Kinuha ko padin ang lahat na luma ko na mga damit dahil bili ng Nanay ko.Mga ito na lang ang mga natitira na ala-ala ko sa kanila ni Tatay.Sana makahanap din ako ng mapapangasawa na kasing bait ni Tatay.Wala na talaga si Kamahalan kong kagaya ng Tatay ko ang gusto ko na ma pangasawa.Tatlong maleta na malalaki lahat ang pinag lagayan ko kasama ang mga bagong damit at sapatos na bigay ni Ma'am. Pinuntahan ko si Tita na nagdidilig ng mga halaman. "Tita" tawag ko. "Oh, tapos kana ba na kumain? himala mabilis ka ata ngayon na kumain kahit paborito mo ang breakfast." "Sabi po kasi ni Senyorito,sasama na ako sa Condo niya ngayon."Nagulat si Tita sa aking narinig. "Dito ba natulog si Senyorito?" "Hindi ko alam Tita dahil kaninang tinanong ko wala akong nakuha na sagot,ang aga-aga napaka suplado." Pinatay ni Tita ang hose at yumakap siya sa akin. "Ma mi miss ko ang makulit ko na pamangkin,dapat pasyalan mo ako dito kada linggo." "Sasabihin ko po yan kay Senyorito Tita, wish ko lang sagutin ako pag may mga katanungan ako sa kanya." "Habaan mo na lang ang pasensya mo doon,ganun talaga yon mula bata,napaka suplado.Pero huwag ka din na pasaway doon kilala kita. Huwag na huwag kang gagawa ng kalokohan. Alalahanin mo na papaaralin ka ni Ma'am,magpakabait ka doon at magpakatino." "Grabe ka naman ang habilin mo Tita Condo po ang pupuntahan ko hindi Rehabilitation Center o kumbento."kinurot na naman ako. "Aray! Tita nakakarami kana ng batok at kurot sa akin" reklamo ko. "Gaga ka naman kasi,pinag bubilinan ka,kung ano-ano naman ang sinasabi mo,huwag masyado na madaldal doon yan ang ayaw na ayaw ni Senyorito." "Oo na po!, mag papa alam lang ako kay Ma'am Tita." Nagpaalam ako kay Tita at niyakap niya ako ulit ng mahigpit bago ako pumasok sa loob. Nakita ko si Ma'am na nagkakape,lumapit ako sa kanya at bumati. "Good morning po Ma'am!" bati ko "Good morning din Emma, may kailangan ka?" sabi niya na nakangiti. "Magpapaalam po sana ako." "Anoh! Oh my God! may nagawa ba ako na hindi mo nagustuhan? sabihin mo lang. Gusto mo ba na itaas ko ang sahod mo,kung kulang pa ang mga damit at sapatos mo. Halika kuha tayo ngayon din,nagtampo ka ba kagabi dahil nilayasan ka namin na mag isa sa kusina?Anak napaka baho naman kasi ng utot mo."Sabi ni Ma'am na natataranta. "What the f**k you are saying Ma! sigaw ni Kamahalan na kanina pa pala naka tayo at nakikinig" "She is going with me now to my Condo" "Ikaw naman bakit hindi mo sinabi agad" sabay sampal sa balikat ko,mabigat ang palad ni Ma'am kaya nasaktan ako at hindi ko pinahalata.Ito ang pabaon nila sa akin,pambabato,kurot at sampal sa balikat. "Eh Ma'am,hindi pa ako tapos nagsalita ay sumabat na kayo"natawa lang si Madam. "Ang aga mo naman ata na kunin si, Emma?" "I will be busy next month at wala na akong oras para sunduin siya dito"sagot ni kamahalan na walang kangitingiti". "Ganun ba anak, oh sige mas mabuti kung mas maaga para malaman niya ang pasikot-sikot sa Condo mo" Nagpaalam din ako sa mga kasama ko na kasambahay, Tinulungan ako ni Tita na ilagay ang mga maleta ko sa sasakyan ni Senyorito buti na lang at nagkasya.Dalawa sa compartment at isa sa back seat. "Kuya nakalimutan ko na mag palit ng damit naka pambahay pa ako" "Bahay din naman ang pupuntahan mo bakit ka pa magpapalit?' May point si Kamahalan,sana hindi na lang ako nagsalita nagmukha tuloy ako na tanga.Napaka galing niya na mam bara,bagay talaga sa kanya ang pagiging abogado. Naku po apat na taon kami mag sasama,makayanan ko kaya ang ugali nito. Ano kaya kong dasalan ko ang mga brief niya para bumait siya sa akin. Napangiti ako na tumingin sa kanya na naringin lang sa daan habang nagmamaneho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD